Chapter 31: Gift

150 5 0
                                        

Chapter 31: Gift

REYNALYN'S POV

"Ano problema nung dalawa? " sabi ni Jai sa amin. Tapos umalis na kami.

"Hello Ma?. Bakit po kayo napatawag? " tanong ko kay Mama kasi tumatawag siya sa akin ngayon. Tapos sinabi niya yung gusto niyang sabihin.

"Ok po." sabi ko. Tapos binaba ko na yung phone ko.

"Ahm Guys. May sasabihin ako sa inyo. Sa Saturday birthday ko sabi ni Mama bibigyan niya daw ako ng ticket papuntang Beach Resort baka gusto niyong sumama? " sabi ko sa mga kasama ko.

"Oo naman! " sigaw nila.

"Talaga? " tanong ko.

"Oo sasama kami." sabi nila.

"Sige sasabihin ko kay Mama na sasama kayo para maprepare na din yung mga tickets niyo." sabi ko sa kanila tapos nagnod na lang sila sa akin.

...............

"Reynalyn excited na ako sa trip natin." bulong sa akin ni Sophie. Oo bulong lang kasi may class kami ngayon. Nga pala nandito din si Xiumin pero kanina ko pa siya napapansin na tingin ng tingin sa akin. Problema niya?. Tinaasan ko siya ng kilay tapos bigla siyang umiwas ng tingin. Bakit ganon yun?.

.............

"Min may problema ka ba? " tanong ko kay Xiumin.

"Wala! " sigaw niya.

"Bakit ka sumisigaw? " tanong ko.

"Ah hindi... nagulat lang ako." sabi niya.

"Ha?. Bakit ka naman natakot sa tanong ko? " tanong ko sa kanya.

"Ah eh... Ewa--" hindi niya natapos yung sasabihin niya kasi bigla niyang tinawag si Lay. Tapos parang may binulong siya kay Lay.

"Ah Reynalyn may gagawin lang kami sandali ni Lay." sabi ni Xiumin.

"Ah... ok...? " sabi ko na lang. Tapos lumayo sila. Kaya hinanap ko na lang yung iba naming kasama.

"Oh Reyn. Saan partner mo? " biglang tanong ni Dianne sa akin.

"Ah kasama niya si Lay may pupuntahan daw." sagot ko.

"Pero asan si Sophie? " tanong niya. Tapos bigla kong naalala na wala nga si Sophie. Saan yun?

LAY'S POV

"Teka saan tayo pupunta? " tanong ko kay Xiumin.

"Basta. Teka isama natin si Sophie." sabi niya.

"Ha bakit ano ba talagang balak mo? " tanong ko.

"Eh mamaya ko na lang sasabihin basta isama mo si Sophie." sabi niya. Wala na akong magawa kaya tinawag ko na lang si Sophie. At after a few minutes nakita na niya kami.

"Bakit mo ako tinawag? " tanong niya.

"Ewan ko dito kay Xiumin hyung gusto niya isama ka namin." sabi ko sa kanya. Tapos sumunod siya sa amin. Pumunta kami ng mall.

"Teka anong gagawin natin dito? " tanong ko kay Xiumin.

"Diba may classes pa tayo?. Balik na ako ah." biglang sabi ni Sophie tapos aalis na sana.

"Teka wag! " sigaw ni Xiumin sa kanya. Tapos biglang lumingon si Sophie sa kanya.

"Ano ba kasing gagawin natin dito? " tanong ulit ni Sophie.

"Kasi... diba birthday ni Reynalyn sa Saturday? " tanong niya.

"Oo bakit--" hindi na tinuloy ni Sophie yung sasabihin niya.

"Ah ok! " biglang sabi ni Sophie tapos pumasok na siya sa loob ng mall kaya sinundan na namin siya.

"Sophie ano ba talagang plano ni Xiumin hyung? " tanong ko nang pabulong kay Sophie.

"Diba sa Saturday na ang birthday ni Reynalyn?." tanong niya. Tapos nagnod ako.

"Eh di humahanap siya ng ibibigay niyang regalo." sabi niya tapos dun ko narealize na ganon pala ang plano ni Xiumin hyung. Wow! Hyung!. Effort Much!. Hehe tulungan ko na nga sila ah ang ibig kong sabihin tulungan ko ng pumili si Xiumin hyung ng ireregalo niya kay Reynalyn. Lumibot kami sa buong mall at pumasok sa lahat ng stores. Siguro 20 minutes na kaming nandito tumawag na nga sila Suho sa akin eh. Pero ang sabi ko may pinagawa lang sa amin yung isa naming teacher.

"Sophie sa tingin mo ano ang gusto ni Reynalyn? " tanong ni Xiumin hyung kay Sophie.

"Ahm... nung isang araw kasi pumunta kaming lahat dito at nakita ko si Reynalyn na nakatingin sa isang necklace." sabi ni Sophie kay Xiumin hyung.

"Anong necklace? " tanong ni Xiumin.

"Yung necklace na snowflake ang design." sabi niya.

"Ha?. Saan ko yun mabibili?." tanong ulit ni Xiumin kay Sophie.

"Ahm... Tara puntahan natin." sabi niya sa amin ni Xiumin hyung. Tapos pumunta kami sa mga accessories section at doon pinakita ni Sophie yung sinasabi niya necklace. Pero habang pinapakita ni Sophie yung necklace kay Xiumin hyung napapansin ko siya na nakatitig sa isang necklace kaya lumapit ako at tinignan at pagkakita ko... Wow! Ang ganda isang necklace na may design na unicorn silver siya at kumikinang tapos... Ah basta maganda.

"Sige ito na lang. Miss kunin ko na ito." sabi ni Xiumin hyung dun sa nagbebenta at nagbayad na siya.

"Oh sige balik na tayo." yaya ni Xiumin hyung sa amin tapos nagnod si Sophie. Paalis na sana kami pero bigla kong naalala yung necklace.

"Ah Sophie, hyung hintayin niyo lang ako sandali sa labas ng mall may bibilhin lang ako." pagpapaalam ko sa kanila tapos sumunod na lang sila at lumabas na.

SOPHIE'S POV

"Tara na." yaya ni Lay sa amin ni Xiumin na ngayon ay kalalabas lang.

"Anong binili mo? " tanong ni Xiumin kay Lay.

"Ah... basta. Tara na para maabutan pa natin yung iba nating subjects." sabi na lang ni Lay kay Xiumin.

...............

"Saan kayo galing? " tanong ng mga kasama namin ng sabay sabay. As in parang choir.

"Wala may pinagawa lang yung isa namin teacher." sagot ni Lay sa kanila pero bigla silang tumingin kay Xiumin.

"Ah... oo may pinagawa lang sa sa amin." sabi niya sa mga kasama namin tapos tumahimik lahat.

"Teka may next class pa pala ako." pagbabasag ko ng katahimikan. Tapos bumalik silang lahat sa katinuan at pumunta na rin sila sa kanikanilang mga class.

..................

A/N: Hey Guys! Sabihin ko lang kung gusto niyo magpadedecate ng chapters comment niyo lang ha. O kaya Message niyo ako. KAMSA!

XOXO <3

VOTE AND COMMENT.

Dream Academy ( EXO Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon