HMK-7.1
Agad akong itinago ni Zsakae sa kanyang likuran habang ang kanang kamay ko ay hawak pa rin niya at nakalapat sa kanyang tiyan.
"May karapatan ako sa iyo dahil ako ang nobya mo!" Pumalatak naman si Zsakae at hilaw na tumawa ng konti.
"Nobya? Nahihibang ka na ba? Wala akong gusto sa iyo at hindi ako magkakagusto sa iyo. At hindi kita nobya. Sinong nagbigay sa iyo ng pahintulot para angkinin ako? Sa isang mababang nilalang na kagaya mo?" Napahawak ako sa laylayan ng damit ni Zsakae. Napakasakit ng mga binibitiwan niyang salita para kay Eunice at nakukunsensya ako ro'n.
"Ako ang pinili ni Luna! Ako ang itinakda niya para sa iyo! Ako lang Zsakae! Ako lang!" umiiyak na wika ni Eunice.
"Pinili ka man ni Luna, wala akong pakialam!" mariing sagot ni Zsakae sa kanya.
"Bakit!? Dahil ba sa kanya? Pareho lang naman kaming mababang nilalang!" mulit giit ni Eunice.
"Si Angelika ang buhay ko." Hinila na ako ni Zsakae papunta sa kanyang silid. Nang dumat ing at makapasok kami sa silid niya'y pinasok namin ang isa pang silid, ang daanan papunta sa sekreto niyang silid.
"Zsakae, bakit mo ginawa 'yon?" Hindi niya ako sinagot, bagkus ay mabilis niya akong kinarga at tumalon sa butas. Diretso kaming nahulog sa malaking kama. Agad siyang bumangon at naghubad ng kanyang uniporme. Iniwan niyang natira ang kanyang pantalon. Bumaba ako sa kama at hinigit ang kanyang braso.
"Bakit mo sinabi 'yon?"
"Dahil iyon ang totoo."
Agad nag-unahan sa pagtulo ang aking mga luha sa mata at napatungo ako.
"Mahal kita, ngunit paano si Eunice? Paano siya?" Napahagulhol ako ng matindi. Agad niya naman akong niyakap.
"Ang sinasabi mo ba'y piliin ko ang tama at talikuran ang mali na sa pananaw ko nama'y ito ang tama." Nakagat ko ang aking labi.
"Pinangako ko sa sarili ko na ipaglalaban kita. Ngunit ano nga ba ang laban ko? Hindi ako ang nararapat sa iyo Zsakae, hindi."
Hindi siya kumibo bagkus ay marahas akong hinagkan. Mapusok at maalab. Ang bawat haplos niya sa aking katawan ay nagdulot ng matinding pagnanasa kong maangkin niyang muli. Napasinghap ako nang gumapang ang kanyang mga labi sa aking dibdib at agad na pinuntirya ng kanyang bibig ang dalawang korona ko. Napaungol ako ng itong kanyang tudyuin at paglaruan. Ang mga kamay naman nito'y naglandas sa aking batok, paibaba sa aking balakang, hanggang umabot sa aking kaibuturan. Halos pigilin ko ang aking hininga. Hindi ako magkamayaw sa pag-ungol. Binuhat niya ako at pumuwesto sa aking gitna. Humugot ako ng malalim na hininga at kumapit ng husto sa kanya. Habol ko ang aking hininga at nahigit ito nang kanyang pasukin ang aking kuweba. Sunod-sunod ang kanyang ginawang pagbayo sa akin. Ang mga bato naman sa aking likuran ay halos madurog na dahil sa pagkakakuyom niya rito. Ang tanging nagawa ko lamang ay ang kumapit sa kanya at huwag salubungin ang pag-ulos nito.
"...aah!" muling daing ko nang marating ko ang sukdulan. Halos mawalan ako ng aking ulirat. Ngunit mas binayo pa ako ng todo nito at doon nito tuluyang narating ang kanyang sukdulan. Habol ko pa rin ang aking hininga. Kinabig nito ako sa aking batok at kinagat na naman nito ang aking leeg. Unti-unti ko na namang nararamdaman ang matindi kong panghihina.
"Zsakae," sambit ko. Nang lumubay ito'y kinarga niya ako at inihiga sa malambot niyang kama. Tumabi siya sa akin at pinagmasdan akong mabuti. Masakit. Masakit na malamang hindi ako ang nararapat para sa kanya. Ano nga ba ang laban ko? 'Di hamak naman na mas lamang si Eunice sa akin. Mariin akong napapikit. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ngunit buo na ang kalooban ko. Napadilat ako at muling sinalubong ang mga tingin sa akin ni Zsakae sa akin. 'Patawarin mo ako mahal ko ngunit kakainin ko muna ang sinabi kong ipaglalaban kita. Dahil kahit ano pa ang gawin ko'y hinding-hindi talaga ako ang nararapat sa iyo.' Dahan-dahan na bumagsak ang mga talukap ko sa mata. Tuluyan na akong hinila ng pagod at matinding antok. NANG magising ako'y parang idinuduyan sa ere ang aking katawan. Nang tuluyang maging presko ang diwa ko'y tuluyan kong napagtantong nakalutang nga ako. Hindi lang ako, dahil lahat ng mga magagaang gamit ay nagsilutang din. Napasinghap ako nang makita ko si Zsakae na nakatayo at kuyom ang kanyang mga kamao. Iba na naman ang kanyang anyo at parang hindi yata maganda ang araw nito.
"Zsakae!" tawag ko rito. Nang pumaling ito sa akin ay tuluyan akong bumagsak sa kanyang kama. Agad akong bumaba ng kama at lumapit sa kanya. Napasinghap ako nang makita ko ang kanyang mga balikat at leeg. May kung anong maitim na marka ang nasa kanyang katawan. Parang gumagapang na baging at dumadaloy ito sa kanyang mga ugat. Napasinghap akong muli. Ito marahil ang resulta nang pagsuway niya kay Luna. Agad na bumagsak ang mga luha ko sa mata.
"Gel," sambit nito. Umatras ako at akmang tatalikod ngunit mabilis niya akong kinabig. Niyakap niya ako.
"Itigil na natin 'to! Pakiusap Zsakae!" humahagulhol kong wika sa kanya.
"Ssh..." anas nito. "Tama na." Kumalas ako sa yakap niya ngunit muli niya akong kinabig sa aking batok at kinumyos ng halik ang aking labi. Nagpumiglas ako ngunit traydor pa rin ang aking puso. Sumunod ito sa nais nitong gawin. Matapos niya akong halikan ay muli niya akong niyakap.
"Kahit anuman ang mangyari huwag kang bibitiw sa akin. Ikaw lang ang lakas ko Angelika. Ikaw lang." Muli akong humagulhol. Hindi ko magagawa ang nais niya. Kung ang paglayo ko ang tanging solusyon upang maging maayos ang lahat ay gagawin ko.
"Kailangan ko na bumalik sa aking silid," hindi makatingin kong ani. Itinuro niya ang hagdan. Agad akong lumapit at humakbang paakyat. Nang marating ko ang dulo ay gano'n na lamang ang mangha ko dahil kunektado ito sa aking malaking tukador. Kaya niya pala ako mabilis na naibabalik sa aking silid dahil may sekretong daanan pala sa loob ng aking tukador.