Chapter 9: Leaders Romance
LAY'S POV
"Namimiss ko na si May." bulong ni Suho sa sarili niya.
"Sinong May? " tanong ko sa kanya.
"Si Zyra." sabi niya.
"May ang tawag mo sa kanya? " tanong ko ulit.
"Oo kasi Zyra May ang pangalan niya kaya tinatawag ko siyang May para maiba." sabi niya sa akin. Parang malungkot siya kasi wala dito yung partner niya makapunta na nga lang kay Sophie.
"Sophie." sabi ko kay Sophie.
"Bakit? " tanong niya.
"Wala naman, namiss lang kita." sabi ko sa kanya.
"Ah ganon ba? " tanong niya.
"Oo bakit hindi mo ako namiss? "tanong ko sa kanya.
"Ah... Namiss." sabi niya.
"Akala ko hindi eh." sabi ko sa kanya.
"Tara Guys punta na tayo sa mga classes natin." sabi ni Xiumin hyung.
Sabay na kamin pumasok ni Sophie, Chanyeol at Kris hyung kasi parehas ang next class namin. Pagdating namin sa room namin nagtilian yung mga babae nung makita kami. Pero nung dumating si Ma'am nagsitahimik sila. Buti na lang dumating kaagad si Ma'am.
MITCH POV
Break time namin ngayon pero si Luhan hindi pa nag-bebreak sa pangungulit niya sa'kin. Kanina pa niya ako kinukulit kasi namiss niya daw talaga ako. Nung tumigil na si Luhan sa pangungulit sa'kin napansin namin yung sa may entrance nagkakagulo sila. Kaya tinignan namin. Nung pagkalapit namin nakita namin si Zyra. Pero bakit siya nandito?. Diba dapat nagpapahinga siya ngayon?. Di bale na nga namiss ko naman siya. Pinagkakaguluhan kasi kami dito simula nung pinakilala kami sa kanila. Nung nakapasok na siya nilapitan siya agad ni Suho. Eh pano ba naman halos buong umaga walang kibo si Suho kung tatanungin naman namin siya kung may problema siya sasabihin niya palagi na namimiss na niya daw si Zyra.
"May ! " sigaw ni Suho kay Zyra.
"Angel ! " sigaw naman ni Zyra kay Suho. At nagyakap silang dalawa.
Hay naku yung mga leaders talaga namin nung una magkagalit tapos ngayon para silang hindi nagkita ng 1 year.
"Anong ginagawa mo dito? " tanong ni Suho sa kanya.
"Kasi pumunta kami nang doctor at sabi naman pwede na daw akong pumasok. Eh sabi ng mama ko mamayang hapon na lang daw eh. Pero namimiss na kita kaya pumasok na ako." sabi ni Zyra tapos bumitaw siya sa pagkakayakap sa kanya ni Suho.
"Namiss din kita." sabi naman ni Suho sa kanya.
Nung nandito na kami sa canteen nakatingin kaming lahat kanila Zyra at Suho ang sweet nila eh kulang nalang langgamin sila. Ganyan ba talaga ang nangyayari kapag hindi lang nagkita nang mahigit 1hour?
"Guys yung totoo, kayo na ba? " tanong ni Kris sa kanila.
"ANO?! " sabay nilang sigaw. Napalakas ata yung sigaw nila kasi yung mga ibang taong nasa canteen eh nakatingin sa amin.
"Hindi ah." sabi ni Zyra kay Kris.
"Weh, bat ang sweet niyong dalawa." sabi ni Chen sa kanila. Tapos hindi nagkibuan yung dalawa. Tapos iniba ni Zyra yung topic.
"Ahm. Ano palang ginawa niyo nung wala ako dito kanina? " tanong ni Zyra sa amin.
"Wala naman, kasi yung leader namin walang ginawa kundi isipin ka." sabi ni Kai. Tapos tumungo si Zyra siguro nagbablush 'yan kasi ganyan din siya nung una naming nameet si Suho. Ay! siguro hindi pa naikwento ni Zyra 'to sa inyo. Ako nalang magkwekwento sa inyo ha. Wag niyo perong sasabihin kay Zyra na ako nagkwento ah.
Ito kasi yung pinakilala kami ni Director sa isat-isa nung pina-alis na niya kami may naging moment pa ang Angel-May couple. Oo Angel-May kasi yun ang tawagan nila sa isat-isa. Syempre nasabi na ni Suho sa amin yun. Ok, so mag-umpisa na tayo sa flashback friday.
FLASHBACK FRIDAY 1
ZYRA'S POV
Lumabas na kami ng office at napag-isipan naming Dream A na magcelebrate sa bahay namin. Nung papunta na sana kami sa bahay namin. Biglang humarang yung EXO sa amin at nilapitan kaming mga partners nila. At dahil kapartner ko si yabang eh di siya yung lumapit sa akin.
"Saan kayo pupunta? " tanong ni Mr. Yabang.
"Wala ka na dun." sabi ko sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sige na sabihin mo na Ms. Sungit." sabi niya sa akin. Ako? Ms. Sungit eh gago naman pala'to eh.
"Wala ka na dun." sabi ko naman sa kanya.
"Girls, tayo na." sabi ko sa mga kasama ko. Tapos tinignan ko yung mga kasama ko aba nakikipaglandian na sa mga partners nila ako lang ang hindi. Eh hindi naman ako malandi eh.
"Ah. Zyra pwede ba natin silang isama sa bahay niyo? " tanong ni Jai.
"Ano? Sila? Eh ang sabi ko kay mama tayo lang mga girls eh." sabi ko sa kanila.
"Eh sige na kami ang bahala sa'yo." sabi ni Denevy.
"Hindi talaga pwede eh. Kasi mga boys yan." sabi ko.
"Sige na. Please? " sabi ni Charmaine.
"Please? " dagdag pa ni Jerica.
"Eh ano ba yan kung hindi lang ako mabait hindi ko kayo pagbibigyan. Sige na nga." sabi ko sa kanila.
"Yehey! " sabi nilang lahat. Naku naman tong mga babaeng 'to.
"Oh di pumayag ka din." sabi ni yabang.
"Ewan ko sa'yo. Hindi naman ako papayag kung hindi dahil diyan sa mga kasama ko." sabi ko kay yabang. Tapos ngumuti naman siya sa akin. Che! kahit ngumiti ka pa yabang mo parin.
Papunta na kami ngayon sa bahay.
BINABASA MO ANG
Dream Academy ( EXO Fan Fiction )
FanficDream Academy The Most Popular School in Korea. Many talented students who wants to accomplish their Dreams. EXO is the most popular boy group and Dream-A is the most popular girl group. Are they going to be friends or.... They will be Falling-in-Lo...