HMK-6.1

7.2K 245 16
                                    

HMK-6.1


NANG magdilat ako'y nasa lihim na silid pa rin ako ni Zsakae. Nakahiga sa kanyang bisig at suot ang kanyang polo. Kinusot ko ang aking mga mata. Bumaling ako kay Zsakae at agad akong napasinghap. May nangyari sa aming dalawa. Agad akong napabangon ngunit bigla niyang hinila ang aking kanang kamay at muli ay napahiga ako pabalik sa kanyang bisig. Marahan niyang niyapos ang aking baywang.

"Huwang umalis. Dito ka lang sa aking tabi," aniya at napadilat. Kulay pula na naman ang kanyang mga mata at nagkulay puti na naman ang kanyang buhok.

"Paano siya?"

"Hindi ko gusto si Eunice," sagot niya. Peke naman akong tumawa.

"Kung ganoon ay ako ang iyong gusto? Nagpapatawa ka ba?" Bigla naman niya akong siniil ng halik.

"Hindi ako marunong magbiro." Agad nanubig ang aking mga mata. Hindi ko inaasahan na magtatapat ito sa akin ng kanyang damdamin.

"Hindi ako manhid at mas lang hindi ako tanga para 'di ko malaman na matagal ka ng umiibig sa akin." Itinago ko ang aking mukha sa kanyang matipunong dibdib. Hindi ko maiwasang umiyak ng husto. Masaya ako ngunit karugtong nito'y isang malaking kalungkutan sa aking dibdib. Hindi ako puwede sa kanya. Hindi puwede!

"Mali 'to," matigas kong ani at kumawala sa pagkakakulong sa kanyang mga bisig. Ngunit bago pa man ako makaalis sa kanyang tabi ay agad niya akong kinubabawan. Matalim niya akong tinitigan sa mata.
"Baka nakakalimutan mo Angelika. Nakakontrata ka sa akin. Akin ka." Umawang ang aking mga labi. Muli ay sinakop niya ang aking labi. Muli niya akong inangkin at muli ay nagpatianod ako sa bugso ng aking damdamin.

NANG magdilat muli ang aking mga mata ay narito na ako sa aking silid. Agad akong napabangon at agad na hinagilap ng aking mga mata ang aking antigong orasan. Nang mahagilap ko ito'y agad akong napasinghap. May pasok pa ako. Agad akong napababa sa aking kama ngunit may nahulog na itim na rosas sa sahig. Pinulot ko ito. Sa tangkay ng rosas ay may kasamang nakarolyong maliit na papel. Agad kong kinuha ito at binuksan.

"Magandang umaga," basa ko sa papel na aking hawak. Agad na sumilay sa aking mga labi ang isang matamis na ngiti. Inamoy-amoy ko pa ang itim na rosas na kanyang ibinigay.

"Gel!" biglang bukas ng pinto ni Kaye. Agad kong naitago sa aking likuran ang itim na rosas.

"Oh?" sabi ko pa. Bigla namang sunod na pumasok ay si Eunice. Awtomatiko kong nabitiwan ang itim na rosas na aking hawak. Pasimple kong sinipa ito sa ilalim ng kama at ang papel na kasama nito'y agad kong nakumyos.

"Bakit?" taka kong tanong. Pinaningkitan naman ako ni Kaye at napatitig sa suot kong polo. Alam niya!

"Angelika, alam mo kung saan naroon ang aking nobyo? Hindi ko kasi mahanap si Zsakae," ani Eunice. Napalunok ako. Para akong sinaksak ng punyal sa sinabi niyang nobya niya si Zsakae. Indikasyong pag-aari niya ang pinakamamahal kong lalaki.

"Hindi ko alam. Hindi ko siya nakita kagabi," pagsisinungaling ko. Malungkot namang napatungo si Eunice.

"Sige. Baka babalik na 'yon mamaya," aniya at lumabas na ng aking silid. Agad na isinarado ni Kaye ang pinto.

"Kaye—" Buong pigil ang puwersa niya nang ako'y sampalin.

"Bakit ka nagsinungaling? Sumagot ka Angelika! Sabihin mo sa akin ang totoo!" singhal niya. Napaluha ako.

"Mahal ko siya," humahagulhol ko nang wika.

"Sampung taon kong tinikis na iwasan ang nararamdaman kong ito. Sampung taon na sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Sampung taon akong naghintay na sana gustuhin niya rin ako. Ngayong dumating na ang araw na pinakahihintay ko'y susugal ako Kaye. Tanga ako. Alam ko! Manhid ako! Pero mahal ko siya. Hindi ko kayang makita na may ibang nagmamay-ari sa kanya. Hindi ko kaya!"

"Nahihibang ka na ba Gel? Papatayin mo ang sarili mo sa ginagawa mo!" naluluha niya na ring ani. Nakuyom ko pa lalo ang aking mga kamao.

"Alam ko at hindi ako nahihibang Kaye! Mahal ko si Zsakae kahit ikamatay ko pa! Sawang-sawa na akong takasan 'tong nararamdaman ko!" Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang aking mukha.

"Hindi ka niya mamahalin. Si Eunice ang nakatakda sa kanya Gel. Makinig ka naman sa akin." Umiling-iling ako.
"Hindi niya gusto si Eunice! Alam niyang mahal ko siya Kaye. Nagkausap kami kagabi."

"Mahal ka ba niya, ha? Sinabi niya bang mahal ka niya?" Napayuko ako. Natampal naman ni Kaye ang kanyang noo.

"Hindi niya sinabing mahal ka niya.
Alam mo ba kung gaano kapanganib 'to Gel? Sa oras na malaman ito ng mga hukom ay maaring ipapatay ka nila Gel! Diyos ko! Hindi ka nag-iisip!"

"Hindi mo naman ako ipagkakanulo 'di ba? Kaye..." Niyakap naman niya ako.

"Hindi ko kinukunsinte ang ganitong gawain mo Gel pero ayaw kitang makitang nasasaktan. Ganoon mo ba talaga kamahal ang nilalang na 'yon?"

"Sobra Kaye," umiiyak ko pa ring sagot.

"Tumahan ka na," alo niya sa akin. Tumango lamang ako. Masuwerte ako dahil nagkaroon ako ng kaibigang maunawain.

HE'S MY KNIGHT [Zoldic Legacy Book 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon