HMK-10.1

6.4K 218 9
                                    


HMK-10.1

 Huminga ako ng malalim. Binuksan ko ang gripo at hinayaang dumaloy ang tubig sa isa pang aparatu. Agad na bumuhos sa aking katawan ang pinong tubig. Na para bang binabagsakan ako ng malakas na ulan. Tuluyan ko nang hinubad ang aking suot na dami. Habang bumubuhos sa akin ang tubig ay siya rin namang paghaplos ko sa aking maputik na katawan. Huminga ako ng malalim nang dumapo ang aking mga palad sa nakaumbok kong tiyan. 

"May sakit ba ako?" anas ko sa kawalan. Bigla ko namang nahigit ang aking hininga. Bigla na naman kasing kumirot ang aking tiyan. Huminga ako ng malalim. Papatayin ko na sana ang gripo ngunit agad naman akong napaurong. Natukod ko ang aking kanang palad sa marmol na pader ng banyo. Bumilis ang aking paghinga at sinapo ko ang aking tiyan. 

"Zsakae," anas ko. Bigla naman akong napaubo ng dugo. 

"Ah!" hiyaw ko nang biglang sumakit na ng todo ang aking tiyan. Napaluhod ako at sinapo ang aking tiyan. Patuloy ito sa paggalaw. Parang may kung anong bagay ang nasa loob ng aking tiyan. 

"Ah! Ugh!" hiyaw kong muli. Bigla naman bumukas ang pinto at iniluwa nito si Zsakae. Agad niya akong binuhat at inilabas sa silid. Tinalon niya ang hagdan habang buhat ako. Muli kaming pumasok sa dinaanan naming lagusan kanina. Natakpan ko naman ang aking bibig dahil patuloy lamang ako sa pag-ubo ng dugo. Nang umabot kami sa bukal ay bigla niyang inilublob ang aking katawan sa katamtamang init ng tubig.

"Ah!" hiyaw kong muli.

 "Ssh..." anas nito at masuyong hinaplos ang aking buhok. Nakaupo ako sa kanyang kadungan habang mahigpit namang nakakapit ang aking mga punong braso sa kanyang batok. Humahagulhol na ako dahil sa tindi ng sakit ng aking tiyan. Inilapat naman niya ang kanyang kanang kamay sa aking puson. Bahagya niyang idiniin ito. 

"Ugh!" ungol ko at nakagat ang kanyang balikat. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak hanggang sa biglang umalwan ang aking pakiramdam. 

"Inomin mo 'to," ani Zsakae. Bumaling ako sa hawak niyang kopita. At agad na umiling dahil alam ko kung ano ang laman nito.

 "Pakiusap mahal ko, kailangan mo 'to." Humikbi ako. 

"Hindi naman ako kagaya mo-" 

"Ngunit kagaya ko ang anak natin." Namilog ang aking mga mata. 

"B-buntis ako?" halos bumulong na ako. Humalik naman siya sa aking noo. 

"Kaya ka nagkakaganyan ay dahil sa sanggol na nasa sinapupunan mo. Hindi kinakaya ng katawan mo dahil hindi ikaw ang itinakda ni Luna. Papatayin ka ng anak natin kapag wala kang ipinalit na pampatid uhaw para sa kanya." Natutop ko ang aking bibig. Ako ang ginagawang pagkain ng sarili kong anak!? Ang buong akala ko'y may sakit lamang ako ngunit nagkamali ako ng inakala. Buntis ako. 

"Gel-" Natigil ito dahil agad kong kinuha sa kanya ang kopita at agad na nilagok lahat ang laman nito. Biglang tumibok nang pagkalakas ang aking puso at mabilis akong hiningal ngunit agad din namang umalwan ang aking pakiramdam. 

"May inihalo ka ba sa dugo?" Ngumiti ito at bigla akong hinagkan. Nabitiwan ko ang kopita. Kahit pa'y sakop nito ang aking bibig ay nalalasahan ko pa rin ang inoming nakasanayan ng kanilang angkan. Inoming gawa sa katas ng ubas at berry. Ni hindi ko man lang nalasahan ang dugo na kanyang inihalo rito. Aminado naman akong bahagyang umalwan ang aking pakiramdam. Kumapit ako sa kanyang batok. Mas pinailalim pa nito ang pagsakop niya sa aking bibig. Ang malamig nitong dila ay tinutudyo ang aking bibig. Ngunit natigilan ako nang biglang sumagi sa aking utak ang galit na mukha ni Eunice. Agad akong umurong at malungkot na tumungo. 

"Gel," anas nito at masuyang hinagkan ang aking pisngi.

 "Anong mangyayari sa ating dalawa ngayon?" Inangat niya ang aking mukha. 

"Hindi ko hahayaang magalaw ka nila, Gel." Nakagat ko ang aking labi. 

"Hindi titigil si Eunice hangga't hindi niya ako napapatay. Paano kapag nalaman niya kung nasaan tayo? Paano kapag nalaman niyang magkakaroon na tayo ng anak? Mas lalong titindi ang galit ni Eunice sa atin." Muling nanubig ang aking mga mata. 

"Wala ka bang tiwala sa akin? Hanggang kailan mo ba ako parurusahan? Bakit ba mas iniisip mo pa ang ibang tao? Kailan mo ba ako pipiliin?" Tumayo ito at umahon sa tubig. 

"Zsa-" hindi ko na siya naawat pa dahil bigla na lamang itong nawala. 

Mariin akong napapikit. Napasama ko yata ang kalooban niya. Umahon na rin ako at kinuha ang roba upang ibalot ang aking katawan. Umakyat ako hanggang tuluyan kong narating ang kusina. Walang tigil naman sa pagluha ang aking mga mata. Ramdam na ramdam ko 'yong matinding hinanakit niya. Mali nga ba talaga na mag-alala ako ng husto? Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya ngunit nanganganib pa rin kami. Bumuntong-hininga ako at umakyat sa hagdan. Tinungo ko ang silid na nakalaan para sa akin. Naghagilap ako ng damit sa tukador at agad din namang nagbihis. Nang matapos ako'y hinanap ko si Zsakae. Sinuyod ko ang buong kabahayan. Ngunit ganoon na lamang ang aking pagkadismaya dahil wala si Zsakae. Para yatang ayaw niya akong makita. Naghihirap na itong kalooban ko. Bumaba ako ng hagdan at hinanap siya ngunit ni anino nito ay wala. Nasapo ko ang aking tiyan. Lumalaki na talaga ito ng husto at hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan nito sa oras na maisilang ko ang anak namin ni Zsakae. Napabaling ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Iniluwa nito si Zsakae. Agad akong napangiti, subalit agad itong napalitan ng lungkot nang kanya akong lagpasan. Biglang nanghina ang aking mga tuhod at agad akong napakapit sa hawakan ng hagdanan. Hindi ko napaghandaan ang pag-iwas niyang iyon sa akin. Bahagya pa akong nagulat nang malakas nitong isinarado ang pinto sa kanyang silid na pinasukan. Agad na nanubig ang aking mga mata ngunit tumingala ako upang pigilan ang aking pagluha. Ginusto kong ungkatin ang problema ngunit hindi ko naman inasahang magiging malamig ang pagtrato niya sa akin. Nakagat ko ang aking labi at tinungo ang kusina. Naghagilap ako ng pagkain ngunit walang laman ang mga kabinet. Isang buslo lamang ang narito at punong-puno ito ng mga prutas. Kinuha ko ang isang dalandan at binalatan ito. Sumubo ako at ngumaya ng ilang piraso. Kahit wala akong malasahan ay sige pa rin ako sa pagkain. Hindi ko pa man nalulunok lahat ay bigla akong nakaramdam nang pagpitik sa aking tiyan. Nabitiwan ko ang dalandan na aking hawak at nasapo ang aking tiyan. Biglang humilab ang aking tiyan. 

HE'S MY KNIGHT [Zoldic Legacy Book 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon