HMK-11.2

6.6K 194 7
                                    

HMK-11.2

NANG magising ako'y wala si Zsakae sa aking tabi. Agad akong bumaba sa katreng gawa sa kawayan. Lumabas ako ng kubo. Agad kong natanawan si Zsakae sa may dalampasigan. Nakatalikod siya habang nakatingin sa kabilugan ng buwan. Nakapamulsa siya at ang kanyang mahabang buhok ay inililipad ng simoy ng hangin. Lumakad ako at lumapit sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa gawi ko. Kulay pula ang kanyang mga mata at ang kanyang mukha ay punong-puno ng itim na marka. Hindi lang ang mukha niya dahil nakakalat ito sa buo niyang katawan. Alalang-alala ako sa kanyang anyo. Nasapo ko ang aking dibdib.

"Zsakae," anas ko.

"Nakakaya ko nang kontrolin ang parusa ni Luna sa akin," aniya.

"Madadamay ba ang anak natin?"

"Hindi ko hahayaang mawala siya." Inilahad niya ang kanyang kamay at inabot ko rin naman ito.

"Kakayin ko rin ang lahat para sa anak natin." Humalik siya sa aking noo.

"Pumasok ka na sa loob. Magpahinga ka na ulit." Tumango lamang ako at sinunod ang utos niya. Nang makapasok ako sa loob ay bigla na lamang akong nanghina ang aking mga tuhod. Agad akong kumapit sa hamba ng pintuan. Huminga ako ng malalim. Nang bigla akong makaramdam ng mainit na likidong umaagos mula sa aking maselang bahagi. Agad akong napatungo at nasapo ang aking hita. Nang maangat ko ang aking kamay ay agad namilog ang aking mga mata. 

"Zsakae!" sigaw ko. 

"Gel," tunghay nito agad sa aking tabi. 

"D-dugo..." nanginginig kong sambit. Agad niya akong binuhat at inihiga sa katre. Naiiyak na ako dahil sa matinding kaba. 

"Zsakae," tawag ko sa kanya. Sandali kasi itong napatulala. Nang tumingin siya sa akin ay agad na bumagsak ang mga luha niya sa mata. Mas lalo akong kinabahan. Pinahaba naman niya ang kanyang mga kuko sa kanan niyang mga daliri. 

"Kailangan ko siyang alisin. Hindi na kinakaya ng katawan mo." Agad akong napabangon. 

"Lalabas na siya?"

 "Kailangan ko siyang patayin." Agad akong umurong. 

"Hindi! Hindi mo iyon gagawin! Hindi!" 

"Mamamatay ka kung ipipilit natin Gel!" Nasampal ko siya.

 "Hindi hayop ang anak natin! Kahit ikamatay ko pa! Bubuhayin ko siya! Ako ang magdedesisyon doon at hindi ikaw!" umiiyak kong wika.

Ngunit hindi siya nakinig sa akin at hinila ako. Nagpumiglas ako at pilit na inilalayo ang kanan niyang kamay. 

"Zsakae! Huwag! Pakiusap! Huwag ang anak natin! Wala siyang kasalanan! Pakiusap!" Maging siya ay wala na ring ampat sa pagluha. Tinabig niya ang kamay ko at inangat ang aking bestida. Pasulong na ang kamay niya nang biglang bumakat sa mula sa loob ng aking tiyan ang maliit na kamay ng anak namin. Natutop ko ang aking bibig at nanginginig kong hinaplos ang aking tiyan. 

"Buhay siya," anas ko. Naibaba ni Zsakae ang kanyang kanang kamay. Marahang bumagsak ang kanyang ulo sa ibabaw ng aking tiyan. Gumalaw ang kanyang mga balikat. Umiiyak siya ng husto. Niyakap ko siya ng mahigpit. 

"Huwag ka nang mag-alala. Kaya ko 'to. Kakayanin namin ng anak mo." Kumalas siya at biglang nawala sa aking harapan. Napaigtad na lamang ako nang marinig ko ang pagbagsak ng mga puno sa likod ng aming kubo.

 "Ugh! Ah! Luna! Numquam novivos quanta passus fuero!" Natakpan ko ang aking tainga dahil parang may matinis na bagay akong naririnig. Humangin naman ng malakas. Agad akong napalabas ng kubo. Ang alon ng dagat ay biglang pumayapa at parang hinigop ito sa gitna dahil sa biglaang pagtuyo nito sa dating taas ng tubig. Agad akong lumakad palapit kay Zsakae. 

"Luna! Pedicabo ego vos!" Hinahamon niya si Luna! 

"Zsakae! Tama na!" Humarap siya sa akin. 

"Illa meus omnipotens Luna!" Namilog ang aking mga mata nang bigla na lamang akong lumutang sa ere. 

"Luna plena sum in conspectu tuo, oblationem carissimum sodalem, quaeso audito benedixeris in utero!" Napaliyad ako at parang may maitim na usok ang bumalot sa akin. Nagsasagawa siya ng ipinagbabawal na ritwal! Bawal itong gamitin dahil hindi naman ako ang itinakda! Napasinghap ako nang biglang may lumukod sa aking tiyan. Biglang nawalan ng lakas ang aking katawan. Para akong naparelisa. Nang mawala ang usok ay bumasak ako sa buhanginan. Nang pumaling ako kay Zsakae ay maging siya ay bumagsak din. 

"Zsakae," huling anas ko.

"ZSAKAE," anas ko. "Gel, gising!" "Kaye," sambit ko. Dahan-dahan akong napadilat. 

"Diyos ko," anito. Nang igalaw ko ang aking mga kamay ay laking pagtataka ko't nakaposas ako gamit ang solidong bakal. Ang mga binti ko rin ay may bakal na posas. Nakaupo ako at ang nasa likod ko ay isang posteng gawa rin sa bakal kung saan dito nakasabit ang kadena ng aking mga posas. 

"Kaye, ano ang nangyari? Bakit ka narito? Si Zsakae? Nasaan ako?" Inayos naman niya ang aking magulong buhok. Panay din ang kanyang pagluha. 

"Natunton ko kung saan kayo nagtago ni Zsakae ngunit nahuli ako nang dating dahil nang mawalan kayo ng malay ni Zsakae pagkatapos ng ritwal na kanyang ginawa ay nagsidatingan agad ang mga alagad ni Eunice. Dinala ka niya rito sa templo ng mga tagapaghukom. Sinundan kita rito at pinatay ko ang nakatokang nagbabantay sa iyo," mahaba niyang paliwanag. 

"Si Zsakae? Saan siya dinala? Ang mga kapatid niya?" 

"Hindi ko alam Gel. Hindi ko rin sila nakita rito." 

"Kailangan kong makaalis dito Kaye. Pakiusap tulungan mo ako Kaye," nanghihina kong anas.

"Kanina ko pa gustong tanggalin 'yan Gel ngunit kahinaan ko ang pilak kaya't hindi ko iyan magagawa," malungkot nitong saad. Nang hilain ko ang aking posas ay tama nga si Kaye. Kunwari ay solidong bakal lamang ito ngunit mali dahil may halo itong pilak. 

"Umalis ka na Kaye," umiiyak ko na lamang na wika. 

"Hindi kita iiwan dito!" 

"Ugh!" ungol ko dahil biglang sumakit ang aking tiyan. Napasinghap ako, maging si Kaye nang biglang umagos sa aking gitna ang itim na likido. Huminga ako ng malalim. 

"Gel, ano 'to!?" gulat na sambit ni Kaye. Mapait akong napangiti. Napakapit ako sa aking posas. 

"Ah!" daing kong muli. 

"Gel, ano ba!?" 

"Hindi... Ko na... K-kaya," utas ko. 

"Huwag ka magsasalita ng ganyan Gel! Kaya mo!" 

"Lalabas na siya," muli kong anas. Natataranta naman siyang hinila pasulong ang aking magkabilang upang umayos ako sa pagbukaka ng aking mga hita. Pinunit niya ang aking panloob na kasuotan. 

HE'S MY KNIGHT [Zoldic Legacy Book 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon