Chapter 30: PDA

167 5 2
                                    

Chapter 30: PDA

MITCH POV

Umalis na yung mga kasama namin kaya kami na lang ni Luhan ang naiwan.

"Mitch may masakit pa ba sa'yo? " tanong ni Luhan sa akin.

"Ah... wa... wala na." sabi ko. Hindi kami masyadong nagpapansinan kasi nagtataka parin ako sa sinabi niya kanina.

"Kung may masakit sa'yo sabihin mo lang ah." sabi niya tapos lumapit siya sa akin pero iniwas ko yung tingin ko sa kanya.

"Ahm... Luhan pwede na ba akong pumasok? " tanong ko sa kanya.

"Wag muna kailangan mo pang magpahinga." sabi niya.

"Pero paano yung mga studies ko ngayon? " tanong ko.

"Wag kang mag-alala yung mga kasama na natin ang bahala. At saka pala pinaexcuse na kita sa mga subjects mo sa kanila." sabi niya.

"Ganon ba." sabi ko na lang. Tapos after nun naging awkward ang paligid tahimik lang kami dito hindi nag-uusap.

"Mitch." tawag ni Luhan sa akin.

"Ba... bakit? " tanong ko.

"Mitch." tawag niya ulit kaya lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang tulala.

"Luhan bakit? " tanong ko sa kanya.

"Wala naman." sabi niya tapos bigla siyang tumayo at humiga sa tabi ko.

"Luhan? " tanong ko pero naramdaman kong may yumakap sa akin at nakita ko si Luhan na niyayakap ako ngayon.

"Luhan? " tanong ko ulit pero hindi siya sumagot kaya tinignan ko siya tapos nakita ko na nakatulog siya. Tinignan ko yung mata niya yung ilong niya at yung lips niya tapos bigla akong nagblush.

"Bakit nagblush ka? " biglang tanong ni Luhan kaya tinago ko na lang yung mukha ko sa braso niya. Bakit ganito ang nararamdaman ko?. Bakit nung sinabi niya sa akin na gusto niya ako at ngayon eh niyakap niya ako. Bakit?. Biglang sumakit yung ulo ko kaya natulog na lang din ako.

.................

Nagising na ako pero si Luhan tulog pa din dahil ok na ang pakiramdam ko tumayo ako at kinumutan ko si Luhan. At bumaba na ako.

CHARMAINE'S POV

Nandito kami ni Tao sa garden. Nagkwekwentuhan lang. Tapos bigla siyang humiga sa lap ko at ipinikit yung mata niya.

"Tao? " tanong ko.

"Bakit? " tanong niya.

"May problema ka ba? " tanong ko.

"Wala naman." sagot niya. Tapos napansin ko na tahimik siya kaya tinignan ko siya. Tapos nakatulog pala siya. Ang cute niya pag tulog pero hindi ko sinasabi na hindi siya cute pag hindi siya tulog ah. Ang ibig kong sabihin mas cute siya tignan pag nakapikit at tulog. Wala akong ginawa kundi titigan siya tapos hinahawakan ko din yung buhok niya. After 20 minutes naririnig kong may sinasabi siya.

"Mama... mama... mama..." bulong niya. Sinubukan ko siyang gisingin pero may napansin ako sa mga mata niya may luha. Umiiyak si Tao.

"Tao... Tao... Tao gising... Tao..." sabi ko sa kanya habang tinatapik ko yung cheeks niya at inaalog ko siya.

"Mama... Mama..." bulong niya ulit.

"Tao gising..." sabi ko kay Tao.

"Mama... Mama! " sigaw niya tapos bigla niyang minulat yung mata niya tapos tuluyan na siyang umiyak.

"Shhh... Tao tama na... nandito ako." sabi ko sabay yakap ko sa kanya.

"Mama..." sabi niya ulithabang umiiyak pa siya.

"Tao tama na... Wag ka nang umiyak nandito ako." sabi ko ulit sa kanya. Tapos medyo tumigil na siya sa pag-iyak.

"Bakit ka umiiyak? " tanong ko sa kanya.

"Wala naalala ko lang yung Mama ko." sagot niya. Tapos pinunasan niya yung luha niya. Tinanggal ko na din yung pagkakayakap ko sa kanya. Pero hinila niya yung kamay ko at pinalibot niya sa katawan niya.

"Tao andaming nakatingin sa atin." sabi ko pero hindi niya parin tinanggal yung kamay ko sa kanya.

"Ok lang... kailangan kita..." sabi niya. Kasi madaming taong nakatingin sa amin pero wala akong magawa kasi kailangan niya ako. Kaya hinigpitan ko na lang yung pagkakayakap ko sa kanya.

JAIRA'S POV

"Bakit andaming tao dito? " tanong ko sa mga kasama ko.

"Ewan magkasama lang tayo diba? " tanong ni Sophie.

"Tara tignan natin." sabi ko tapos nakisingit ako dun sa mga tao. At nung nakikita ko na...

"OMG! Si Tao at Charmaine! " sigaw ko. Tapos nagulat din yung mga kasama ko.

"Anong... Anong ginagawa nila? " tanong ni Reynalyn.

"Malamang PDA! " sigaw ni Erich.

"Oo halata." sabi ni Reynalyn kay Erich.

"Pero bakit--- " hindi napatapos ni Sophie yung sasabihin niya. Kasi biglang sumulpot si Baekhyun.

"Pabayaan niyo sila." sabi ni Baekhyun kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Bakit?. May nasabi ba akong mali? " tanong niya.

"Ingit ka lang." sabi ni Erich sa kanya.

"Sinong ingit?." tanong niya ulit.

"Ikaw." sabi ni Erich ulit sa kanya.

"Hindi kaya." sabi niya.

"Jai oh. Yung partner mo. Jealous." sabi sa akin ni Erich.

"Oh ano ngayon? " tanong ko sa kanya.

"Di mag-PDA din kayo." sabi ni Erich sa akin.

"Ewan ko sa'yo." sabi ko na lang sa kanya.

"Baekhyun oh... ayaw ka ehug ni Jai mo." pang-aasar ni Erich kay Baekhyun.

"Ewan ko sa inyo." sabi ni Baekhyun tapos umalis. Problema nun?. Affected much?. Haha. Pero cute.

CHARMAINE'S POV

After 15 minutes tumayo na kami ni Tao at nung paalis na kami nakita namin yung mga kasama namin.

"Ehem." sabi ni Jai. Alam niyo sa totoo lang parehas sila ng expression ni Baekhyun. Yung 'Ehem' word?. Bact to reality.

"Bakit kayo magkayakap? " biglang tanong ni Erich. Tapos tumingin ako kay Tao.

"Ah wala lang yun." sabi ko.

"Weh? " tanong nilang lahat.

"Wala nga. Kulit niyo naman eh." sabi ko sa kanila.

"Wala lang ba yung PDA? " tanong ni Chen kay Tao.

"Tumigil kayo wala kayong alam." sabi niya tapos umalis.

"Bakit siya ganun? " tanong ni Reynalyn.

"Basta. Sundan ko lang siya ah." sabi ko tapos umalis ako sa garden at sinundan ko si Tao.

...............

A/N: Our Kungfu Panda! Grabe PDA ah! Sige lang Tao Push mo yan! HAHA!. Iwushu mo sarili mo dali!. Haha Joke lang! Baka ako pa iwushu mo. Update Update din pag may time!. GUYTH... KAMSA! Sorry din sa mga short update. Hehe KAMSA!

XOXO <3

VOTE AND COMMENT.

Dream Academy ( EXO Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon