Chapter
8
Kinwento ni Julia ang kanyang panaginip sa kanyang ina at kay Quen ang kanyang panaginip.
“Anak naman, makikialam ka na naman diyan. Tignan mo nga dati muntikan ka nang mapatay nung pumatay kay Sophia.” sermon ni Josephine.
“Eh nay....” laban ni Julia ngunit may tumawag kay Josephine.
“Ok sige sige.” sagot ni Josephine sa telepono.
“Ano po yon tita?” tanong ni Quen.
“Pinapupunta ako sa restaurant. Isa ako sa mga taong natira don nung nangyari ang krimen. Magi-imbestiga daw ang mga pulis.” sabi ni Josephine.
“Nay sasama kami.” sambit ni Julia.
“Hindi na, dito na lang kayo.” pigil ni Josephine.
“Sige na nay.” pamimilit ni Julia.
“Bahala na nga kayo.” pilit na pag-sang ayon ni Josephine.
Pumunta na sa restorante ang tatlo. Walang customer ito, ang nakaupo lamang sa mga lamesa ay ang mga taong natira sa restorante noong gabing nabaril si Mr. Elizalde.
Ang mga nakaupo ay isang babaeng sinasabi ni Josephine na kapwa niya taga-hugas ng pinggan, si Josephine, si Janet, si Lucas, si Adrian, Isabel at ang nakita ni Julia na galing sa basement noong gabing yon. Napag-alaman ni Julia na ang pangalan ng lalaki ay Rupert Guevarra at janitor ito doon.
Nagtago sila Julia at Quen sa isang sulok upang marinig ang mga pinagu-usapan.
“So, nangyari ang krimen maga-alas onse ng gabi. And kayo lang ang mga taong natira sa loob ng restaurant noong mga oras na yon.” paliwanag ng NBI agent. “Let’s start things with you mam.” turo niya sa babaeng taga-hugas ng pinggan. “May I know your name?”
“Ako po si Rebecca. Nandito po ako nung binaril si Mr. Elizalde. Nandun po ako sa may hugasan ng pinggan, naga-ayos po ako ng mga plato at mga utensils kasi may mga natitira pa po don.” salaysay ng babae.
“Hmm... ikaw naman.” turo naman ng NBI agent kay Josephine.
“Nandun din po ako sa may hugasan ng plato kasi dun din po ako nagta-trabaho. Nagliligpit ako ng mga gamit ko don kasi pa-alis na ko.” sagot naman ni Josephine.
Tumungo naman ang NBI agent kay Isabel Elizalde. “Mam, ikaw ang asawa ng biktima hindi ba?”
“Oo ako nga. I was in my office when I suddenly heard the sound.” sabi ni Isabel.
“Hindi po ba kayo naglalagay ng surveillance camera?” usisa ng NBI agent.
“Hindi nagpapalagay si Harrison noon. Ilang taon na din naman siya sa business na to kaya hindi siya naglalagay.” paliwanag ni Isabel.
“Ikaw naman sir.” pumunta naman siya kay Rupert, ang janitor. “Rupert Guevarra tama ba?”
“Opo.” inosenteng sagot niya. “Nasa basement po ako non kasi andun po yung opisina ko. Umakyat po ako mula sa basement noong narinig ko yung putok.” salaysay niya.
“Ikaw naman sir.” tumungo naman siya kay Lucas.
“Papalabas na talaga ako ng restaurant pero nung marinig ko ang putok, nagging hysterical ako at nag-panic palabas at umalis na.” pahayag ni Lucas.
Sinusulat ng NBI agent ang lahat ng impormasyon. Sunod naman niyang tinanong si Janet.
“I was outside seeking for my dog. Tapos pumasok na lang ulit ako nung narinig ko yung putok.” kwento ni Janet.
BINABASA MO ANG
Case Closed: A Recipe For Disaster
Mystery / ThrillerJulia and Quen team up once again to investigate the murder of a famous restaurateur. Makuha kaya nila ang tamang timpla at panglasa sa misteryong ito?