Chapter 10: Angel-May Couple

276 15 0
                                    

Chapter 10: Angel-May Couple

MITCH POV

Itutuloy ko na yung flashback ah.

FLASHBACK FRIDAY 2

ZYRA'S POV

Nakarating na kami sa bahay.

"Hi ma." sabi ko kay mama.

"Hi Zyra." sabi ni mama.

"Ma may good news po kami. Kasi po... kami po ang nakuhang girl group sa school! " sabi ko kay mama tapos hinug ko siya.

"Ah congratulations sa inyo! " sabi ni mama sa amin.

"Thank you po! " sabi naman ng mga kasama kung babae.

"At dahil diyan ipagluluto ko kayo ng gusto niyong kainin." sabi ni mama sa amin.

"Sige po." sabi ulit ng mga kasama ko.

"Ah ma sila nga po pala yung boy group na pinartner sa amin." sabi ko kay mama.

"Ah Hello po kami po ang EXO." sabi ni yabang.

"Hello ang-gagwapo niyo naman." sabi ni mama dun sa mga boys.

"Thank you po." sabi naman nila.

"O sige dun nalang kayo sa garden kasi medyo magulo dito sa loob eh. Isusunod ko nalang yung mga pagkain niyo." sabi ni mama sa amin.

"Okay po ma." sabi ko sa kanya.

Pumunta na kami ng garden at nagkwentuhan.

"Tara spin the bottle tayo." sabi ni Jai.

"Sige. Game." sabi naman ni Sophie.

Ayun nag-spin the bottle kami. At ang naturo ay si Katarina.

"Truth or dare? " tanong namin sa kanya.

"Dare." sabi niya.

"Hawakan mo yung kamay ni Kai." sabi ni Baekhyun. Hinawakan naman niya yung kamay ni Kai Pero 2 seconds lang.

"Spin." sabi ni Luhan.

At tumapat naman kay Reynalyn.

"Truth or dare? " tanong namin sa kanya.

"Dare." sabi niya.

"Sabihin mo na gusto mo si Xiumin." sabi ni Sehun.

"Ano? " sabi niya.

"Oops bawal mag-reklamo." sabi ni Chanyeol sa kanya.

"Ah. Gu...gusto ko...ko si Xiumin." sabi niya.

"Dapat yung diretso." sabi ni Chen.

"Gusto ko si Xiumin." sabi niya.

"Spin." sabi ulit ni Luhan.

Tumapat sa akin.

"Truth or dare? " tanong nila.

"Truth." sabi ko sa kanila.

"Sino si Suho para sa'yo? " tanong ni Lay sa akin.

"Oi bakit yun pa tinanong mo? " sabi ni Suho kay Lay.

"Shhh." sabi niya kay Suho kaya tumahimik nalang siya.

"Si Suho para sa akin. Mayabang, Pangit ang ugali at Siguro nagmana siya sa isa sa magulang pwedeng mama niya o papa niya."sabi ko pero hula-hula ko lang yung huli kong sinabi tapos nagtataka ako kung bakit natahimik silang lahat at nakatingin kay Suho. Kaya tumingin ako sa kanya at nagulat ako kasi teary eyed siya.

"Magpapahangin lang ako." sabi niya.

"Grabe OA naman yung leader niyo sinabi ko lang kung anong tingin ko sa kanya." sabi ko sa kanila.

"Pero." sabi ni Kris.

"Pabayaan niyo siya. Magpapahangin lang 'daw eh at saka babalik din yan." sabi ko.

Paalis na sana siya pero hinabol siya nila Xiumin, Luhan at Kris. Tapos pinabalik siya sa loob. Ano kayang problema nun?.

..................

Tapos na kaming kumain at napansin ko hindi na ako pinapansin ni Suho. Kaya tinanong ko sa mga kasama niya kung anong problema niya?. At sinabi nila na baka nasaktan siya sa mga sinabi ko kaya hindi niya ako pinapansin. At alam ko na yung dahilan kaya kailangan kong mag sorry sa kanya.

"Ah wait lang pupuntahan ko lang siya." sabi ko sa kanila tapos pumunta ako sa labas para puntahan siya.

"Ahm. Suho yung mga sinabi ko kanina sorry ha." sabi ko sa kanya pero hindi niya parin ako pinapansin.

"Oi Suho naman pansinin mo na ako. Mag-usap naman tayo oh. Suho...." sabi ko sa kanya habang inaalog siya nang kunti.

"Suho sorry na." sabi ko sa kanya naiiyak na ako ngayon kasi yung partner ko hindi ako pinapansin eh.

Tapos pumunta ako sa harap niya at nakita kong umiiyak siya kaya napaluha ako.

"Suho sinabi na sa akin nung mga kasama mo yung tungkol sa tatay mo hindi ko naman alam yun eh. Tapos yung sinabi ko kanina hindi totoo yun. Kaya Suho sorry na." sabi ko sa kanya habang umiiyak ako.

"Kasi naman kung makapag-salita ka parang kilala mo na ako eh. Pero hindi mo alam na nasasaktan din ako. Kasi buong buhay ko ayaw kong pag-usapan ang tatay ko eh. Pero ikaw kakikilala ko lang sa'yo nasaktan na ako kaagad sa mga sinabi mo." sabi sa akin ni Suho.

Niyakap ko siya kasi alam ko na nasasaktan siya ngayon dahil sa akin.

"Suho, sorry talaga. Sa susunod iisipin ko muna ang mga sasabihin ko. Sorry na partner." sabi ko sa kanya at yun umiyak siya lalo. Tapos niyakap niya rin ako.

Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at pinunasan ko yung luha niya. Naku!. Ayaw ko na ulit makita ang partner ko na umiiyak kaya hindi ko na siya paiiyakin. Promise.

END OF FLASHBACK FRIDAY

MITCH POV

Grabe yung nangyari nung Friday na yun. Buti nalang naging ok naman silang dalawa after mangyari yun. Kasi ayaw naming nakikita ang mga leaders namin na umiiyak. Vote talaga ako sa Angel-May Couple.

................

A/N: Hope you Enjoy this Chapter guys. And the next chapters I will be focusing to the other partners. Kansahamnida!!!!

Dream Academy ( EXO Fan Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon