Chapter 20

332 9 1
                                    

Chapter

20

   Wala nang tao sa Bon Appetit. Natira na lang doon sila Isabel, Adrian, Josephine, Quen at Daniel at pati ang mga bodyguards at ibang empleyado na ina-ayos ang lugar pagkatapos ng insidente.

   “Kayong lahat mga inutil kayo! Mga bodyguard kayo tapos pinabayaan niyo lang na maisahan kayo ng mga kriminal na yon!” reklamo ni Josephine na hinahampas at sinisisi ang mga bodyguard. “Dahil sa inyo nadakip ang anak ko!” iyak niya.

   “Josephine tama na yan, wala na rin tayong magagawa.” tigil ni Isabel.

   “So Ma, what’s your plan?” kwestyon ni Adrian.

   “I’ll give what Janet wants, it’s the only thing na makakapaglaya kay Julia.” sagot ni Isabel.

   “Are you sure about that Ma? What if she’s setting a trap? Ma, I’m worried about you.” pahayag ni Adrian.

   “Noong nagpakasal ako sa tatay mo, naging magkatali na ang buhay namin. Naging konektado na kami sa lahat ng paraan. Kahit na pilit naming paghiwalayin ang isa’t isa. Ngayong wala na siya, ako na ang sumasalo sa lahat ng problema at kasalanan na ginawa niya noong nabubuhay pa siya. I need to handle this. Hindi ko hahayaang may isang inosenteng buhay na naman ang madamay.” samo ni Isabel.

   “If that’s your decision Ma. Just remember that I’m always behind you at hindi kita pababayaan.” paalala ni Adrian.

   Lumipas na ang alas syete pero wala pa ding tawag na nanggagaling mula kila Janet.

   “Wala pa rin ho ba?” usisa ni Josephine na mamatay-matay na sa kaka-alala.

   “Wala pa Josephine. Huminahon ka. Hindi pababayaan ng Diyos si Julia.” sabi ni Isabel. “Mabuti pa kumain muna kayo. Sige kukuha lang ako ng pagkain dun sa kitchen.”

   Tahimik si Josephine at walang imik. Ganoon din naman sila Daniel at Quen. “Kamusta na po?” tanong ni Quen.

   “Obvious ba? Syempre eto. Wala akong ibang ini-isip kundi si Julia. Ni hindi ko na nga maisip kung ano nga ba ang pangalan ko eh.” salita ni Josephine.

   “Manalig po tayo. Hindi po mapapahamak si Julia. Ang mga dasal po natin, yun ang gagabay sa kanya.” samo ni Quen.

   “Hindi ko na alam Quen. Ilang beses nang nalagay sa piligro ang buhay ng anak ko nang dahil dyan sa ginagawa niyo na yan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Julia.” sabi ni Josephine.

   “Ano Janet? Harapin mo na ko!” boses ni Isabel. Agad na lumapit sila Josephine, Daniel at Quen para makinig sa mga balita.

   “Wag kang mag-alala darating din tayo dyan. Basta dalhin mo lang yung sinabi ko sa yong dalhin mo at hindi puputok ang bungo ng babaeng to.” boses ni Janet sa telepono.

   “Kailan, saan?!” bulaslas ni Isabel.

   “10 pm tonight. Puntahan mo lang ako sa mala-talahib na lugar na to.” sagot ni Janet.

   “Talahib? Janet saan yan?!” banggit ni Isabel.

   “Well that’s for you to figure out!” bara ni Janet pagkatapos ay tumawa muli sa isang mala-demonyong tono. Pagkatapos ay ibinaba na ang telepono.

   “Hello? Janet!” abot ni Isabel.

   “Ano daw pong sabi Ma’am?” tanong ni Josephine.

   “Ngayong gabi na daw ibibigay ang pera.” balita ni Isabel.    

   “Mas mabuti yon, mas maaga, mas maaga din nating maliligtas si Julia.” pahayag ni Adrian.

Case Closed: A Recipe For DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon