Chapter
15
“Nakumpronta mo na ba si Ma’am Bel tungkol sa affair nila ni Mr. Smith?” tanong ni Quen kay Julia.
“Hindi. Eh ang bait bait sa kin nung tao ayoko namang intrigahin siya.” sabat ni Julia.
“Tingin ko talaga yun ang rason kung bakit nagkagalit si Mr. Smith at Mr. Elizalde. At malaki yung naging parte nung video na nakita natin sa laptop ni Ms. Janet.” saad ni Quen.
“Pero nandun si Sir Lucas sa kwarto ni Chef Janet at pinakialaman niya yung laptop nito. Kaya hindi natin sigurado kung kanino ba talaga galing yung video.” dagdag ni Julia.
Biglang dumating si Isabel sa kubo nila kaya naman itinigil muna nila ang pagu-usap.
“Julia, ija can I ask you a favour?” sabi ni Isabel.
“Ano po yon?” tanong ni Julia.
“May kailangan kasi kaming gawin ni Adrian kaya can you call your Sir Adrian sa room niya? Sa room 207 siya.” paki-usap ni Isabel.
“Ahh sige po.” pagpayag ni Julia.
“Salamat ija, sige see you later and enjoy!” samo ni Isabel.
Tumungo na si Julia sa kwarto ni Adrian. Kumatok ito ngunit walang nagbubukas ng pinto. Nalaman ni Julia na bukas ang pintuan kaya basta na lang ito pumasok sa kwarto.
Pagkapasok niya sa kwarto ay wala pa doon si Adrian kaya naman umupo muna si Julia sa may sala. May nahulog na magazine mula sa maleta ni Adrian. Agad na pinulot ito ni Julia.
Nagulat si Julia. Playgirl ang magazine na ito. Ito ang magazine kung saan maraming hubad na lalaki. Biglang may pumasok sa kwarto, si Adrian na ito. “What are you doing here?”
Nakita ni Adrian na hawak ni Julia ang magazine kaya naman ay tumakbo ito sa labas. Sinundan ni Julia si Adrian.
Nagpunta sa may buhangin si Adrian at sumigaw pagkatapos ay umiyak. Linapitan siya ni Julia at yinakap naman ito ni Adrian.
Nag-usap sila Julia at Adrian nang masinsinan.
“So totoo po? Ba...ba...” putol na salita ni Julia.
“Yes, I am a closeted gay. Dad knew about this and forgot me as a child.” maiyak-iyak na salaysay ni Adrian.
“Kaya po ba hindi naging maganda ang relasyon niyo ni Sir Harrison?” sabi ni Julia.
“Oo. Tanggap ko naman eh. Tinakwil niya na ko ever since pinili ko ang culinary arts over law. Mas lalo na nung nalaman niya ang homosexuality ko. Pero kahit ganon mahal ko pa rin siya. Even if he doesn’t love me back anymore.” kwento ni Adrian na umi-iyak pa din. “Gusto kong magbago pero wala eh, I guess I was really born to be like this.”
“Alam na po ba to ni Ma’am Bel?” tanong ni Julia.
“Hindi pa.” sagot ni Adrian.
“Kailangan pong malaman niya. Hindi naman po habambuhay maitatago niyo yan sa kanya. May karapatan po siyang malaman bilang ina niyo.” paliwanag ni Julia.
“Thanks for enlightening me. Matagal ko nang gustong umamin pero I didn’t have the guts. Pero ngayon aamin na ko. Can you join me Julia?” paki-usap ni Adrian.
“Oo naman po.” sagot ni Julia pagkatapos ay nag-hawak kamay sila ni Adrian.
Nakita nila si Isabel na naka-upo sa isang lamesa. Umupo na din si Adrian para kumprotahin ang ina.
BINABASA MO ANG
Case Closed: A Recipe For Disaster
Mystery / ThrillerJulia and Quen team up once again to investigate the murder of a famous restaurateur. Makuha kaya nila ang tamang timpla at panglasa sa misteryong ito?