A/N: EY YO! Sorry sa late update Guyth. Ala me time eh tapos sa school alam niyo na. Bay_JongIn and ZYXLay_01. Love you talaga guyth. Love ko kayo tulad ng pagmamahal ko kay Suho! Thanks talaga! Ho! Salamat din Suho dahil ikaw inspirasyon ko sa Dream Academy! EXO Love ko din kayo syempre!. Ehem! Sareh ok? Sareh. Masyado na kong naging madaldal. Oh eto na po ang Chapter 34 sana magustuhan niyo Enjoy! ^____^
Chapter 34: Trip
ZYRA'S POV
Nandito kami ngayon sa bahay nila Reynalyn kasi dito kami magsasama-sama. Siguro 4:30 pa lang ng umaga ngayon ang aga talaga kasi namin kasi 3 hours daw yung biyahe namin eh.
"Ano ok na ba lahat?. Wala na ba kayong nakalimutan o naiwan? " tanong ng Mama ni Reynalyn na si Tita Colyn.
"Wala na po ready na po ang lahat." sagot naman namin sa kanya.
"Ok kung ganon makakaalis na kayo. Mang Ranz ingat po sa pagmamaneho ah." sabi niya sa amin at doon sa driver nila na si Mang Ranz.
"Opo mam." sagot naman ni Mang Ranz.
"Oh mga bata mag-iingat din kayo ah tapos mag-enjoy kayo doon." sabi naman ni Tita Colyn.
"Opo." sagot naman namin.
"Oh mga bata halina kayo para maaga tayong makarating sa pupuntahan natin." tawag sa amin ni Mang Ranz.
"Sige po." sabi namin sa kanya at nagpaalam na kaya Tita at pumasok na rin kami ng Van.
Nandito na kami sa loob ng van medyo tahimik kasi inaantok pa kami.
"Oh aalis na tayo." sabi sa amin ni Mang Ranz.
"Bye Tita! " sigaw namin kay Tita.
"Bye Ma! " sigaw naman ni Reynalyn kay Tita.
"Bye!. Mag-iingat kayo!. Enjoy! " sigaw namin kay Tita at yun malayo na kami kaya nagsiayos na sila.
"May excited na ako." biglang sabi ni Angel na nasa tabi ko.
"Ako din Angel." sabi ko din sa kanya.
"Hay... nakakaantok..." bigla niyang sabi habang nakapikit siya.
"Angel matulog ka na muna." sabi ko naman sa kanya. Tapos naramdaman ko namang may ulo na pumatong sa balikat ko at nung tignan ko si Angel ayun nakatulog. Nakatitig ako sa kanya ngayon. Yung mukha niya ang peaceful. Napangiti na lang ako nung narealize ko na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya ang cute niya... ang gwapo niya... Yung mga mata niya yung ilong niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at hinawakan ko yung ilong niya. Pero anong magagawa ko ang cute niya eh. Tapos napatingin ako sa mga lips niya. Hay tama na nga masabayan na nga lang si Angel matulog. Antok lang tong nangyayari sa akin.
KATARINA'S POV
Hay... inaantok ako.
"Aray." nasabi ko na lang nauntog kasi ako sa may bintana ng van. Sakit... Tapos biglang tumawa ng mahina si Kai kaya tumingin ako sa kanya.
"B-bakit ka tumatawa? " tanong ko sa kanya habang pumipikit-pikit pa yung mata ko.
"Natawa lang ako sa'yo." sagot niya.
"Tinatawanan mo ako kasi nauntog ako? " tanong ko sa kanya na medyo naiinis.
"Ah..." sabi niya. Pero tumawa ulit siya ng mahina na kinainis ko kaya tumingin na lang ako ng bintana at isinandal ang ulo ko dito. Ok na tong ganito matulog kaysa makipag-usap dito. Kakainis kasi tong lalaking to.
"Halika nga dito." biglang sabi ni Kai at kinuha ang ulo ko mula sa bintana at ipinatong niya sa kanyang balikat.
"Sige na matulog ka na." sabi niya. Napangiti na lang ako sa ginawa niya at nawala ang inis ko sa kanya. At dahil talagang inaantok na ako napapikit na lang ako at tuluyan ng nakatulog.
BAEKHYUN'S POV
"Baekhyun ano ba tumigil ka na nga inaantok na ako." sabi sa akin ni Jai habang tinantanggal ang mga kamay ko sa balikat niya. Kinikiliti ko kasi siya habang nakahawak ako sa balikat niya.
"Ayaw ko nga." sabi ko sa kanya.
"S-sige na... Inaantok na ako." sabi niya ulit pero hindi parin ako tumigil.
"Yaw ko nga." sabi ko.
"Baekhyun..." narinig kong bulong niya tapos tumingin ako sa kanya at ayun nakatulog si partner. Hay... Ba yan makatulog na nga rin. Ah by the way nakahawak parin ako sa balikat ni Jai at siya eh nakatulog sa balikat ko. Tanong niyo kung paano ako natulog. Eh di pinatong ko din yung ulo ko sa kanya. Haha sweet dreams sa amin.
...............
DIANNE'S POV
"Huwaw....!!!! " napasigaw ako nandito na kami sa Resort grabe it's like heaven. Omayghad! Ang ganda talaga.
"Ganyan ka pala kapag nakakakita ng magandang tanawin." biglang sabi ni Kris na nasa tabi ko.
"Ah oo. Nakasanayan ko na." sabi ko tapos nagpaalam kami sa mga kasama namin na maglalakad-lakad lang.
"Alam mo kasi nung bata ako gusto ko talagang makapunta sa mga ganitong lugar. Kaya lang si Papa ayaw niya." kwento ko kay Kris.
"Bakit? " tanong niya.
"Kasi nung bata daw sila nawala daw ang bunso nilang kapatid sa isang beach resort. Ayaw niya daw kaming matulad doon sa bunso nilang kapatid." pagpapatuloy ko sa kwento ko.
"So... ngayon ka lang nakapunta dito? " tanong niya tapos tumingin ako sa kanya kasi kanina nakatingin kami sa dagat.
"Oo tama ka ngayon lang. 16 years old na ako pero ngayon lang ako nakapunta dito. Nakakatawa noh." sabi ko sa kanya.
"Kung first time mo sa ganito... Tara." sabi niya sabay hila sa akin.
"T-teka. Saan tayo pupunta? " tanong ko sa kanya.
"Eh di mag-enjoy tayo. First time mo kaya dapat mag-enjoy ka." sagot niya tapos humarap siya sa akin at ngumiti. Oh my Kris... you're so sweet. Gusto na kita. Hm...
.............
ERICH POV
"Tara magcheck-in na tayo." yaya ni Reynalyn sa amin tapos dinala na namin yung mga gamit namin. Tapos ayun nag check in na kami. Kaya lang may problema....
"Ah ma'am dalawang room na lang po ang available madami na rin po kasing nakacheck in." sabi nung babae.
"Ah pero..." hindi na natapos ni Reynalyn yung sasabihin niya ng magsalita yung babae.
"May 11 beds naman po Ma'am." sabi ulit nung babae. Tapos tumingin si Reynalyn sa amin.
"Ano ok lang ba? " tanong ni Reynalyn sa amin.
"O-Ok lang." sagot namin. Tapos yun binigay na yung susi sa amin. Naghati kami by EXO-K and EXO-M syempre kasama na kami sa kanila. Pumasok na kami sa room at naghanap na ng kanya-kanyang pwesto.
So ganito arrangement namin.
Baekhyun, Jai, Chanyeol, Yasmin, Sehun, Jerica, Suho-Zyra, D.O, Ako, Kai, Katarina. Pero si Zyra at Suho magkatabi kasi 11 beds nga lang daw eh. Pinilit lang namin sila kasi sila ang mga leaders namin.
....................
A/N: Oi guyth! What do you think? Angel-May Couple? *wink*. Ehhhh kinikilig ako.... Suho kasi eh.... Ang cute, gwapo, hot mo marami pa. HAHA. Oh guys comment kayo ah. Nga pala sorry din sa mga short update ko. SARANGHAE! KAMSA!
OVERDOSE!
XOXO <3
VOTE AND COMMENT.
BINABASA MO ANG
Dream Academy ( EXO Fan Fiction )
Fiksi PenggemarDream Academy The Most Popular School in Korea. Many talented students who wants to accomplish their Dreams. EXO is the most popular boy group and Dream-A is the most popular girl group. Are they going to be friends or.... They will be Falling-in-Lo...
