A/N: Guyth! Sa wakas nakapag-update narin po! Sorry po kung natagalan ang update ko pero sana magustuhan niyo Thank you po sa paghihintay! Enjoy!
Chapter 50: Their Challenge
KAI'S POV
"Ayan na kasi basta gawin mo lang yung tinuro ko." sabi sa akin ni Katarina.
"Eh kasi nga oh mahirap hanapin tapos pabalik-balik lang yung mga methods." sabi ko naman sa kanya.
"Eh anong tingin mo sa math? Alphabet? Madali lang? " tanong niya.
"Eh sino ba kasi ang nag-imbento ng math na to nakakainis na ah." sabi ko sabay sandal ko sa inuupuan ko.
"So pati inosente dinamay? Eh sadyang ayaw mo lang pag-aralan eh. Madali lang naman yan kung isasa-ulo mo except na lang kung wala kang utak." sabi niya. Ako? Walang utak? Sa gwapo kong to wala akong utak? Ahaha oo na mahangin na ako.
"So sinasabi mo na wala akong utak? Haha." sabi ko tapos tumawa ako ng mahina.
"Wala akong sinabi. Ang sabi ko lang baka wala kang utak." sagot niya. Ahhh ganun pala ah.
"Ganun ba? " tanong ko sa kanya at tumayo ako. Halata sa mukha niya ang pagkagulat kaya napa-atras ito. Haha.
KATARINA'S POV
Hala may nasabi ba akong masama? Nakakatakot naman ang tingin ng Kai na to.
"Oi anong ginagawa mo? " kinakabahang tanong ko sa kanya habang umaatras ako. Kasi naman siya palapit ng palapit sa akin.
"Diba sabi mo baka wala akong utak? " nakaka-asar niyang tanong. Hala nababaliw na tong lalaking to.
"Bakit totoo naman ah? " sabi ko umatras pa ako ng umatras hanggang sa napasandal na ako sa pader. Jongina na-corner niya ako. Lumapit pa siya nang lumapit hanggang sa ilang inch na lang ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Sh*t anong binabalak ng lalaking to? Baliw na siya!
"So ito ang lalaking sinasabihan mo nang walang utak." bulong niya sa tenga ko ramdam ko ang hininga niya na nakapagpakiliti sa akin. After niyang bumulong hinarap na niya ako hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. At tignan mo to nakangiti pa ng nakakaloko.
"Uy anong gagawin mo? " kabadong tanong ko sa kanya.
"Hmm. Sa tingin mo? " tanong niya sa napakahinang boses. Nilapit pa niya ng nilapit yung mukha niya sa akin wala na akong magawa kundi pumikit. Hanggang sa...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
*Pok*
"Aray! " napasigaw ako bigla.
"Tsk. Nakakatawa ka." sabi niya tapos tumawa siya. Nakakainis siya! Hindi niya ba alam na kinabahan ako dun? Tsk.
"Yabang mo! Ano ba kasing trip mo ah! Nakakainis ka! Nakakainis ka! Nakakainis ka talaga! " sabi ko sabay hampas ko sa kanya. Kulang pa yung hampas sa kabaliwan niya! Kailangan ipatapon to sa Pilipinas! Ay hindi! Kawawa naman ahaha. Ano ba nababaliw na ako ah.
"Ano sino sa atin ang walang utak? " tanong niya saka siya ngumisi.
"Che! Wala ka nga talagang utak! Nababaliw ka na! " sabi ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/14700493-288-k805243.jpg)
BINABASA MO ANG
Dream Academy ( EXO Fan Fiction )
FanfictionDream Academy The Most Popular School in Korea. Many talented students who wants to accomplish their Dreams. EXO is the most popular boy group and Dream-A is the most popular girl group. Are they going to be friends or.... They will be Falling-in-Lo...