Chapter 1

740 23 5
                                    

Chapter

1

   Nahiga na sa kama si Julia. Masayang masaya siya sa araw niya. Nagkabalikan na ang kanyang mga magulang at naayos na ang papeles nila paluwas ng New York. Nasa dormitory pa si Julia. Oktubre na noon at tapos na ang semestre. Nakatapos na si Julia ng isang taon sa East High kaya naman pwede na siyang lumipat ng paga-aral sa New York. Sem break na rin nila kaya naman wala nang pipigil pa sa nalalapit niyang pag-alis ng bansa at higit sa lahat, ang pagtupad ng pangarap niyang magkaroon ng buong pamilya. Ipinikit niya na ang kanyang mga mata pero may bumukas ng pintuan ng kwarto niya. “Sino yan?” katanungan ni Julia.

   May isang taong nakapulang kapa. Hindi niya matanaw ang mukha nito. “Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” naga-alangang tanong ni Julia.

   Lumapit lalo ang katauhan sa kanya at sinakal siya. Sinakal pa siya ng sinakal hanggang sa nahirapan na siyang huminga.

   “Tulong!” naga-agaw buhay niyang hingi ng saklolo.

   “Julia!” sigaw ng isang boses. “Julia gumising ka binabangungot ka!”

   Binuksan ni Julia ang mga mata. Ito ay isa na namang bangungot.

   “Julia, you were having nightmares.” samo ni Alexis.

   “Alexis napanaginipan ko. Nakapula siyang kapa. Yung parang suot ni Red Riding Hood tapos sinasakal niya ako.” kwento ni Julia.

   “Alam mo Julia masyado ka lang napagod sa araw na to. You should take a sleep. Hindi ata deserve ng mga ganda natin na hindi magkaroon ng beauty rest.” biro ni Alexis.

   “Ikaw talaga puro ka biro pero sige.” sabi ni Julia pagkatapos ay biglang nalungkot.

   “Oh bakit bigla kang nalungkot?” pagtataka ni Alexis.

   “Wala lang. Huling tulog ko na kasi dito sa East High eh. Bukas babalik na ko sa probinsya tapos aalis na kami papuntang New York.” saad ni Julia.

   “Wag ka na kasing umalis.” pilit ni Alexis.

   “Alam mo namang hindi pwede di ba? Ito na ang matagal kong inaasam, ang mabuo ang pamilya ko.” paliwanag ni Julia.

   “Kung sa bagay. Kung pwede nga lang pauwiin ko ang parents ko mula sa States pero alam ko namang para sa kin din yung pinaghihirapan nila don so ok lang.” sagot ni Alexis.

“Oh siya sige na mag-beauty rest na tayo.”

   “Sige sis good night.” sambit ni Julia.

   Natulog na ang dalawa. Kinabukasan ay agad na nag-impake si Julia ng mga gamit niya. Binuksan niya ang kanyang laptop at nakipag- Skype sa kapatid na si Marielle na nasa New York na simula pa noong Hunyo. Naga-aral na ito ngayon ng fashion designing.

   “Hey, where are you now?” tanong ni Marielle.

   “Nasa dorm pa ko ate. Maya maya uuwi na din ako sa probinsya then after a few days lilipad na kami diyan sa New York.” sagot ni Julia.

   “Ahh I see. Buti naman at pupunta na kayo ni mommy dito. Like I’m so bored being alone here every day. Dad is always busy at work and wala pa kaming masyadong ginagawa since ilang weeks pa lang kame sa klase.” saad ni Marielle.

   “Oo na! Excited na rin akong makita ang New York.” pahayag ni Julia.

   “By the way how’s Alexis? And where is she?” tanong ni Marielle.

   “Ahhh pagkagising ko wala na dito sa dorm eh. Ayon ayos lang naman.” sagot ni Julia.

   “That crazy girl. Kung kalian graduating na tsaka pa nag-shift. Well I couldn’t blame her since nag-shift din naman ako but different cases naman kame. I had to migrate here eh siya?” panayam ni Marielle.

Case Closed: A Recipe For DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon