Chapter
13
Umalis na sila Julia sa party at dahil malapit lang naman ang bahay ni Mr. Smith mula sa Plaza ay tinakbo na lang nila ito.
“Teka lang, teka lang!” hinto ni Daniel. Tila hindi pa ok si Julia kaya minabuti niyang ipagpahinga muna ito. “Julia, ok ka na ba?”
Tumigil si Julia. “Alam mo namang may trauma ako sa mga ahas diba? Eh pero ayos na ko, mas importante tong ngayon.” sagot ni Julia.
“Hindi, pwede namang kami na lang eh. Wag mo nang pilitin ang sarili mo Julia.” mungkahi ni Quen.
“Ok na ko. Hali na kayo.” aya ni Julia.
Sabay na kinuha ni Daniel at Quen ang mga kamay ni Julia pagkatapos ay nagtinginan ng masama sa isa’t isa. Napika si Julia at agad na kinuha ang mga kamay niya.
“Ayan na naman maga-away na naman kayo eh.” Reklamo niya pagkatapos ay kinuha ang mga kamay ni Quen at Daniel at pinahawak ito sa isa’t isa. “Oh ayan, kayo mag-holding hands.” pagta-taray niya.
Inalis kaagad nila Quen ang mga kamay nila mula sa isa’t isa at nagbigayan ng mga wirdong tingin. “Julia!” habol nila.
Kitang kita na nila ang mga apoy kahit sa malayuan pa lang kaya naman binilisan na nila upang maabutan ito.
Pagkarating nila sa bahay ay may mga bumbero na dito, ambulansya at mga pulis. Nagtaka sila dito at tinanong ang isang babae.
“Ano pong nangyari at bakit may pulis at ambulansya na?” usisa ni Quen.
“May sumunog daw kasi sa bahay at hindi lang basta basta aksidente. Kaya naman ini-imbestigahan na ng mga pulis.” balita ng babae.
“Eh bakit po may ambulansya?” tanong ni Daniel.
“Pagkarating ng mga bumbero huli na ang lahat, wala nang buhay si Mr. David.” samo ng babae.
Nagulat silang tatlo at pinagmasdan ang bahay ni David Smith. Malaki na ang apoy at ginagawa ng mga bumbero lahat para mawala na ito.
May nakita si Julia na lalaki at tila pamilyar ito. “Quen...”
“Oh bakit?” taka ni Quen.
“Diba yun si...” sinusubukang alalahanin ni Julia ang panglan.
“Sir William Aragon!” sigaw ni Quen.
Napatingin si William at linapitan sila. “Anong ginagawa niyo dito?” laking-gulat niya.
“Kami po ang dapat magtanong, ano pong ginagawa niyo dito?” sabi ni Quen.
“Since you’re not new to me already, sige sumama na kayo sa office ko.” alok ni William.
“Talaga po?” galak nila Julia at Quen.
“Oo naman, hali kayo, my drive.” panguna ni William.
Sumabay na silang tatlo kay William sa NBI office at nakibalita sa mga bagay-bagay.
Pagkarating nila sa opisina ni William ay umupo sila dito. “So, ano nga pong ginagawa niyo dito?” tanong ni Quen.
“Dito na kasi ako na-assign. Hindi ko alam na taga-dito lang pala kayo.” sambit ni William.
“Si Julia lang po. Nakibakasyon lang po ako sa kanila.” paglilinaw ni Quen.
“I see you have a new friend here.” puna ni William kay Daniel.
BINABASA MO ANG
Case Closed: A Recipe For Disaster
Misterio / SuspensoJulia and Quen team up once again to investigate the murder of a famous restaurateur. Makuha kaya nila ang tamang timpla at panglasa sa misteryong ito?