Chapter 32: Meet My Mother And My Best Friend

144 5 1
                                    

Chapter 32: Meet My Mother and My Best friend

YASMIN'S POV

Nandito kami ngayon sa open gym kasi may iaanounce daw si Director.

"Good Morning Dreamers. I would like to announce that we will having a half day classes because all the teachers will having a very important report to submit and they can't handle all of you so they ask me if I can give you a half day classes. So dreamers thank you for listening. See you all on Monday." announce ni Director tapos pinayagan na niya kaming umalis.

"Oh anong gagawin natin ngayon? " tanong sa amin ni Tao.

"Ahm... Fun World?. Roller Coaster?. Ano game? " biglang tanong ni Chen. Tapos napatingin na lang ako kay Chanyeol na ngayon ay nanlalamig. Oo nararamdaman ko yung panglalamig niya kasi magkahawak kami ng kamay ngayon. Nung naramdaman kong nanlalamig siya hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sa kamay niya. Tapos napatingin siya sa akin.

"Ah... kayo na lang. May pupuntahan pa kami ni Chanyeol." sabi ko sa kanila.

"Ha? Pero saan kayo pupunta? " tanong ni Baekhyun.

"Ah Basta. Sige mauna na kami text ko na lang kayo." sabi ko sa kanila tapos hinila ko na si Chanyeol at umalis na kami.

Pagkadating namin sa labas lumingon sa akin si Chanyeol.

"Saan tayo pupunta? " tanong niya. Oo nga noh?. Saan nga ba kami pupunta?.

"Ah... Ah..." sabi ko habang nag-iisip kung saan kami pupunta.

"Thank you." bigla niyang sabi.

"Pa-para saan? " tanong ko sa kanya.

"Kanina. Alam kong wala tayong pupuntahan." sabi niya. Tapos naalala ko yung ginawa ko kanina.

"Ah yun ba? Wa... wala yun." sabi ko sa kanya.

"Tara sa mall." sabi niya tapos hinila niya ako.

"Ha? Anong gagawin natin sa mall? " tanong ko.

"Basta." sabi niya.

Nakarating na kami sa mall at pumasok na kami.

"Ano bang gagawin natin dito? " tanong ko sa kanya.

"Eh di bibili." sabi niya.

"Pero bakit? " tanong ko ulit.

"Diba wala tayong pupuntahan? " tanong niya.

"O- Oo." sagot ko.

"Di dito na lang tayo." sabi niya sabay pasok namin sa isang shop.

"Mamili ka na ng gusto mo." sabi niya.

"Ha? Pero..." sabi ko.

"Ok lang sige na." sabi niya. Kaya sinunod ko na lang yung utos niya at tumingin ng damit. Tapos may nakita ako na summer dress. Kinuha ko at tinignan ang ganda. Pero tinignan ko yung presyo. Wow! ang mahal. Nagulat ako kaagad kaya naisipan kong ibalik na lang yung dress pero bigla akong tinanong ni Chanyeol.

"Gusto mo ba yan? " tanong niya.

"Ah... oo kaya lang-- " napatigil ako sa pagsasalita kasi biglang kinuha ni Chanyeol yung dress at binigay dun sa assistant at pinasukat sa akin. Sinukat ko yung dress at paglabas ko nakita kong natulala si Chanyeol.

Dream Academy ( EXO Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon