Chapter 20: Bonding

217 8 0
                                    

Chapter 20: Bonding

BIANCA'S POV

"Aray." sabi ko habang hinahawakan yung paa ko na may sugat at parang napilay din. Ang liit naman nung bato pero napilay ako ano ba naman yan paano ako uuwi nito eh hindi rin ako makatayo. Pero napansin ko na maraming nakatingin sa akin at kahit isa walang tumutulong sa akin sinubukan kong tumayo pero wala eh malala ang pilay. Ang sakit!

"Lampa pala 'to eh." may nagsalitang lalaki at nung tumingala ako. Yung pangit na Chen ang nakita ko. Inabot niya yung kamay niya sa akin pero hindi ko kinuha.

"Kaya ko." sabi ko kanya.

"Sabi mo eh." sabi niya tapos umalis. Pero totoo hindi ko kaya sakit talaga ng paa ko.

"Aray..." sabi ko ulit. Pagkasabi ko may nagbuhat sa akin. Sino ba'to?. CHEN?!.

"Ibaba mo ako... ano ba..." sabi ko sa kanya pero hindi parin niya ako binaba. Pero mabait din pala 'to kahit papano. Ano ba tong sinasabi ko pakitang tao lang to.

REYNALYN'S POV

"Ano na kayang ginagawa nung dalawa doon? " tanong ko sa sarili ko.

"Baka nag-aaway na sila oh kaya nagkabati na? " tanong ko ulit.

"Lyn baka gusto mong ako na lang tanungin mo?. 'Wag yung sarili mo? " biglang tanong ni Xiumin.

"Ah oo nga noh." sabi ko.

"Min ano sa tingin mong ginagawa na nung dalawa dun? " tanong ko sa kanya.

"Baka may LQ na sila doon." sabi niya sabay tawa ng mahina.

"O baka naman world war." sabi ko tapos tumawa kaming dalawa.

"Sana magkabati narin yung dalawa. Kawawa talaga kasi si Chen walang partner." sabi niya.

"Pero nakakapagtaka kasi nung una hindi naman sila ganon. Pero after nung umalis silang dalawa para mag-usap dun nag-umpisa." sabi ko.

"Kaya nga eh." sabi niya tapos tumahimik na kaming dalawa.

ERICH POV

Miss ko na mga kapatid ko 5 months ko na silang hindi nakikita sana kahit mayakap ko lang sila.

"May problema ka ba? " tanong ni D.O sa akin pero hindi ko narinig yung tanong niya masyado dahil may iniisip ako.

"Erich." sabi niya tapos yun bumalik ako sa katinuan ko.

"Ha?. Bakit?." tanong ko sa kanya.

"May problema ka ba? " tanong niya.

"Wa... wala naman." sabi ko.

"Eh bakit ka tulala? " tanong niya.

"Ah kasi... naalala ko lang mga kapatid ko." sabi ko.

"Nasaan ba yung mga kapatid mo? " tanong niya.

"Naiwan sila sa Philippines eh." sabi ko.

"Bakit? " tanong niya.

"Kasi sa Philippines kami dati tumitira pero nung nakahanap ng business yung mga parents ko dito sa Korea sinama nila ako pero iniwan muna nila mga kapatid ko." sabi ko.

"Okay narin yun." sabi niya tapos napatingin ako sa kanya.

"Ba... bakit? " tanong ko.

"Kung hindi ka nila sinama hindi kita makikilala." sabi niya.

"Ah ganon ba." sabi ko na lang sa kanya.

LUHAN'S POV

"Mitch hatid na kita." sabi ko kay Mitch.

"Ah bakit dadalawin mo ba ulit lola mo? " tanong niya.

"Hindi naman." sabi ko.

"Pero bakit? " tanong niya.

"Gusto lang kitang ihatid. Pwede ba? " tanong ko.

"Ah ok sige." sabi niya. Siguro yung tungkol dun sa paglipat ko kay lola 'wag ko muna sigurong sabihin kay Mitch.

SUHO'S POV

"First kiss mo din pala ako? " tanong ko kay May.

"Ah yun ba?. Sa totoo lang nainis talaga ako sa'yo dati kasi kinuha mo yung first kiss ko. Yun din ang dahilan kung bakit masungit ako sa'yo." sabi niya sa akin.

"Sorry ah." sabi ko.

"Angel 'wag ka magsorry hindi mo naman sinasadya eh." sabi niya.

"Alam mo ba na sabi ko sa sarili ko na yung babaeng magiging first kiss ko yun na din ang babaeng magiging last kiss ko." sabi ko.

"Ah pero anong ibig mong sabihin? " tanong niya.

"Ang ibig kong sabihin yung naging first kiss ko siya ang mamahalin ko." sabi ko. Tapos bigla siyang tumingin sa akin at tumingin din ako sa kanya.

"A...a...ako? " tanong niya.

"Bakit ayaw mo? " tanong ko.

"Ah hi...hin...di naman... sa ganon." sabi niya tapos napangiti nalang ako sa kanya.

JAIRA'S POV

"Bukas hatid kita ulit ah." sabi ni Baekhyun sa akin. Kasama ko siya kasi gusto niya daw akong ihatid. Tapos nung malapit na kami may nakita kaming aso na tumatahol sa amin. Tapos napansin ko na lang na nakayakap sa akin si Baekhyun.

"Jai... takot ako diyan..." bulong niya sa akin. Si Baek takot sa aso?.

"Takot ka sa aso? " tanong ko sa kanya.

"Oo..." sabi niya. Ang cute naman ni Baekhyun takot sa aso. Lumapit ako dun sa aso at hinawakan. Mabait naman pala tong aso eh.

"Hi..." sabi ko doon sa aso. Tapos tumahol siya na ikinatakot ni Baekhyun.

"Baek, 'wag kang matakot mabait siya." sabi ko kay Baek.

"Si... sigurado ka? " tanong niya sa akin.

"Oo." sabi ko. Tapos may lumapit sa amin at kinuha na yung aso.

"Ah mga bata pasenya na kayo sa alaga kong aso ah." sabi nung babae.

"Ok lang po." sabi ko.

"Sige mauna na ako." sabi nung matanda tapos umalis na siya. Tumingin ako kay Baekhyun.

"Ang cute mo..." sabi ko sa kanya tapos I cup his face to my hands. Tapos ngumiti ako na pagkalaki-laki.

"Bakit ako naging cute? " tanong niya.

"Takot ka kasi sa aso eh." sabi ko.

"Ah... Hindi ako takot ah! " sabi niya. Tapos tinaasan ko siya ng kilay at parang naintindihan niya yung ibig kong sabihin.

"...Oo na sige na, inaamin ko, na takot ako sa aso." sabi niya. Tapos maslalo akong ngumiti.

"Naniniwala ako sa'yo." sabi ko. Tapos nagpout siya. Ang cute cute niya talaga.

"Cute mo talaga. Gusto kitang iuwi." sabi ko.

"SIGE! " sigaw niya tapos ngumiti siya.

"'Wag na marami na akong aalagaan." sabi ko tapos nawala yung ngiti niya. Ang cute talaga niya.

Dream Academy ( EXO Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon