Epilogue
10 years later
“Julia wake up wake up!” alog ni Marielle sa kanyang kapatid. “Julia, kung di ka pa tatayo dyan at kikilos you’re gonna be late for your flight.” alarma nito.
Limang minuto pa ang ginugol ni Julia para mawala ang hilo niya tsaka na siya kumain. “Oh finally!” bigkas ni Marielle.
“Oh Ate, bat mas nauna ka pang magbihis. Parang ikaw ang aalis ahh.” tukso ni Julia.
“Kung di ka ba naman babagal-bagal sa pagkilos.” sabat ni Marielle. “Sige na kumain ka na diyan.”
Nakatanggap si Julia ng tawag at agad na sinagot ito. “Oh hello Chesca what’s the call for?”
“Atty. Quesada, Mr. DiLaurentis is asking if you would accept the case regarding the murder of his daughter.” tanong ng boses sa cellphone ni Julia.
“Chesca I’ve told you I won’t be accepting any cases for the next two months because I will be having a vacation in the Philippines. Just recommend him to Atty. Woodsen.” sabi ni Julia.
“Ok attorney thank you.” pasalamat ng boses sa cellphone.
“Hay naku Ate mami-miss ko din tong trabaho ko no. Two months ko ding di magagawa to.” daing ni Julia.
“Kung makapag-reklamo ka naman parang magre-resign ka na. Buti ka nga makakapag-bakasyon sa Pilipinas eh. Oh how I miss the Philippines. Pero I still have to handle my clients and finish their wedding gowns.” reklamo ni Marielle.
“Sa bagay. Excited na kong makita yung Pilipinas. 10 years na kong di nakakapunta don imagine that! After 10 years makikita ko na sila Alexis, Pinky, Sam....” samo ni Julia.
“Si Quen.” tuloy ni Marielle.
Tumahimik si Julia at hindi na nagsalita. “Sige maliligo na ko. Baka ma-late pa ko sa flight.”
Habang naliligo, nagpapatugtog pa si Julia. Pinapatugtog niya ang kantang ‘New York, New York’ at damang-dama pa ang mga liriko nito. “Start spreading the news, they're leaving today.” kanta ni Julia. Agad na siyang nagbihis at umalis na silang dalawang magkapatid papuntang airport.
“Pano ba yan sis, hanggang dito na lang. See you in two months. I’ll miss you! Mag-isa na tuloy ako dito.” sabi ni Marielle.
“Babalik naman dito si Daddy sa isang buwan eh. Pero mami-miss din kita.” inarte ni Julia pagkatapos ay yinakap ang kapatid.
“Eto lang payo ko. Jusko naman sis, ilang years ka nang walang boyfriend.” pang-asar ni Marielle.
Sasagot sana si Julia pero hinarangan kaagad siya ng kapatid. “I know the exact reason why. Just one thing, pag nakita mo ulit siya.... wag mo na siyang papakawalan.”
Tinawag na ang eroplano nila Julia. “Oh siya sige bye na. Tandaan mo lang yung mga sinabi ko ha. Bye!” paalam ni Marielle.
Pasakay pa lang si Julia sa eroplano nang nakatanggap siya ng tawag sa nanay niya. “Oh Nay, bakit?” taka ni Julia.
“Oh nak nasan ka na?” tanong ni Josephine.
“Pasakay na po ako ng eroplano. Hinatid po ako ni Ate.” sagot ni Julia. “Ok na po ba yung bahay?”
“Well buo na siya, wala pa nga lang gaanong furniture tsaka hindi pa handa for occupancy. May onting problema pa kasi. Kaya sa hotel na lang tayo matutulog.” saad ni Josephine.
BINABASA MO ANG
Case Closed: A Recipe For Disaster
Misteri / ThrillerJulia and Quen team up once again to investigate the murder of a famous restaurateur. Makuha kaya nila ang tamang timpla at panglasa sa misteryong ito?