HMK-7
SUMAPIT ang tanghali. Hindi ako iniwan ni Kaye sa aking silid. Pareho kaming lumiban sa dalawang aralin namin kaninang umaga at ngayon ay kailangan naming pumasok. Sayang naman kung pati ang aming eksam ay 'di namin papasukan. Kasalukuyan maming tinutungo ni Kaye ang kabilang gusali nang matanaw ko mula sa malayo si Zsakae. Nakatirintas ang mahaba niyang buhok at himalang nakasuot ito ng uniporme ngunit kulay itim naman. Nakapamulso ito habang naglalakad. Itanggi ko man o hindi. Sa akin siya nakatitig. Sa akin lang. Nakaramdam ako ng matinding galak ngunit agad napalis nang makita kong nasa likuran pala ni Zsakae si Eunice, ang kanyang nobya. Masakit sa mata. Agad akong umiwas sa pagtanaw sa kanila at nagpatianod sa paghila ni Kaye sa akin.
"Kapag 'di mo na kayang pigilin, handang ang likuran ko para sandalan at iyakan mo Gel," biglang wika ni Kaye sa akin. Tipid lamang akong ngumiti sa kanya kahit na ang totoo'y nasasaktan ako.
Tumuloy na kami sa silid-aralan at laking dismaya ko dahil sa mismong silid namin napunta si Eunice. At ang masakit pa ro'n ay katabi niya sa upuan si Zsakae. Ang hirap! Nahihirapan akong humakbang. Parang anumang oras ay maaring bumagsak ang mga luha ko sa mata.
"Gel, lumipat tayo ng upuan." Tumango lamang ako kay Kaye. Sa unahan kami pumuwesto. Bahagyang naibsan ang aking pakiramdam. Hindi ko makikita ang lambingan nilang dalawa. Mahal niya nga ba ako? O ako'y nag-iilusyon lamang? Ibinigay ko ng buo ang aking sarili sa kanya ngunit pakiramdam ko'y 'di 'yon sapat para panghawakan kong mahal niya ako. Bumuntong-hininga na lamang ako.
PAGKATAPOS ng klase ay bumalik din naman kami agad ni Kaye sa aming dormitoryo. "Kaye, gusto ko muna mapag-isa," ani ko at tinalikuran siya.
"Saan ka pupunta?"
"Sa paborito kong parke," sagot ko. Hindi ko na hinintay pang marinig ang sasabin ni Kaye sa akin at lumakad na. Hapon na ngunit binalewala ko lang ito. May mga poste naman ng ilaw sa lugar na iyon. Nang marating ko ang parke ay agad akong umupo sa duyan. Nakatitig lamang ako sa kawalan. Blangko ang aking utak at ayaw kong mag-isip. Muli akong bumuntong-hininga. Bigla namang may tumabi sa akin at ang pagkakaupo niya mula sa aking likuran. Hindi ako agad nakaimik. Pinagapang niya ang kanyang kanang kamay sa harapang bahagi ng aking baywang.
"Iniiwasan mo ako," aniya. Nakagat ko ang aking labi at hindi umimik. Ipinatong naman niya ang kanyang perpektong mukha sa aking kanang balikat.
"Gel," tawag niya sa akin. Bumaling ako sa kanya. Dahil sa nakatali ang kanyang buhok ay kitang-kita ko ang kanyang guwapong mukha.
"Bumalik ka na kay Eunice. Baka hinahanap ka na ng nobya mo," mapait kong wika habang may diin naman ang pagbigkas ko ng salitang---nobya.
"Hindi ko siya nobya," sagot niya. Natigilan naman ako.
"Huwag kang maniniwala kay Eunice at sa maamo niyang mukha." Kumunot naman ang aking noo.
"Siya ang itinakda sa iyo ni Luna. Itanggi mo man o hindi'y siya pa rin ang may karapatan sa iyo. Hindi ko nga alam kung bakit ikaw pa ang minahal ko." Tuluyang bumagsak ang mga luha ko sa mata. Gumapang ang kanyang kanang kamay sa aking pisngi at maingat na hinagkan ang aking pisngi, ang tungki ng aking ilong, ang aking noo, panghuli ang aking labi.
"Ikaw ang mahal ko Gel. Ikaw lang," sambit niya habang ang mga labi niya'y nakadikit pa sa aking mga labi. Umagos muli ang aking mga luha sa mata at yumakap sa kanya. Sa wakas ay narinig ko mismo sa kanyang bibig na ako'y mahal niya rin.
"Patawarin mo ako akong minsan ay 'di maganda ang pagtrato ko sa iyo Gel." Umiling ako.
"Alam ko namang ganyan ka." Muli ay hinagkan niya ako.
"Huwag mo akong bitiwan Gel." Muli akong umiling. Kumalas ito sa akin at muli sa isang iglap ay nawala ito. Bahagyang umalwan ang aking pakiramdam. Tila'y nabunutan ako ng tinik. Tumayo na ako at akmang aalis na sana nang biglang may pumigil sa akin.
"Propesor Escanda?" Ngumisi naman ito.
"Mag-isa ka?" Tumango naman ako.
"Maari bang samahan mo muna ako?"
"Po? May gagawin pa po ako---teka po!"
"Sandali lang 'to Angelika," nakangiti pa nitong ani. Muli akong umiling. Ang bilin ni Kaye ay huwag akong lumapit sa kanya. Tinabig ko ang kanyang kamay.
"Pasensya na talaga Propesor Escanda pero..." Naputol ang aking sasabihin nang biglang magbago ang kulay ng mga mata nito. Muli niyang hinawakan ang aking kamay.
"Ano ba!?" pagpupumiglas ko. Bigla naman may humila sa akin. Nang mag-angat ako ng aking ulo ay ang galit na mukha agad ni Zsakae ang aking nakita.
"Bitiwan mo siya," matigas niyang wika kay Propesor Escanda.
"Ako ang nauna sa kanya kaya akin siya!" singhal naman nito. Sa galit ni Zsakae ay mabilis niya itong nasipa sa dibdib dahilan para ito'y mapabitiw sa akin at tumilapon.
"Isa pang hawak mo sa kanya't tutuluyan kita!" Mahigpit akong humawak sa kanyang kanang braso.
"Z-zsakae t-tama n-na," utal-utal kong pigil sa kanya. Umigting ang kanyang panga.
"Subukan mong galawin si Angelika. Makikita mo agad ang impyerno!" banta niya pa kay Propesor Escanda at agad na akong hinila palayo sa parke. Mahigpit niyang hawak ang aking kamay. Nang umabot kami sa dormitoryo ay napahinto ako nang makita kami ni Eunice. Tinabig ko ang kamay ni Zsakae pero muli niya akong hinawakan at hinila. Nilagpasan namin si Eunice. Napayuko ako. 'Di ko malaman ang dapat na gagawin. Mahal ko si Zsakae ngunit ang makasakit ng iba ay taliwas sa akin. Hindi ko kayang makasakit pa rin ng iba kahit na ako pa ang mahal ni Zsakae.
"Zsakae!" tawag ni Eunice. Agad akong bumitiw kay Zsakae ngunit muli pa rin niya akong hinawakan. Lumapit sa amin si Eunice.
"Bakit kayo magkasama?" ani Eunice. Hindi ako makasagot.
"Wala kang pakialam do'n," mariing wika ni Zsakae sa kanya. Nakuyom ni Eunice ang kanyang mga kamay at matalim na bumaling sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/77750865-288-k940157.jpg)