Chapter 19

266 13 6
                                    

Chapter

19

   Marami nang tao sa restorante. Ito ay ang mga malalapit na kaibigan ng mga Elizalde. Bukas ang restorante sa lahat kaya naman lahat ng tao ay pwedeng maki-kain. Abalang-abala ang mga empleyado sa paga-ayos at paga-asikaso.

   Samantala, si Josephine ay nasa isang tabi lang at hindi kumakain. Tila ay hindi siya mapakali. Nag-desisyon si Daniel na lapitan siya.

   “Oh Tita, bat mo hindi kayo kumakain?” kwestyon ni Daniel.

   “Sige lang, nahihiya pa ako eh.” samo ni Josephine.

   “Ok lang po yan Tita, wag na po kayong mahiya. Open naman po to eh, lahat invited.” pilit ni Daniel.

   “Hindi din kasi ako mapakali Daniel eh. Hinihintay ko pa din si Julia.” pag-amin ni Josephine.

   “Sige po Tita, basta pag may kailangan po kayo tawagin niyo lang ako ahh.” sabi ni Daniel.

   “Sige sige Daniel. Salamat!” pasasalamat ni Josephine.

   Umalis na si Daniel at nagpatuloy sa pagtatrabaho.

   Sa kabilang banda, nasa basement pa din si Quen at hinihila ang salamin na nakita niya. Tila ay handa na siyang sabihin ang katotohanan lalo na ngayong madaming taong makaka-alam.

   “Ahhhh! Kailangan kong mahila to pataas.” sambit ni Quen na hirap na hirap na.

***

   Samantala, si Julia ay nakasakay sa taxi na patungo sa Bon Appetit.

   “Manong, pakibilisan naman po.” reklamo ni Julia sa taxi driver. “Kailangan kong maka-abot don bago sabihin ni Mam Bel na isasara na niya ang Bon Appetit.” bulong ni Julia sa kanyang isip.

   Pagkarating ni Julia sa Bon Appetit ay bumaba agad siya at inabot ang bayad sa driver. “Salamat po.” tugon niya. Tumakbo agad siya sa loob ng restorante.

   Nasa stage sila Isabel, Janet at Adrian. Si Rupert naman ay nasa likod para mag-asikaso at maglinis.

   “Ma, do you think it’s time? For you to tell everyone na isasara mo na nang tuluyan ang Bon Appetit?” tanong ni Adrian sa ina.

   “I think it’s time.”bigkas ni Isabel.

   Tumayo na si Isabel at pumunta sa gitna. Nag-umpisa na siyang mag-salita. “Uhm. May I get everyone’s attention?”

   Napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa at nag-umpisa nang makinig kay Isabel.

   Sinimulan na ni Isabela ng speech niya.”For the past few decades, malugod niyong tinanggap ang aming restorante at minahal ang mga kakaibang recipes nito. Pero ngayon, this is....” sasabihin na sana ni Isabel ang salitang ‘The End’ ngunit pinigil ito ng isang sigaw.

   “Walang magtatapos at walang magsasara!” sigaw ni Julia.

   Nagulat sila Daniel at Josephine sa kanyang pagdating. “Julia anak!” sigaw ng ina neto.

   “Walang kikilos! Dahil nandito lang sa loob ng lugar na to ang tunay na salarin. Ang tunay na killer ni Mr. Elizalde. Ang Red Riding Hood!” bulgar ni Julia.

   Nagulat ang lahat at naintriga.

   “Te..te-teka. Hindi ba umamin na si Lucas na siya ang pumatay kay Daddy?” diin ni Adrian.

   “Ang alam niya din po siya ang nakapatay. Ang alam nating lahat siya ang nakapatay. Pero hindi. Sabay na nagpaputok si Lucas at ang tunay na killer.” pahayag ni Julia.

Case Closed: A Recipe For DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon