Chapter 4

434 21 5
                                    

Chapter

4

   Pagkatapos pakainin ang mga pato ay pumasok na muli sina Julia at Quen sa loob ng bahay upang magpahinga. Nag-desisyon si Julia na tawagan ang malapit na kaibigan na si Alexis.

   “Oh hello Julia, napatawag ka?” bati ni Alexis.

   “Ui, kamusta na diyan?” sabi ni Julia.

   “Eto, aayusin ko na lang yung clearance ko tapos baka bukas uuwi na ko sa province namin. Kayo? Kailan kayo pupuntang New York?” sagot ni Alexis.

   “Approximately one week from now siguro. May mga ina-ayos pa kasing papeles si mama.” samo ni Julia. “Ui, may ibabalita ako sa yo.”

   “Anu yon?” taka ni Alexis.

   Tumingin si Julia sa paligid at nakita si Quen na pagod na pagod at nagpapahinga pa. Lumayo ng kaunti si Julia para iwasan na marinig ni Quen ang kanilang usapan.

   “Huy, anu yon?” tanong muli ni Alexis.

   “Si Quen kasi andito.” bigay-alam ni Julia.

   “What?” laking gulat ni Alexis. “Teka, anong ginagawa niya diyan?”

   “Eh diba nga kahapon kino-contact ko tapos hindi siya sumasagot. Ayun balak pala akong sorpresahin. Nagulat na lang ako andito na siya.” pahayag ni Julia.

   “Naku naku. Hoy pinapa-alala ko lang sa yo. May boyfriend ka na.” paalala ni Alexis.

   “Ha? Ano bang sinasabi mo?” banggit ni Julia.

   “Obvious naman eh. May gusto yan si Quen sa yo.” linaw ni Alexis.

   “Ano? Ikaw talaga napaka-malisyosa mo.” sambit ni Julia.

   “Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta dapat malaman ni Louise yan. As far as I know, seloso yon. Tandaan mo, hindi lang love life niyo ni Louise ang nasubaybayan ko. Yung kanila din ni Sophia.” pahayag ni Alexis.

   “Naku. Ooh sige na sige na paubos na tong pantawag ko. Babay na.” paalam ni Julia.

   “Ok fine sis, basta tandaan mo lang yung reminder ko sa yo. Bye!” patapos na panayam ni Alexis.

   Dapat nga bang sabihin ito ni Julia kay Louise?

   Binalikan ni Julia si Quen sa loob ng bahay. “Pagod na pagod ha.” pang-asar ni Julia sa kaibigan.

   “Medyo. Pero ang saya kaya! Never pa kong nakaranas non sa buong buhay ko.” bulaslas ni Quen.

   Napaisip muli si Julia. May gusto nga kaya si Quen sa kanya? Natulala na lang siya sa kaiisip.

   “Ui Julia, may text ka.” bigay-alam ni Quen.

   Nagising si Julia sa kanyang pagkatulala. Ang nanay niya ang nag-text. Nag-iwan ito ng bilin sa kanila ni Quen.

   “Oh, sinong nag-text?” tanong ni Quen.

   “Si mama. Ui pagod ka na ba?” tanong ni Julia.

   “Hindi naman gaano bakit?” sagot ni Quen.

   “Nag-bilin kasi si Nanay eh. Pakainin din daw natin yung biik tsaka yung mga sisiw.” banggit ni Julia.

   Bumalik ang dalawa sa may bukirin at pinakain ang mga sisiw. Nakakulong ang mga sisiw sa isang basket na naka-bitin ng patiwarik.

   “Anong gagawin dito Julia?” pagtataka ni Quen. Dahil wala siyang ka-alam alam kung ano ang gagawin, inangat niya ang basket at nakawala ang lahat ng sisiw.

Case Closed: A Recipe For DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon