Chapter 10

318 14 5
                                    

Chapter

10

   Nagising si Julia at naabutan ang sarili niyang nakahiga sa isang kama sa isang kwartong tahimik. Bumungad sa kanya ang boses ng kanyang ina na pinapagalitan si Quen.

   “Sinasasabi ko na sa inyo, walang magandang maidudulot yang ginagawa niyo!” sermon ni Josephine.

   “Nasa....nasan ako?” hinang-hinang pahayag ni Julia.

   Napatingin si Daniel at nakita nang gising na ang kaibigan. “Julia!” sigaw niya. Linapitan niya ang kaibigan at kinuha ang kamay nito. “Julia ok na ba? Ano may masakit pa ba sa yo?”

   Tumakbo si Quen papunta sa kaibigan at tinulak si Daniel. Inagawa niya ang kamay ni Julia mula kay Daniel.

   “Julia. Gising ka na. Juls wag kang mag-alala hindi na ko galit sa yo. Yung nangyari kanina wala na yon Juls. Ano ok ka na ba?” hikahos ni Quen.

   “O...ok na ko.” samo ni Julia. “Nasan ba ko?”

   “Nasa ospital Julia. Na-food poison ka kanina.” bigay-alam ni Daniel.

   “Contaminated yung tubig ng Bon Appetit. Sa ting tatlo, ikaw lang yung uminom ng tubig nila kanina.” patuloy ni Quen.

   “Hoy Julia, ipapa-move ko ulit yung flight natin. Aalis na tayo sa isang araw at itigil niyo na yang kahibangan niyo.” galit na galit na pahayag ni Josephine.

   “Magsasayang na naman kayo ng pera. Hayaan niyo na kami ma. Sige na dalawang linggo nga lang yung binigay naming palugid sa inyo eh.” laban ni Julia.

   “Huli na to Julia ha. Sa oras na mapahamak ka ulit hindi na ko magda-dalawang isip na kaladkarin ka papuntang New York.” banta ni Josephine.

   “Teka, anong nangyari bakit contaminated yung tubig?” tanong ni Julia.

   “Hindi din alam eh.” sagot ni Quen.

   “What if sabotage ang nangyari?” usisa ni Daniel.

   “Sabotage?” pagtataka ni Julia.

   “Na may nag-sadyang lasunin ang tubig ng Bon Appetit.” sabi ni Daniel.

   “Pero sino naman?” bigkas ni Julia.

   Namataan ni Daniel na may taong papasok sa kwarto nila. Tinginan niya ito at nalamang ito si Isabel Elizalde.

   “Parating si Ms. Isabel.” bigay-alam ni Daniel.

   “Nay magtago ka. Hindi dapat malaman ni Ms. Bel na ikaw ang nanay ko.” utos ni Julia.

   Tumakbo si Josephine sa C.R. upang magtago. Pumasok si Isabel sa kwarto nila Julia.

   “You’re one of my employees right?” salita ni Isabel.

   “Opo.” sagot ni Julia.

   “Sorry for the inconvenience. May contaminant kasi yung tubig namin. Pati ibang customers na-food poison din pero don’t worry kasi sagot naman naming yung hospital bills niyo.” sabi ni Isabel.

   “Ok na po ako Ms. Isabel.” samo ni Julia.

   “Hindi ko nga alam eh. After my husband’s death ito naman yung nangyari. Sunod sunod yung mga kamalasan. I fear na mabawasan ang customers namin.” pahayag ni Isabel.

   “Sikat na po ang Bon Appetit. Sigurado naman po akong mas malaki yung pangalan ng restaurant niyo kesa sa mga trahedyang nangyayari ngayon.” bigay-ginhawa ni Julia.

   “Salamat ija, sige maiwan ko na kayo ha.” paalam ni Isabel.

   Natulog muli si Julia at nagising pagkatapos ng ilang oras. Alas gis na ng gabi at nakita ni Julia na tulog sila Daniel at Quen sa may sala samantalang tulog din ang kanyang ina at nakaupo sa isang upuan.

   Nagising ang kanyang ina at si Quen. “Juls, gising ka na pala.” puna ni Quen.

   “Quen, mauna na kaya kayo ni Daniel. Ako na lang ang maiiwan dito.” mungkahi ni Josephine.

   “Ganito na lang po, kayo na lang yung umuwi sa bahay para magbantay don tas kami na lang po mai-iwan dito.” sambit ni Quen.  

   “Sigurado ka ha? Sige wala kasing magbabantay ng bahay ngayong gabi. Babalik naman ako ng maaga bukas. Julia anak, magpagaling ka ha.” paalala ni Josephine.

   Pagka-alis ni Josephine ay kinuha ni Quen ang upuan at hinilia ito sa tabi ni Julia.

   “Nasayang naman ang isang araw natin Quen. Dalawang linggo nga lang ang hiningi nating palugid tapos ganito pa.” panghihinayang ni Julia.

   “Ano ka ba. Wag mo nang isipin yon, ang importante ligtas ka. Alam ko namang malulutas kagad natin to basta’t magkasama tayo.” sambit ni Quen. “Hindi ka pa pala kumakain ng hapunan. Eto may isda at gulay dito. Gusto mo subuhan kita?” aya ni Quen.

   “Sige. Pero wala bang gatas?” tanong ni Julia.

   “Gusto mo ba? Sige ikukuha kita. Antay ka lang ha.” ako ni Quen.

   Lumabas si Quen ng kwarto at pumunta ng cafeteria at naabutang mahaba ang pila. “Naku mahaba ang pila. Kawawa naman si Julia.” dismaya niya.

   Pagkatapos bumili ng gatas ay bumalik na si Quen sa kwarto ni Julia. Nadurog ang kanyang puso nang Makita niyang si Daniel na ang nagsusubo kay Julia.

   “Anong gusto mo? Airplane style?” biro ni Daniel na linalaro ang kutsara bago isubo ang bibig ni Julia.

   “Oh Quen, andyan ka na pala.” pansin ni Julia.

   “Oo. At parang nakaka-istorbo ako.” tampo ni Quen.

   “Ui ano ka ba. Gutom na gutom na kasi ako eh ang tagal mo kaya ayun nagpasubo na ko kay Daniel. Eh hinang-hina na kasi ako eh.” paumanhin ni Julia.

   “Halata nga eh. Nakakahiya naman sa sweetness niyong dalawa.” patuloy ni Quen.

   “Alam mo kung nagse-selos ka lang, pwede mo namang sabihin eh. Ang sa kin lang, gusto kong tulungan ang kaibigan ko. Ngayon kung gusto mong ikaw ang magsubo kay Julia, sabihin mo lang hahayaan naman kita eh.” pahayag ni Daniel.

   “Quen, wag ka nang magtampo.” paki-usap ni Julia. “Kakabati nga lang natin tapos magagalit ka na naman.”

   “Ano? I’m already giving you the option. Take it or leave it?” tanong ni Daniel.

   “Syempre take it!” pili ni Quen. “Akin na yan.” inagaw niya mula kay Daniel ang kutsara at plato.

   Tumayo na si Daniel habang umupo na si Quen sa tabi ni Julia.

   “Kakagat din pala dami pang reklamo.” bulong ni Daniel.

   “May sinasabi ka ba?” samo ni Quen na tila narinig ang sinabi ni Daniel.

   “Wala!” tanggi ni Daniel pagkatapos ay humiga na muli sa sala.

   Sa sobrang pagod ay nakatulog na muli sila Quen at Daniel. Hindi makatulog si Julia kaya naman naghanap siya ng mababasa.

   Inabot niya ang magazine rack at kumuha ng magazine. Pagkakuha niya ay may napasamang libro.

   “Little Red Riding Hood.”  bigkas ni Julia. Tila bumalik ang bangungot niya. Ito ang tauhang laging sumasakal sa kanya at pinapatay siya sa kanyang mga panaginip.

   Pinikit ni Julia ang kanyang mata. Di nagtagal ay dinilat niya ito muli. Hinanap niya ang kanyang mga kaibigan. “Quen! Daniel!” tawag niya.

   Tumingin siya sa sala at nakita ang mga kaibigan niyang duguan at may saksak sa kanilang mga dibdib. “Quen, Daniel!” takot na takot na bulaslas ni Julia.

   Pagkatingin niya sa kanyang kaliwa ay nagpakita muli ang taong nakapula. May hawak itong kutsilyo na punong-puno ng dugo. Wala nang nagawa si Julia kundi sumigaw. “Ahhhhh!”

   Sumigaw siya hanggang nagising siya at namalayang panaginip na naman ang lahat.

Case Closed: A Recipe For DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon