Chapter 14: MitcHan Couple

261 12 0
                                    

Chapter 14: MitcHan Couple

LUHAN AND MITCH

LUHAN'S POV

Magkasama kaming lahat ngayon nag-iisip parin ng plano para mahanap yung Bianca kasi kahapon hindi naman nag-work yung plan namin. Pero napansin ko si Mitch na parang namumutla.

"Mitch okay ka lang ba? " tanong ko sa kanya.

"Ah oo okay lang ako." sabi niya.

"Okay, sabihin mo lang sa akin kung may problema ka ah." sabi ko sa kanya. Tapos nag-nod nalang siya.

"So anong plano natin? " tanong ni Kris sa amin.

"Siguro itigil muna natin yung paghahanap." sabi ni Sehun.

"Pero bakit? " tanong ni Baekhyun sa kanya.

"Mga hyungs hindi niyo ba napapansin na nung sinimulan nating hanapin yung Bianca eh wala nang nangyayaring masama sa mga partners natin? " sabi niya.

"So ang ibig mong sabihin lahat ng galaw natin eh binabantayan niya? " tanong ni Suho sa kanya.

"Exactly. Kaya kung malalaman niya na tinigil na natin ang paghahanap sa kanya eh di may chance tayo na mahuli siya kapag may ginawa nanaman siyang kalokahan." sabi niya.

"Eh paano mga partners natin? "tanong ni Lay.

"Ano ba kayo sigurado naman ako na aalagaan niyo mga partners niyo eh." sabi niya.

"Okay." sabi naming lahat sa kanya.

"At kung pwede dapat magkakahiwalay tayo para mahirap tayong matunton nung Bianca." sabi niya.

"Gusto mo lang namang masolo si Jerica eh." sabi ni Chen.

"Shh! Hyung naman tumahimik ka! " sabi niya kay Chen.

"Oh ayan na tatahimik na." sabi naman ni Chen sa kanya.

"Sige hihiwalay na kami sa inyo magkita nalang tayo after 2 days. Bye." sabi ni Xiumin sa amin sabay hila niya kay Reynalyn.

"Kami rin." sabi ko sa kanila para naman hindi kami maiwan dun.

Nung pagkaalis namin ni Mitch dumiretso kami agad sa garden pero nung naglalakad kami napapansin ko si Mitch na parang hindi siya makalakad na nanghihina.

"Mitch okay ka lang ba talaga? " tanong ko sa kanya.

"Oo okay lang ako." sabi niya ng nanghihina at natumba siya buti na lang nasalo ko siya.

"Mitch, Mitch, Mitch? " tawag ko sa kanya. Pero wala parin siyang malay kaya dinala ko na siya sa clinic. Pagkadating namin sa clinic sabi nung nurse na hintayin ko daw si Doc. Pero paano si Mitch kailangan matignan agad siya para malaman yung kalagayan niya.

Tapos dumating na yung Doctor at sinabi sa akin na baka napagod lang daw siya kaya kailangan niyang magpahinga. Nasabi ko na rin pala sa mga kasama namin na nandito kami sa clinic at nakadalaw na din sila dito kanina. Hindi pa rin nagigising si Mitch hanggang ngayon kaya nag-aalala na ako kaya lumapit ako sa kanya at kinuha ko yung kamay niya at After a few minutes nagising na siya.

"Nasaan ako? " tanong niya sa akin.

"Nandito ka sa clinic." sabi ko sa kanya.

"Ha bakit anong nangyari? " tanong niya. Wala siyang maalala.

"Kasi kanina nung papunta tayo sa garden bigla kang nawalan nang malay." sabi ko sa kanya.

"Ah ganon ba." sabi niya.

"Mitch may problema ka ba? " tanong ko.

"Ah wa...wala naman." sabi niya.

"Mitch alam ko may problema ka sabihin mo lang sa'kin." sabi ko sa kanya. Pagkasabi ko nun biglang may tumulong luha sa mga mata niya. Ano kayang problema niya?.

"Luhan kasi yung mga magulang ko naghiwalay at iniwan nila akong mag-isa sa bahay namin." sabi niya tapos tuluyan na siyang umiyak. Kaya niyakap ko siya ng mahigpit para kumalma siya.

"Ibig mong sabihin ikaw lang mag-isa sa bahay niyo? " tanong ko sa kanya.

"Oo." sabi niya.

"Nakakaya mong mag-isa? " tanong ko sa kanya.

"Kinakaya ko kahit hindi ko kaya." sabi niya.

Paano ko kaya siya matutulungan.

"Shhh. Tama na nandito naman ako eh. 'Wag kang mag-alala hindi kita pababayaan." sabi ko sa kanya tapos hinigpitan ko pa yung pagkakayakap ko sa kanya.

Ano kayang gagawin ko?. Ah alam ko na.

"Ah Mitch ihatid nalang kita sa bahay niyo." sabi ko sa kanya.

"Ah sige." sabi niya sa akin.

"Magpapaalam muna ako sa mga kasama natin." sabi ko sa kanya.

Tapos nag-nod siya sa akin.

After kong magpaalam umalis na kami ni Mitch. Pero paano ko siya tutulungan mag-isa na lang siya. Kung pwede doon muna ako kay lola kasi malapit lang sa bahay nila Mitch. Oo tama doon muna ako kay lola tapos araw-araw kong bibisitahin at para maalagaan ko rin si lola.

Tapos after kung nag-isip ng gagawin hindi ko namalayan na nakarating na kami.

"Sige Luhan salamat sa paghatid mo sa akin. Kita nalang tayo bukas sa Academy." sabi niya.

"Pero ok ka na ba? " tanong ko sa kanya.

"Oo ok na ako. 'Wag ka nang mag-alala." sabi niya.

"Ah sige kung may problema ka tawagan mo lang ako ah." sabi ko.

"Ok salamat ha." sabi niya. Tapos nag-bye na ako at umalis para makapag-paalam ako kay papa na kay lola muna ako tutuloy bukas at next week.

Dream Academy ( EXO Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon