HMK-3

8.3K 276 1
                                    

HMK-3


"Gel," masiglang sambit nito nang makita ako.

"Ate Fei, kumusta po?" nakangiting bati ko rito.

"Ang dami naman niyan Gel," puna nito sa mga librong yakap ko.

"Hindi sa akin 'to ate, kay Zsa..." Napaurong siya't napatikhim.

"Sa amo ko po. May trabaho na kasi ako ngayon---"

"Bilang alalay?" dugtong nito sa aking naputol na wika.

"Opo," sagot ko at hilaw na napangiti.

"Permahan mo na lang 'tong indeks Gel at pakisulat na lang din 'yang mga librong hihiramin mo." Sinunod naman niya ito.

"Kumusta ang klase Gel?" anito.

"Mabuti naman po ate Fei," sagot ko.
"Pang-ilang kurso niyo na ito ni Kaye?" Natigilan siya at nabitawan ang plumang hawak.

"Ano'ng ibig niyo pong sabihin?" Bigla namang nagkulay pulay ang mga mata nito at agad ding bumalik sa kulay kayumanggi. Napasinghap siya.
"Isa akong Zoldic, Gel. Taga pamahala sa angkan namin dito sa Herodes. Ako ang tainga at mata ng Don La Luz De Vermont. Ngunit mas madalas akong nagbibigay ng impormasyon sa panganay nitong anak, ang senyorito Steffano. Hindi rin lingid sa aking kaalaman na ika'y naging utusan ng senyorito Zsakae, tama ba ako?" Napalunok siya at napatango. Nginitian naman siya nito.

"Huwag kang mag-alala Gel. Hindi naman ako tsismosa. At isa pa nga pala'y pinakamatalik mong kaibigan ang prensesa ng mga Seltzer." Gulat muli akong napatitig sa kanya.

"Prensesa?" sambit ko.

"Ang akala ko ba'y magkaibigan kayong dalawa," nakangiti pa nitong wika. May laman pa ang tono nito. Tila yata ay sinusubukan niya ako.

"Kung ano man 'yan, hindi ko po ugaling makialam. Salamat po sa mga libro," wika ko at agad na lumabas ng opisina nito.

Humugot ako ng malalim na hininga. Kung gano'n ay napakaimportante nga ni Kaye. Kukumprontahen ko siya mamaya kapag nagkasarilinan kaming dalawa. Tinungo ko na ang labasan at lumakad na pabalik sa unibersidad. Nang umabot ako sa aming dormitoryo ay alanganin pa akong lumakad palapit sa pinto ng silid ni Zsakae. Kakatok na sana ako pero bigla namang bumukas ang pinto. Pinaningkitan niya ako ng kanyang mga mata. Nang dumako ang mga mata ko sa kanyang ayos ay nakaputing kamiseta ito na may mahabang manggas. Nakabukas ang gitna ng damit nito at kitang-kita ko ang hubog ng katawan nito sa tiyan.

"Bakit ngayon ka lang?" Muli akong napatitig sa kanya. Biglang kumatal ang aking mga kamay habang yakap ko ang mga libro.

"Pasensya na po kung naantala," paumanhin ko. Kinuha naman nito ang mga librong yakap ko pa at itinapon sa kanyang kama.

"Pasok!" Napatuwid ako sa narinig kong pagtaas nito ng boses. Hindi ako agad nakagalaw kaya ito na mismo ang humila sa akin. Nang makapasok kami ng tuluyan sa loob ng kanyang silid ay hinila niya ang laylayan ng aking puting blusa. At nang tumapat ako sa upuan nitong gawa sa katad ay marahan niya akong itinulak, dahilan para ako'y maupo rito. Mabuti na lamang at yari sa katad itong upuan na napapalamanan ng bulak, dahil kung nagkataong gawa ito sa kahoy, malamang ay kanina pa ako umungol.

"Huwag na huwag kang makikipag-usap ng matagal kay Fei, naiintindihan mo ba?" anito.

"B-bakit naman?" taka ko pang tanong.

"Bakit kailangan kong magpaliwanag sa iyo? Utos iyon at hindi pakiusap." Lihim ko siyang inirapan at tumayo.

"Kung wala ka nang kailangan, ay aalis na ako," wika ko.

Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit maagap itong humawak sa hamba ng pinto at muling isinarado ito.

"Gel," bulong nito sa aking punong tainga. Nakapanghihina ng mga tuhod.

"A-ano?" kabado ko pang tanong.

"Nauuhaw ako," muling bulong nito. Kagyat akong napalunok.

"Ikukuha kita ng..." napaurong ang aking dila nang yumakap ito sa aking baywang. Hindi ako agad nakagalaw.

"Ikukuha... Kita..." sambit ko subalit bigla nitong dinampian ng halik ang aking batok. Mariin akong napapikit. Ang malamig nitong labi ay parang yelong lumapat sa aking batok.

"Zsa..." muli akong napaurong nang gumapang ang halik nito sa aking leeg. Kanya itong hinawi at ang kanyang kanang bisig ay mas lalong humigpit sa aking baywang. 'Di naman masakit ngunit halos wala ng patlang ang aming magkadikit na katawan.

HE'S MY KNIGHT [Zoldic Legacy Book 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon