HMK-11.3

9.7K 327 85
                                    

HMK-11.3

"Huminga ka ng malalim Gel. Pagkatapos ay umire ka." Sinunod ko ang sinabi niya.

 "Ugh! Ah! Ho! Ah!" paulit-ulit kong pagdaing. 

"Sige pa Gel!" 

"Ugh!" Napatigil naman ito. 

"Nagkakagulo na sila sa labas Gel! Bilisan mo!" Hugot at buga ang ginawa kong paghinga. 

"Lapastangan ka!" Narinig naming dalawa ni Kaye mula sa labas ng aking kulungan. 

"Bilis Gel!" 

"Ugh! Ah!" huling pag-ere ko. Isang maliit na bilog ang nailabas ko. Kulay itim ito at parang isang malambot na bola. Gulat kaming dalawa ni Kaye at pareho kaming hindi makapagsalita. Ngunit bigla na lamang itong naging abo. Nang mawala ang abo'y napalitan ito nang pagpalahaw ang ng isang sanggol. Gulat man at hindi ako makapaniwalang buhay ang anak namin ni Zsakae. Walang pagsidlan ang aking tuwa. Inalis naman ni Kaye ang natitira pang abo sa katawan ng aking anak. Hinubad niya ang kanyang tsaketa at ibinalot dito. Nang makita ko nang malapitan ang anak ko'y parang gusto ko ang sumabog. Gaya siya kay Zsakae. Ang buong katawan niya'y may itim na marka, patunay lamang ito nang walang katapusang parusa ni Luna. Pati ang anak namin ni Zsakae ay nadamay sa maling pagmamahal naming dalawa. 

"Lalaki siya Gel," ani Kaye. Humagulhol ako. Hindi sa lungkot ngunit sa matinding saya. 

"Kahit bunga siya ng kaparusahan Gel, may dugong bughaw pa rin siya." Inilagay niya ito sa aking mga hita. Iyak pa rin siya nang iyak. 

"Ssh. Narito ako anak. Tumahan ka na." Bigla namang napatayo si Kaye. 

"Kailangan kong magtago." Nang mawala si Kaye sa aking harapan ay bumukas naman ang pinto. 

"Hangal! Kailanman ay hindi ako nag-utos na galawin ninyo ang kapatid ko!" Ang kuya Steffano ang aking naririnig. Kung ganoon ay wala silang alam patungkol sa sitwasyon naming dalawa ni Zsakae. Umawang nang malaki ang pinto at nakita ko na lamang ang pagbalibag ni Eunice sa semento. 

"Zsakae," anas ko nang makita ko siya. Puno ng sugat ang kanyang katawan. At hindi pa rin nawawala ang mga itim na marka sa buo niyang katawan. Napaluha ako ng husto at pilit kong hinihila ang mga kadena. Mabigat ang kanyang paghakbang hanggang sa tuluyan siyang nakaabot sa akin. Diretso siyang napaluhod at inakay ang anak naming dalawa. Hinagkan niya ito sa noo. Bigla naman itong tumigil sa pagpalahaw.

"Hindi ko alam kung ano ang ipapangalan ko sa kanya," namamaos kong utas. Ako naman ang kanyang hinagkan sa aking noo at sa aking mga labi. Muli niyang tinitigan ang anak namin. 

"Zsaskea Zuellen Zoldic," mahina niyang sambit. Napangiti ako ngunit agad itong napalitan ng matinding takot at pangamba. Bigla na lamang kasing may umagos na itim na dugo mula sa kanyang bibig. 

"Zsakae," sambit ko at inilapat ang aking kanang palad sa kanyang dibdib. Ganoon na lamang ang aking gulat nang may makapa akong matulis na bagay na nakausli sa kanyang dibdib. Natigilan ako at pilit na kinapa ang likurang bahagi nito. 

"Hindi!" sigaw ko. Humagulhol na ako ng matindi. Napaubo siya ulit at mas lalong dumami ang itim na dugo ang lumalabas sa kanyang bibig. Umiiling naako. 

"Zsakae, hindi!" Umiiyak na ako ng todo. Kitang-kita ko ang may kahabaang banal na punyal na nakatarak sa kanyang likuran. Habang ang dulo nito'y bahagyang nakausli sa kanyang harapan. 

"P-patawad. N-natamaan a-ako k-kanina. Hindi ko... Naiwasan."

 "Ah! Hindi! Pakiusap! Hindi!" Hinaplos niya ang aking magkabilang pisngi. 

"Mahal na mahal kita Angelika. Patawarin mo ako kung dinala kita sa ganitong sitwasyon. Patawarin mo ako mahal ko." Iyak lamang ako nang iyak. Tila'y binaon ko ang karagatan dahil sa walang ampat ang aking pagluha. Halos manlabo na rin ang aking mga paningin dahil sa kaluluha. 

"Hindi mo ako iiwan! Hindi mo kami iiwan! Pakiusap!" Muli siyang napaupo. Kinuha niya ang aking kanang kamay at sinugatan ang aking kanang palad gamit ang matulis niyang kuko. Nang umagos ang dugo ko'y itinapat niya ito sa bibig ng anak namin. Sinugatan niya rin ang kanyang kanang palad at itinapat sa bibig ng anak namin. Magkadaop ang aming mga sugatang palad habang patuloy na umaagos ang dugo niya at dugo ko sa bibig ng anak namin. 

"Isinusumpa ko. Sa harapan ng anak natin. Sa mga mata ni Luna. Ikaw at ako'y hindi paghihiwalayin ng kahit anumang dagok. Maging sa kabilang buhay, ikaw at ikaw pa rin ang iibigin ko." Matapos niyang sambitin iyon ay nilukob ng maitim na usok ang anak naming dalawa ni Zsakae. Pagkatapos noon ay biglang bumigat ang paghinga niya. Hinagkan niya ang aking mga labi. 

"H-hanggang sa muli nating pagkikita mahal ko. Angelika, ikaw ang buhay ko. Ikaw at ikaw lang." Biglang bumagsak ang ulo niya sa aking kanang balikat. Lumawag ang pagkakayakap niya sa anak namin. Natutulala ako ngunit agad itong napalitan ng aking pagpalahaw. 

"Ugh!" hiyaw ko ng malakas. 

"Hindi! Ah!" Kabig ko ang kanyang batok at niyapos ko siya ng mahigpit.

 "Bakit!?" hiyaw kong muli habang walang ampat sa pagpalahaw. Ayaw tanggapin ng aking buong sistema ang pagkawala ni Zsakae sa akin. Gusto kong pumatay! Ilabas ang aking matinding galit upang ang kalungkutan sa aking dibdib ay maibsan. Ngunit hindi ito sapat. Kulang pa rin. Narinig ko ang paghagulhol ni Kaye sa sulok. Nang bumaling siya sa akin ay mapait ko siyang nginitaan. 

"Patawarin ako ng Diyos sa gagawin kong ito," mahina kong sambit. Agad na napatayo si Kaye. 

"Mahal ko ang anak natin ngunit ang pagkawala mo'y parang isang libingan para sa akin Zsakae. Hindi ko kaya." Kinabig ko ng husto si Zsakae at idiniin sa aking katawan. 

"Patawarin mo ako Kaye, pero ito lang ang tangi kong paraan para makasama ko siya." 

"Hindi Gel! Huwag!" Bago pa man ako mapigilan ni Kaye sa gagawin ko'y mabilis kong hinawakan ang dulo ng banal na punyal at idiniin ito sa katawan ni Zsakae. Tumagos ito sa aking kanang dibdib at dumiretso sa aking likurang bahagi ang dulo nito. Napasinghap ako at agad na dumaloy ang dugo mula sa aking bibig.

 "Anong ginawa mo Gel!? Ugh!" pagwawala ni Kaye. Napaubo ako. 

"Kaye, m-mahal n-na m-mahal k-kita..." Bumaling ako kay Zsakae. 

"Hindi ka na mag-iisa mahal ko. Hinding-hindi tayo mapaghihiwalay ni Luna. Hanggang kamatayan at sa muling pagkabuhay nating dalawa. Ikaw at ikaw lang din ang iibigan ko." Lumuwag ang pagkakapit ko kay Zsakae at ang paningin ko'y nagsisimula nang lumabo. Bago ako tuluyang mawala sa mundo ay nakita ko pa na akay na ni kuya Steffano ang anak namin ni Zsakae. 

"M-mahal n-na m-mahal ka namin a-nak k-ko, Zsaskea..." 

HE'S MY KNIGHT [Zoldic Legacy Book 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon