Chapter 13: Meet Hiana

285 14 0
                                    

Chapter 13: Meet Hiana

MEET SEHUN'S LITTLE SISTER

HIANA'S POV

Ako nga pala si Hiana kapatid ni Sehun, 11 years old na ako. At kung nasabi na ni Kuya Sehun na paborito niya ang bubble tea sa inyo sasabihin ko rin na mas paborito ko ang bubble tea kasi dun ko unang na-meet yung mga kaibigan ni kuya. Nandito pala ako ngayon sa garden hinihintay sila Kuya at Ate Jerica kasama na din yung ibang mag-partners. Opo alam ko po yung mga partners-partners na yan kahit hindi sinasabi sa akin balitang-balita naman dito sa buong Academy kasi dito din ako nag-aaral sa Dream Academy pero elementary palang ako samantalang si Kuya college na pero ok narin yun kasi nga sabi nila enjoy your childhood times. Antagal naman nila 2 hours na akong nandito sa garden hindi parin sila natatapos. Hiana kunting hintay pa ah libangin mo na lang yung sarili mo. Kaya ang ginagawa ko ngayon ay nagseselca or selfie Eh parehas din yun naiba lang ng word yung dalawa. Nung itatago ko na yung phone ko may naglanding na eroplano hindi yung malaki na totoong eroplano ah yung gawa lang sa paper. Tapos may kumuhang batang lalaki na parang kasing age ko lang. Yung kumuha ng eroplanong papel lumapit doon sa isang lalaki at ibinigay niya yung eroplano nung nakita ko yun napangiti na lang ako at nakatitig lang dun sa lalaking nag-abot ng eroplano. At dahil nga nakatingin ako doon sa lalaki hindi ko na namalayan na dumating na pala si Kuya Sehun at Ate Jerica na may dalang bubble tea.

"Oi bata ka pa." may bumulong sa akin nung tinignan ko si Kuya Sehun pala. Tapos binigay niya yung isang bubble tea na hawak niya.

"Ha bakit kung bata ako? " sabi ko sa kanya na nagtataka.

"Yun oh." sabi niya sa akin tapos tinuro niya yung lalaking tinitignan ko kanina. Tapos narealize ko kung anong ibig niyang sabihin.

"Hindi ah." sabi ko sa kanya.

"Weh? " tanong niya sa akin.

"Hindi nga eh." sabi ko sa kanya sabay inom ko ng bubble tea ko.

"Crush mo kasi aminin mo na." tanong niya sa akin. Bigla kong nabuga yung iniinom ko at maswerte siya hindi ako nakaharap sa kanya kung hindi basa yung mukha niya.

"Hindi ah! " sabi ko sa kanya. Tapos may narinig akong tumatawa ng mahina. Kaya napatingin kami ni Kuya kay Ate Jerica.

"Bakit ka tumatawa Ate? " tanong ko sa kanya.

"Wala lang ang cute niyo lang kasing dalawa magkapatid talaga kayo." sabi niya sabay tawa ng mahina.

"Ah ok." sabi ko sa kanya.

After nun umupo na kaming tatlo at nagkwentuhan ng mga nonsense na bagay.

ERICH POV

"So anong plano natin? " tanong ni Kris sa amin.

"Wala pa akong naisip eh." sabi naman ni Kai.

"Ah ako meron." sabi naman ni Luhan.

"Ano? " tanong namin sa kanya.

"Eh kung si Zyra nalang kaya ang maghanap." sabi niya.

"Ha bakit si May? " tanong ni Suho sa kanya.

"Eh kasi nga diba nakita niya yung itsura nung Bianca." sabi niya.

"Oo nga noh." sabi naman ni Zyra.

Dream Academy ( EXO Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon