Chapter 9

354 15 3
                                    

Chapter

9

   Dumating na ang araw kung saan magsisimula sila Julia at Quen sa kanilang trabaho sa Bon Appetit. Habang tumungo sila sa restorante ay pinagu-usapan pa rin nila ang krimen.

   “Pero may punto din yung isa sa kanila, pwedeng outsider ang nakapatay kay Mr. Elizalde. May backdoor naman yung restaurant at walang guard na nakabantay don.” opiniyon ni Quen.

   “Oo nga tsaka sigurado na ba talaga na sa may bintana sa harapan nabaril si Mr. Elizalde?” samo ni Julia.

   “Ewan ko eh. Hindi ko siya ma-figgure out pero para talagang may mali don. Hindi ordinaryo ang nangyari.” paliwanag ni Quen.

   “Pero kung outsider man yon, sino naman kaya yon?” samo ni Julia.

   “Suspicious para sa kin yung pagtaboy ng anak ni Mr. Elizalde kay Mr. Smith. Ilan taon silang magkaibigan, naniniwala akong hindi business ang dahilan ng pag-away nila.” salaysay ni Quen.

   “Kailangan natin silang makilala lahat, kung may kakayahan ba silang patayin si Mr. Elizalde at kung ano ang posibleng mga motibo nila.” banggit ni Julia.

   “At dapat mag-ingat tayo at walang maka-alam ng sikreto natin. Kahit na sino.” paalala ni Quen.

   Bumaba na ang dalawa sa taxi at pumasok na sa loob ng Bon Appetit. Nakita nila si Isabel Elizalde at linapitan para ipa-alam na sila ang mga bagong empleyado.

   “Uhm...mam, kami po yung mga hinire niyong empleyado kahapon. Ako po dishwasher tapos yung kaibigan ko naman pos a cashier service.” bigay-alam ni Julia.

   “Ganun ba? Sorry nakalimutan ko na ang mga bagay-bagay. Well, you can’t blame after being a widow netong mga nakaraang araw.” sabi ni Isabel.

   “Ayos lang po yon. Pwede na po ba kaming pumunta sa mga working area namin?” mahinahong tanong ni Julia.

   “Oo naman. Ikaw, pwede ka nang pumunta sa may washing area dun sa likod ng kitchen.” turo niya kay Julia. “Ikaw naman just stay here and accept the payments of the customers.” turo naman niya kay Quen.

   “Sige po thank you po.” pasalamat ni Julia.

   “Sana nga eh ma-maintain pa din naming yung mga customers namin despite of what happened.” hiling ni Isabel. “Anyway, you can proceed to your works now. Buongiorno!”

   “Grazie.” sagot ni Quen.

   Umalis na sila sa harap ni Isabel. Tinanong ni Julia kung anong mga salita ang pinagsa-sabi nila. “Ui Quen, ano ba yung pinagsa-sabi niyo don?”

   “Buongiorno means good day. Grazie means thank you.” paliwanag ni Quen.

   “Ahh! Hindi mo naman ako sinabihan. Oh sige na magtrabaho na tayo. Kilalanin natin sila lahat.” sambit ni Julia sa kaibigan.

   Naghiwalay na ng daan ang dalawa. Pumunta na si Quen sa counter samantalang si Julia naman sa washing area.

   Pagkapunta niya sa washing area ay nagulat siya. “Julia?” pagkagulat ng isang pamilyar na boses.

   Ito ay ang kanyang kaibigang si Daniel. Nakalimutan niyang dishwasher din pala ang trabaho nito.

   “Julia, anong ginagawa mo dito?” laking-gulat ni Daniel.

   Tinakpan ni Julia ang bibig ni Daniel. Inalis naman ito agad ni Daniel. “Anong ginagawa mo dito. Ang yaman yaman niyo na bakit magta-trabaho ka?”

Case Closed: A Recipe For DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon