Chapter 4: Meet Dream A

424 12 0
                                    

Chapter 4: Meet Dream A

ZYRA'S POV

Nandito ako ngayon sa first class ko at kanina nakapagusap-usap na kami na mamaya na kami mag-start ng practice namin. Hindi nga ako masyadong makapag-focus sa lesson namin eh. Kasi iniisip ko kung ano ang gagawin namin para sa audition. Eh kasi naman ako ang ginawa nilang leader sa dami namin ako pa talaga pinili nila. Subukan ko na nga ulit mag-focus sa lesson namin.

...................

Break Time

Nandito kami sa canteen kumakain at nag-paplano narin kami para sa practice namin mamaya.

"So saan tayo mag-papractice? " tanong ni Erich.

"Kayo na lang bahala." sabi ni Sophie.

"Ah guys alam kong nahihiya pa kayo kasi kahapon lang tayo nagkakilala pero dahil Dream A tayo kailangan walang mahihiya dapat magturingan tayong mga magkakapatid. Kasi ganon ang isang group diba? " sabi ko sa kanila.

"Oo nga dapat tayong 'wag mahiya sa isat-isa." sabi naman ni Jai.

Napatingin naman sa amin yung iba naming kasama at ngumiti sila.

"Oo nga." sabi ni Dianne na may ngiti sa kanyang labi.

"Oo tama. Dapat hindi tayo mahiya." sabi naman ni Charmaine.

"Okay so bumalik na tayo sa pag- paplan natin para sa practice natin mamaya." sabi ko sa kanila.

"Sige." sabi ni Reynalyn.

After 15 minutes

"Guys, Punta lang ako ng rest room." sabi ko sa kanila.

"Ah oh sige." sabi ni Yasmin.

Pagkatapos kong nagpaalam pumunta na ako ng rest room.

Tapos na ako nakalabas na ako ng rest room.

"ARAY! " sigaw ko kasi may nagpatid sa akin.

Nung natumba ako nagtataka ako kung bakit hindi ako nasaktan masyado. At 'NAK NANG! .

Bumagsak ako sa isang lalaki at ngayon eh nakapatong ako sa kanya at ang mas malala yung lips niya nararamdaman ko na nasa lips ko din. SH*T nag kiss kaming dalawa nung lalaki. Nakatulala lang ako ng mahigit 10 seconds at nung bumalik ako sa katinuan ko tumayo ako kaagad. Pagkatayo ko nakita ko yung babaeng pumatid sa akin at yung babaeng yun, yun yung babaeng naencounter ko nung first day yung babaeng nang-aasar kay Reynalyn. At nung tinignan ko siya tinaas niya yung kilay niya. Pero nung tumingin ako doon sa lalaking naging first kiss ko. OMG! Yung first kiss ko nawala na tapos sa hindi inaasahang pangyayari pa! Ah.....

"Miss hindi ka ba mag-sosorry." tanong nung lalaki.

"Ah... eh hindi ko naman sinsadya yun ah! " sabi ko dun sa lalaki.

"So you're saying na ako ang mag-sosorry sa'yo." sabi nung lalaki.

"Ah...hindi naman sa ganon." sabi ko sa kanya habang nakatungo ako.

"Ano ba talaga?. Sino ang mag-sosorry sa ating dalawa? " tanong nung lalaki.

"Eh ikaw na lang! " sabi ko sa kanya kasi wala akong maisip na isasagot.

"Ano? Ako?. Eh dapat ikaw nga eh! " sabi nung lalaki sa akin.

"Ikaw dapat! " sabi ko sa kanya. Kasi naman kinuha mo yung first kiss ko eh......

"Ikaw dapat kasi! " sabi niya.

"Ewan ko sa'yo. " sabi ko sa kanya tapos tumalikod ako.

"Saan ka pupunta? " tanong niya sa akin.

"Sa canteen." sabi ko sa kanya.

"Kung sa canteen ka pupunta bakit diyan ka dadaan? " tanong nung lalaki. Tapos doon ko lang naalala na hindi dito sa dinadaanan ko ang daan papuntang canteen kaya lumingon ako doon sa ibang direksiyon kung saan nakatayo yung lalaki kanina.

"Naku tatanga-tanga hindi alam ang dinadaanan." narinig kong bulong nung lalaki.

"Ako tanga?! " sabi ko sa kanya.

"Oo bakit may reklamo ka? " tanong niya sa akin habang tumatawa nang mahina.

"Ang yabang mong lalaki ka ah! " sabi ko doon sa lalaki tapos sinuntok ko yung braso niya.

"Don't touch me. Okay?. Bye." sabi niya. Aba yabang nito ah. Suntukin ko nalang kaya sa mukha.

"Ewan ko sa'yo Yabang! " sigaw ko doon sa lalaki. Kasi nakaalis na siya. Pero napalakas ata yung sigaw ko kasi halos lahat ng taong nandoon eh nakatingin sa akin. Kaya yumuko na lang ako at naglakad paalis. *sigh* Yung first kiss ko nakuha na....ng mayabang na lalaki. Balik na nga ako sa canteen.

Nung nakabalik na ako sa canteen niyaya ko na silang pumunta sa mga next class namin. Literature class ang next subject ko. Nung pumasok ako at may nakakita sa akin sinabi niya sa mga kasama niya nandoon ako, parang ganon ata yung ginawa nung babae. Nung umupo ako may nagbati sa akin.

"Hi" sabi niya. Teka parang familiar yung sweet na boses nayun ah. Tinignan ko yung bumati sa aking lalaki. Jongina!

"IKAW?! " napasigaw ako. Kasi naman siya yung mayabang na lalaki kanina.

"Bakit may problema ka? " tanong niya habang naka-smile siya. Ang cute niya para siyang bata eh.... Ay! Teka nga pala dapat galit ako dito ah. Pero cute naman talaga siya. Hehe.

"Good Morning Class." ay nandito na pala yung teacher namin. Kaya umayos na ako ng upo at ganun din si cute ay yabang pala.

................

Natapos na yung literature class ko.

"Bye." sabi ni yabang sa akin. Pero hindi ko na lang siya pinansin. Tapos nung umalis na siya may kasama pa siyang ibang lalaki ang cu-cute nila. Hmp. Makaalis na nga.

Nagpapractice na kami ngayon kasi bukas na kami mag-auaudition kaya overtime kami. Nandito kami sa bahay ko. Kasi sabi nang mama ko dito nalang daw kami mag-practice para na din daw makilala nila yung iba ko pang kasama. Tapos nung tapos na kaming mag-practice unuwi narin sila kasi gabi narin eh. Dahil pagod na pagod na ako nag-shower na ako at natulog na lang.

................

A/N: Hope you like this chapter guys. Enjoy!

Dream Academy ( EXO Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon