A/N: Hi Guyth! Yieeee! Nakapag-update na rin ako! Sana magustuhan niyo itong chapter ah. Enjoy!
Chapter 47: I Like You
CHARMAINE'S POV
"Sige mauna na kami ah." pagpapa-alam nung mga kasama namin at umalis na sila.
"Hindi ka pa uuwi? " tanong ni Tao sa akin.
"May pupuntahan pa ako." sagot ko.
"Saan? " tanong niya.
"Basta. Mauna ka na baka matagalan pa ako eh." sabi ko.
"Saan nga? " tanong niya.
"Basta." sagot ko. Ang kulit niya ah.
"Samahan na lang kita." sabi niya.
"Huh? Wag na baka nagabihan ako eh." sabi ko sa kanya.
"Gagabihin ka? Eh di mas magandang samahan kita kasi mababantayan kita." sabi niya.
"Kaya ko naman sarili ko eh." sabi ko.
"Mas mabuti nang sigurado. May mangyari pang masama sayo eh." sabi niya. Ang kulit noh?
"Ano? " tanong niya pa.
"Sige na nga." sagot ko na lang.
~~~~~~~~
"Haaaaaa...." sabi ko habang nakapikit. Ang ganda talaga dito ang sarap ng hangin.
"Beach? " narinig ko namang tanong ni Tao. Oo nasa beach kami ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at gusto kong pumunta dito.
"Oo. Sabi ko naman kasi sayo eh na mauna ka na makulit ka kasi eh." sabi ko sa kanya sabay dilat ng mata ko.
"Ok lang matagal na din akong hindi nakakapunta sa beach eh." sabi niya.
"Tara upo tayo dun." sabi ko at tinuro yung isang puno. Pumunta naman kami dito at umupo ako dinadamang mabuti ang masarap na hangin habang si Tao naman... tinignan ko muna siya sandali at nalaman kong nakatingin pala siya sa akin.
"Para kang bata na tuwang-tuwa sa hangin." sabi niya.
"Masama ba? " tanong ko sa kanya at pumikit ulit.
"Hindi naman. Cute mo lang tignan." sabi niya tapos humarap ako sa kanya--- Ay takte! Ano ba naman! Yung feeling na lilingon ka sa katabi mo at paglingon mo sobrang lapit na ng mukha.
"Ano ba." sabi ko at binalik ang tingin ko sa dagat. Hoooo umiinit ang paligid pero malamig naman yung hangin.
"Haha." napatawa naman siya kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit? " tanong ko.
"Cute mo din pala pag namumula ka." sabi niya napalaki naman mata ko.
"Oh bakit mo ginagaya ang mata ni D.O? " tanong niya.
"Anong ibig mong sabihin tsaka hindi ako namumula noh! " sagot ko.
"Hindi daw halata naman eh." sabi niya. Tsk ang kulet.
"Bahala ka na nga diyan." sabi ko at pumikit ulit.
"Charmaine..." tawag niya sa akin.
"Bakit? " iritang tanong ko.
"Charmaine..." tawag ulit niya. Ang kulit naman ng lalaking to.
"Charmaine..." ayan nanaman.
"Bakit b--- O____O "
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
.........Silence.........
"Tao naman! " reklamo ko sa kanya. Eh pano ba naman... h-hinalikan n-niya a-a-ako. WAHHHHHHHHHHHHH!
"You're welcome." sabi niya. Ha! You're welcome ka diyan! Kainis! Tumayo na lang ako at aalis na sana kaya lang bigla niya akong hinila.
"Ano?! " iritang tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya.
"Charmaine." ayan nanaman eh.
"Bakit? " ahhhhh ano ba to?
"I Like You." O____O <~~~ Ako.
"Huh? " naguguluhan ako sa pinagsasasabi niya.
"I said I.Like.You." sabi niya. He... like... me...? Huh?
"Anong I Like You ang pinagsasasabi mo? " tanong ko.
"Hindi mo ba alam ang ibig sabihin nun? " tanong niya. Alam ko pero...
"Ah... Uh... m-mauna n-na ako ah." sabi ko tapos tumakbo ako ng mabilis palayo sa kanya.
A-Ano bang nakain nun bakit niya sinabing I Like You sa akin? Ha! Naguguluhan na ako.
TAO'S POV
Yes sa wakas nasabi ko na rin sa kanya yung gusto kong sabihin. Oo gusto ko na talaga siya. Kaya lang hindi ko masabi-sabi kasi alam niyo naman kakakilala lang namin eh.
"Ah... Uh... m-mauna n-na ako ah." sabi niya tapos tumakbo na lang bigla. Hay... nakahinga na rin ako ng maluwag. Bago siya makalayo sinundan ko na siya.
"Oi Teka lang." sabi ko sa kanya nung makalapit na ako ng tuluyan sa kanya. Hindi parin siya tumigil sa paglalakad kaya nilapitan ko siya at sumabay sa kanya.
Habang naglalakad kami hindi siya nagsasalita ang tahimik niya. Nabigla siya siguro sa sinabi ko kanina.
"Magsalita ka naman diyan oh." sabi ko sa kanya pero hindi parin siya nagsasalita. Ang boring tuloy ng paglalakad namin kasi sa tuwing hinahatid ko siya tawanan namin at kwentuhan lang kami ng kwentuhan pero ngayon iba. Tama ba yung ginawa ko kanina? Parang tuloy akong nagsisisi. Ano ba yan.
"Uhm... Tao. Y-Yung kanina a-anong ibig mong sabihin? " tanong niya. Hay salamat nagsalita din siya.
"Ah yun ba sabi ko gusto kita." sagot ko.
"Gusto mo ako kasi kaibigan mo ako? " tanong niya. Umiling ako.
"Eh ano? " tanong niya. Ngumiti muna ako sa kanya bago ako sumagot.
"Gusto kita yung higit pa sa kaibigan." sagot ko. Natahimik ulit siya at tumingin na lang sa nilalakaran namin. After 15 minutes nakarating na kami sa bahay nila nagpa-alam na siya at papasok na sana sa bahay nila pero humarap ulit siya sa akin yung ekspreyon niya sa mukha niya hindi ko maipaliwanag parang malungkot? masaya? kinakabahan? takot? Ewan basta halo-halo ang ekspresyon niya.
"Yung sinabi mo..." hindi niya pinatapos yung sasabihin niya at ngumiti na lang siya. Pagkatapos niyang sabihin yun pumasok na siya ng tuluyan sa bahay nila.
Ano yung kaninang dapat niyang sasabihin? Napaisip tuloy ako. Hala bat ganito? Bigla akong kinabahan parang gusto kong marinig yung kasunod na sasabihin niya. Argh! Makauwi na nga.
.....................
A/N: Thanks po sa pagbasa ng chapter na to at sorry din po kung medyo maikli yung update ko ah hindi po kasi ako masyadong makapag-isip. Pero sana po nagustuhan niyo parin. Mag Vote and Comment na po kayo. KAMSA!
SARANGHAE ^____^
OVERDOSE!
XOXO <3
VOTE AND COMMENT.
BINABASA MO ANG
Dream Academy ( EXO Fan Fiction )
FanfictionDream Academy The Most Popular School in Korea. Many talented students who wants to accomplish their Dreams. EXO is the most popular boy group and Dream-A is the most popular girl group. Are they going to be friends or.... They will be Falling-in-Lo...
