Chapter
5
Alas onse na ng umaga ngunit hindi pa rin bumabangon ng kama si Julia.
“Quen, ikaw na ang bahala dito ha. Late na late na ko eh. Gusto ko ring masulit na tong huling araw ko sa restaurant.” habilin ni Josephine.
“Ahh sige po ako na ang bahala sa bahay tsaka kay Julia.” ako ni Quen.
“Kawawa naman ang anak ko. Alam ko rin ang pakiramdam na maiwan ng lalaking minamahal mo.” salaysay ni Josephine. “Sige mauna na ko ha.”
Umalis na si Josephine at pagkatapos ay naghanda na si Quen ng pagkain na ibibigay niya kay Julia. Pumasok na siya sa kwarto para iabot sa kaibigan ang mga ito.
Nakahilata pa rin si Julia, namumutla at walang imik.
Lumapit si Quen na may dalang pagkain. Linapag niya ang pagkain sa tabi ni Julia. “Juls, hindi ka pa kumakain ng agahan. Eto naghanda ako ng maraming pagkain, pagsabayin mo na yung agahan at tanghalian mo.”
Hindi sumagot si Julia. Nakahiga pa rin siya at walang imik.
“Kung kailangan mo ako, nasa labas lang ako ahh.” sambit ni Quen. May linabas siya mula sa kanyang bulsa. Ito ang kahel na laso na simbolo ng pagkakaibigan nila.
“Partners tayo diba? Nangako tayo sa isa’t isa. Wag mo namang solohin ang problema mo. Magkasama tayo dito.” banggit ni Quen.
Hindi pa rin sumagot si Julia. Lumabas na ni Quen sa kwarto at ginawa ang mga gawaing-bahay.
Umupo si Quen sa isang tabi at kinuha ang litrato nila ni Julia sa wallet niya. “Sana ako na lang ang minahal mo. Hinding hindi kita sasaktan tulad ng ginawa ni Louise sa iyo.” sabi niya.
Naisip ni Quen na ipa-alam kay Marielle ang nangyari. Tinawagan na niya ito.
“Oh Quen, what’s the catch?” tanong ni Marielle.
“Marielle, break na sila Julia at Louise.” balita ni Quen.
“What? I know that guy is up to no good!” pahayag ni Marielle.
“Eh diba alam mo na naman na may gusto ako kay Julia?” singit ni Quen.
“Yes and why? Don’t tell me you’re gonna court Julia immediately? Quen, my bet’s on you but please don’t rush things up. Parang lumalabas kasi na you’re taking her for granted.” saad ni Marielle.
“Naiintindihan ko naman yon pero pag linigawan ko si Julia sa tamang panahon, boto ka sa kin ha.” sambit ni Quen.
“Oo naman. Alam mo naman na before Julia and Louise ikaw na talaga ang gusto ko para sa kanya. I find you worthy after you saved our lives before.” sagot ni Marielle.
“Sige sige babay na.” paalam ni Quen.
“Basta wag muna ngayon Quen ha. Wag muna.” paalala ni Marielle.
Umabot ng ng alas syete pero hindi pa rin lumalabas si Julia ng kwarto. Naalala ni Quen na may lakad pa sila ni Julia kaya naman pinuntahan na niya ang kaibigan.
“Juls, magbihis ka na. May lakad pa tayo diba?” paalala ni Quen. “Buti naman at nakain mo rin yung pagkain mo.”
Hindi pa din nagsalita si Julia.
“Alam mo ok lang naman kung ayaw mo eh.” sabi ni Quen.
Bumangon si Julia mula sa pagkakahiga. “Hindi, tutuloy tayo. Ito na lang ang last favour na magagawa ko sa yo eh.” samo ni Julia. “Quen sorry pala ha.” hingi niya ng patawad.
BINABASA MO ANG
Case Closed: A Recipe For Disaster
Misteri / ThrillerJulia and Quen team up once again to investigate the murder of a famous restaurateur. Makuha kaya nila ang tamang timpla at panglasa sa misteryong ito?