Chapter 3

447 19 3
                                    

Chapter

3

   Nagulat si Julia sa kanyang nakita. Ang lahat ng tampo niya ay napalitan ng pagkabigla at tuwa. “Quen?”

   Tumayo si Quen sa kinauupuan. Linapitan siya ni Julia at kinapa siya mula katawan hanggang sa mukha. “Quen ikaw nga!”

   Kinuha niya ang kamay ni Julia at hinawakan. “Papayag ba naman akong hindi makita ang best friend ko?” kataga niya.

   “Nakakainis ka!” bigkas ni Julia na may tonong naaasar at natutuwa. “Ang akala ko nakalimutan mo na ko. Pano ba naman hindi ka man lang sumasagot sa mga tawag at text ko.”

   “Pwede ba naman yon? Syempre para surprise lahat diba?” sabi ni Quen.

   “Teka pano mo naman nalaman tong bahay namen?” taka ni Julia.

   “Sinabi ko. Nagtanong kasi siya sa kin anak.” singit ni Josephine na naghahain na ng hapunan.

   “Talagang nag-abala ka pa ha.” ngumingiting pagkasabi ni Julia.

   “Siyempre. Ayoko naman nung magpa-paalam lang ako sa yo ng basta basta. Tsaka isang linggo pa naman bago kayo umalis diba? Gusto ko mas memorable tsaka isang buwan naman ang sem break eh.” pahayag ni Quen.

   “Buhay probinsiya to Quen, sanay ka na ba?” tanong ni Josephine.

   “Ayos lang po ako. Basta po kasama si Julia masaya na ko.” sambit ni Quen.

   “Ikaw! Eh kung alam ko lang takot na takot kang masilayan ng araw dahil diyan sa kutis mo!” sabi ni Julia pagkatapos ay kinutor sa pisngi ang kaibigan.

   “Oh sige na kumain na tayo.” singit ni Josephine.

   Pagkatapos kumain ay natulog na silang lahat dahil alas nueve na ng gabi.

   “Oh Quen ok ka lang ba diyan sa sala? Malamok diyan ijo.” tanong ni Josephine.

   “Ayos lang po ako dito. Ako po yung gumusto nito kaya po ok lang sa kin.” sagot ni Quen.

   “Sigurado ka?” pahabol ni Josephine.

   “Opo siguradong sigurado.” diin ni Quen.

   Pumasok na si Josephine sa kwarto. “Psst good night.” bigkas ni Julia.

   “Good night Juls!” ngumingiting pagkasabi ni Quen.

   Nakita na naman ni Julia ang katauhang napanaginipan niya noong isang gabi. Nakapula pa din ito. Naririnig niya ang tawa nito. Ang karaniwang tawa na naririnig mula sa mga kalaban sa telebisyon. “Wag! Wag!” sigaw ni Julia.

   Nagising si Julia at namalayang isa na naman itong panaginip. Lumabas siya sa sala para magpahangin ngunit napagtanto niyang wala ang kanyang kaibigan na si Quen sa sala kung saan dapat ay natutulog ang kaibigan. Nakita din niyang bukas ang pinto kaya naman tumingin siya sa labas para tignan kung naroon ba ang kaibigan. Nakita niya ito sa may labas sa isang pahabang bangko na gawa sa kahoy.                

   “ Quen!” tawag niya.

   “Oh? Hindi ka pa tulog?” tanong ni Quen.

   “Hindi ako makatulog eh. Binangungot na naman ako.” samo ni Julia habang tumatabi sa kaibigan sa bangko.

   “Bangungot? Nako masama yan Julia ha.” alala ni Quen.

   “Ewan ko ba. Napanaginipan ko din yon nung isang gabi tapos ngayon ulit. Alam mo binangungot din ako dati nung namatay si Sophia eh kaya nakakapangamba.” kwento ni Julia.

Case Closed: A Recipe For DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon