HMK-5

7.4K 255 9
                                    

HMK-5


"Gel! May huli ako! Dalawa 'to! P'wede ka na maligo!" nakangiti pang wika ni Kaye sa akin habang ipinapakita ang dalawang isdang hawak niya. Hinubad ko ang suot kong huanta at kinuha ang aking mga gamit.

"Puntahan mo ako ro'n pagkatapos mong iparekord 'yan kay Propesor Escanda ha?" sabi ko pa.

"Areglado!" Lumakad na ako at tinungo ang paborito naming tambayan ni Kaye.

Inilapag ko sa malaking bato ang aking mga gamit. Napalinga-linga pa ako sa paligid habang tinatanggal ang pagkakatirintas ko sa aking buhok. Hinubad ko ang aking suot na bestida at iniwang suot ang aking bra't panti. Lumusong ako sa tubig.

"Ugh! Ho!" sambit ko nang madama ng balat ko ang lamig ng tubig.

Tumihaya ako at pinagaan ang aking sarili upang ako'y lumutang sa tubig. Ilang segundo pa lang ang aking pagkakalutang nang biglang may humapit sa aking baywang at hinila ako pailalim. Nagpumiglas ako ngunit agad din naman akong huminto nang makita ko kung sino ang humila sa akin. Si Zsakae! Bigla nitong hinila ang aking batok at nang pareho kaming umahon ay kagat na niya ang aking leeg.

"Zsakae, sandali..." anas ko ngunit masyadong mahigpit ang pagkakayapos nito sa akin. Tanging pagkapit na lamang sa kanyang balikat ang aking nagawa. Nang diinan niya pa ang pagkakagat sa aking leeg ay nakumyos ko ang basa niyang buhok. Bigla namang nagbago ang kulay ng kanyang buhok. Nagkulay puti ito at ang katawan niya'y bahagyang naging brusko. Ang mga kuko niyang humaba ng isang pulgada. Halos ang mga litid niya sa katawan ay klarung-klaro.

"Zsakae," sambit ko. Umawang ang kanyang bibig.

"Hindi maganda ang kundisyon ko Gel. Kailangan kita," anito. Hindi ako agad nakaimik, bagkus ay kinabig ko ang kanyang leeg.

"Ayos lang ako," anas ko kahit na ang totoo'y nagsisimula nang magdilim ang aking paningin. Muli niyang kinagat ang aking leeg. Mariin akong napapikit at nang magmulat ako'y ang mukha ni Kaye ang aking nasilayan. Gulat ito at halatang galit sa kanyang nakita. Iginalaw ko ang aking kaliwang kamay at itinapat ang aking hintuturo sa aking bibig. Sinabayan ko ito nang pag-iling ng aking ulo. Nakuyom ni Kaye ang kanyang mga kamay at tahimik na umalis. Huminga ako ng malalim. "Gel," sambit nito at huling salita na aking narinig bago ako nawalan ng malay.

UMUNGOL ako nang maalimpungatan at tuluyang nagising. Narito na ako sa aking silid. Dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa ulunan ng aking kama.

"Kailan pa Gel?" galit na tono ni Kaye ang sumalubong sa akin.

"Hindi ko naman intensyon na maglihim sa iyo Kaye." Matalim na titig ang ibinaling niya sa akin.

"Kung ganoon ay ano 'yong nakita ko kanina!? Ilang beses niya na bang ginawa 'yon sa iyo!?"

"Pangalawa pa 'yong kanina Kaye. Ayos lang naman ako e." Umigting ang kanyang panga.

"Pumayag ka na gamitin niya!? Kabaliwan 'yang ginagawa mo Gel! Hindi porke't utusan ka niya'y papayag ka na! Mahal mo? Putanginang pagmamahal 'yan Gel!" umiiyak niyang wika habang pinapagalitan ako. Gulong-gulo naman ang aking utak.

"Bakit ka ba nagkakaganyan Kaye?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Umupo naman ito sa aking tabi at muli ay narinig ko ang kanyang paghikbi.

"Kaye," utas ko. "Papatayin ka niya Gel! Unti-unti ka niyang papatayin dahil sa ginagawa niya sa iyo. Makinig ka sa akin. Pakiusap! Gawin ka na niyang utusan o alilain ka man niya'y ayos lang. Huwag lang umabot do'n." Nakakunot pa rin ang aking noo.

"Hindi maganda ang kundisyon niya kaya tinulungan ko Kaye. Bakit mo naman nasabi ang ganyang bagay? Bakit Kaye? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Mariin naman nitong nakumyos ang kubrekama.

"Alam mong kakaiba ako Kaye. Hindi ako mortal. Bakit ko naman ikamamatay ang ginagawa ni Zsakae sa akin?" Tinampal niya ang kanyang noo.

"Magkaiba ang immortal na alay at ang immortal na itinakda ni Luna," seryoso niyang ani. Nagsalubong ang aking mga kilay. Hinawakan niya ang aking mga pulsuhan.

"May nakikita ka ba sa mga kamay mo Gel? 'Di ba, wala? Ikaw ang alay Gel! Kapag may lumabas na itim na rosas na gumagapang ang tangkay na nagkukunekta sa iyong mga ugat. Tinatawag nila itong itinakda ni Luna. Kapag wala kang marka ni Luna, puwede mong ikamatay 'yon Gel! Tuwing kabilugan ng buwan lamang puwedeng uminon ng dugo ang mga Zoldic na may kasamang pagtatalik at ritwal. At kapag napasailalim na 'yon ng ritwal ay puwede na silang dumepende sa itinakda ni Luna sa kahit anumang oras. Sa sitwasyon mo'y iba! Ginagamit ka ni Zsakae upang gumaling siya dahil hanggang ngayon ay 'di pa lumilitaw ang itinakda ni Luna sa kanya." Umawang ang aking bibig. Tumawa ako.

"Kalokohan 'yan Kaye."

"Seryoso ako."

"At saan mo naman nalaman ang tungkol diyan Kaye? Isang kang Seltzer! Anong alam mo tungkol sa mga Zoldic?" Tumayo naman ito.

"Iyon nga e, dapat mas ikaw ang nakakaalam dahil malapit ang inay Lucinda mo sa kanila. Ngunit wala kang alam Gel, wala! At kung tungkol naman sa sinasabi mo kung bakit marami akong alam. Kailangan kilala mo ang mga kalaban mo." Agad din naman siyang umalis at iniwan ako.

Nahilot ko ang aking sintido. Kung bakit nga naman ba kasi wala ako alam. Hindi naman sa wala ngunit aminado akong kulang ang mga impormasyong alam ko. Mariin akong napapikit. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba si Kaye.

HE'S MY KNIGHT [Zoldic Legacy Book 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon