Chapter 12: Search for Bianca

250 14 0
                                    

Chapter 12: Search for Bianca

DIANNE'S POV

Lagot andaming nakatinging tao sa akin ngayon kasi kalat na dito sa buong school ang pictures ko. Kasi model talaga ako ng isang product pero hindi naman ako sikat at hindi rin nila ako makikilala kasi ibang pangalan ang ginagamit ko kapag nag-momodel ako. Nandito kami ni Kris sa office kasi kami yung kukuha ng information nung Bianca.

"Ah sir tanungin ko lang po kung may student po dito na Bianca? " tanong ni Kris dun sa isang teacher.

"Ah meron. Bakit mo natanong? " sabi nung teacher kay Kris.

"Ka..kasi po ma..may kaibigan po kasi akong Bianca at sinabi po ng mama niya sa akin kung pwede ko po daw kunin yung information slip niya kasi po hindi pa daw po napipirmahan ng mama niya." pagsisinungaling ni Kris dun sa kausap niyang teacher.

"Ah pero dapat yung magulang niya ang kukuha." sabi nung teacher.

"Pero po kaya pinapakuha sa akin kasi po hindi daw po makakapunta yung mama niya dito sa Academy." sabi ni Kris dun sa teacher.

"Ah ganon ba sige. Anong surname nung sinasabi mong Bianca." sabi nung teacher kay Kris.

"Ah...eh... " hindi makasagot si Kris kasi hindi namin alam yung surname nun Bianca. Tapos tumingin siya sa akin na para bang sinasabi niyang tulungan ko siya. Para makawala kami dun sa tanong tinawagan ko yung number niya para magmukhang kailangan niyang sagutin yung tawag at makalabas.

"Ah Ma'am sasagutin ko lang po itong tawag." sabi ni Kris dun sa teacher. Tapos lumabas na kami.

"*sigh* Buti nalang nakaalis tayo dun hindi natin alam yung surname nung Bianca eh." sabi niya sa akin.

"Paano na natin makukuha yung information nung Bianca? " tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam eh." sabi niya sa akin.

"Tanungin na lang natin yung iba kunh paano natin makukuha yung information ni Bianca." sabi ko sa kanya.

"Mabuti pa nga." sabi niya sa akin. Tapos hinanap na namin yung mga kasama namin.

JERICA'S POV

Nandito kami ni Sehun sa isang bubble tea shop malapit sa Academy. Ngayon ko lang nalaman na mahilig pala siya sa bubble tea.

"Paborito mo pala ang bubble tea? " sabi ko sa kanya sabay higop ko sa bubble tea ko.

"Ah oo, gusto mo bang malaman ang story ng EXO-K? " tanong niya sa akin.

"EXO-K?" tanong ko sa kanya.

"Oo EXO-K kasi hinati kani sa dalawang group. Merong EXO-K at EXO-M." sabi niya sa akin.

"Ah ok sige." sabi ko sa kanya.

"Kasi ganito yan kami ni Suho hyung, Baekhyun hyung, D.O hyung, Chanyeol hyung at Kai hyung matagal na kaming magkakaibigan at nagumpisa ang pagkakaibigan namin sa bubble tea. Nung isang araw kasi pumunta ako sa isang bubble tea shop kasama yung kapatid ko--" sabi niya pero pinutol ko yung pagkwekwento niya.

"May kapatid ka? " tanong ko sa kanya.

"Ah oo babae." sabi niya sa akin

"Anong pangalan? " tanong ko ulit sa kanya.

"Hiana." sabi niya sa akin.

"Ang cute ng pangalan niya." sabi ko tapos nag-smile ako. "Ay oo nga pala ituloy mo na yung kwento mo." dagdag ko. Tapos nag-nod siya sa akin.

"Yun nga kasama ko yung kapatid ko tapos pagpasok namin may nilapitan siya kaagad na dalawang lalaki. Tapos nung malapit na siya dun sa dalawang lalaki may nadumbo siyang isang lalaki na may dalang bubble tea at natapunan yung kapatid ko pero hindi siya umiyak. Nilapitan ko yung kapatid ko pero nung pupuntahan ko na siya nakita ko na pinunupunasan na nung isang lalaki yung kapatid ko tapos yung nakabunggo dun sa kapatid ko kasama din pala nila. Pagkadating ko doon sa upuan nila nilapitan ako kaagad nung kapatid ko tas sinabi niya sa akin ang cute daw nung mga lalaki kaya hindi siya umiyak after na sinabi yun ng kapatid ko nag-thank you ako dun sa mga lalaki at nagpakilala din sila sa akin at syempre nagpakilala din ako sa kanila. Yung mga yun sina Suho hyung, Chanyeol hyung at D.O hyung." kwento niya sa akin.

"Eh paano sila Baekhyun at Kai? " tanong ko sa kanya.

"Ah sila kaibigan ko na sila bago ko nakilala yung tatlo." sabi niya sa akin.

"Ah ganon ba. Eh paano kayo napasok sa EXO-K? " tanong ko ulit sa kanya.

"Oo nga pala kasi sabay kaming nag-audition nung summer kaya yun naging magkagruop pkami tapos sumunod na din nabuo ang EXO-M. Pero pinagsama kami at ginawa kaming EXO." sabi niya sa akin.

"Ah ganon ba." sabi ko sa kanya.

"Tara balik na tayo sa Academy." sabi niya sa akin. Tapos nag-nod nalang ako sa kanya.

Nung nakarating na kami sa Academy nakita namin kaagad yung mga kasama namin. Kami nalang dalawa ni Sehun ang wala.

"Saan kayo galing? " tanong sa amin ni Lay.

"Ah diyan lang sa labas." sabi ni Sehun sa kanila.

"Saang labas." nakakalokong tanong ni Baekhyun sa amin.

"Nag-bubble tea lang kami." sabi ko sa kanila.

"Teka bakit ang dami niyong tanong? " tanong ni Sehun sa kanila. Tapos may lumabas na batang babae sa likod ni Suho. Ang cute niya kamukha niya si Sehun. Pero sino siya?

"Hiana!" sigaw ni Sehun at niyakap niya yung bata. Hiana? Parang narinig ko na yung pangalan na 'yon.

"Oppa! " sabi nung bata kay Sehun. Tapos niyakap ni Sehun yung bata.

"Oppa sino siya? " tanong nung bata kay Sehun sabay turo sa akin.

"Ah siya si Ate Jerica mo." sabi ni Sehun dun sa bata.

"Jerica siya si Hiana kapatid ko." sabi ni Sehun sa akin.

"Hi." sabi ko kay Hiana. Siya pala yung kapatid ni Sehun. Ang cute cute niya. Parang si Sehun cute. Hehe.

"Hello Ate Jerica. Ang ganda mo naman." sabi ni Hiana sa akin.

"Ah ikaw din." sabi ko sa kanya.

"Syempre mana ako kay Kuya Sehun eh." sabi niya sa akin.

Tapos tumawa yung iba naming kasama.

"Oh bakit kayo natawa? " tanong ni Hiana sa kanila.

"Ang layo naman ng sinabi mo." sabi ni Xiumin sa kanya.

"Ibig mo sabihin hindi kami magmukha? " tanong ni Sehun kay Xiumin.

"Ang hina mo naman ang ibig kong sabihin maganda siya pero ikaw-- " naputol na sabi ni Xiumin.

"Hyung." sabi ni Sehun sa kanya. Tapos hindi na tinuloy ni Xiumin yung sasabihin niya.

"Kayo talaga halina kayo pasok na tayo." sabi ni Kai sa amin.

"Sige kuya hintayin nalang kita sa garden." sabi ni Hiana kay Sehun.

"Ok sige." sabi naman ni Sehun kay Hiana.

"Bye Ate Jerica mamaya ulit ha." sinabi ni Hiana tapos lumapit siya sa akin.

"Okay." sabi ko sa kanya tapos nag-smile ako at umalis na kami.

Dream Academy ( EXO Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon