Chapter 12

315 16 2
                                    

Chapter

12

   Nakauwi na sila Julia at Quen sa kanilang bahay, hinatid sila ni Daniel.

   “Ui Daniel, ok lang ba sa yong umuwi mag-isa o ihatid ka namin?” ako ni Julia.

   “Hindi sige ok na ko.” sagot ni Daniel.

   Papasok na sana sila Julia at Quen sa loob ng bahay pero may naalala si Daniel sa sasabihin niya kay Julia.

   “Julia, may nakalimutan pala akong sabihin sa yo.” pagkakatanda ni Daniel.

   “Ano yon?” tanong ni Julia.

   “May reunion pala yung batch natin bukas ng gabi. Parang Halloween party yung theme.” sabi ni Daniel.

   “Ganun ba? Naku magpapaalam muna ako kay Nanay.” samo ni Julia. “At tsaka wala naman akong costume kung Halloween party yun.”

   “Halloween party eh diba second week pa lang ng October? Antagal pa ng November 1.” singit ni Quen.

   “Tema lang naman at tsaka malapit-lapit na din naman.” sabat ni Daniel.

   “Oh siya sige, magpapa-alam muna ako. Gusto ko na din makita yung ibang batchmates natin.” sambit ni Julia pagkatapos ay nagbigay ng isang matamis na ngiti.

   Pumasok na sila Julia at Quen sa bahay samantalang umuwi na sa kanyang sariling tahanan si Daniel.

    Agad na nakita ni Julia ang kanyang ina.

   “Oh kamusta ang araw? May nalaman ba kayong bago?” panguna ni Josephine.

   “Meron po. Marami! Kaso gusto naming malaman lahat ng unti-unti bago kami mag-form ng conclusion.” bigay-alam ni Quen.

   “Mabuti naman. Sana sa loob ng dalawang linggo malutas niyo yan.” hiling ni Josephine.

   “Onga pala nay, si Daniel sabi sa kin may batch reunion daw kami bukas ng gabi.” paalam ni Julia.

   “Bukas agad? Bakit parang biglaan naman.” laking-gulat ni Josephine.

   “Eh ngayon lang ata nalaman ni Daniel. Sige na nay, gusto ko ring makita yung mga ka-batch ko.” pilit ni Julia.

   “Oh sige na, sige na. May tiwala naman ako kay Daniel sigurado naman akong iingatan ka non.” sang-ayon ni Josephine.

   “Salamat nay!” pasalamat ni Julia.

***

   Kinabukasan ay maagang pumasok sila Julia at Quen sa Bon Appetit. Nagalak sila dahil medyo madami nang tao sa restorante kaysa noong nakaraang araw na onti lang talaga ang naging customers nila.

   Bago sila makapasok sa washing room ay tinawag ang pansin nila ni Isabel.

   “Julia!” tawag ni Isabel. “Tama ba?”

   “Opo. Bakit po?” pagtataka ni Julia.

   “Wala naman. Thank you don sa C.D. na binigay mo ha. Although it’s creepy pero at least ngayon aware na kami na someone is really sabotaging our restaurant.” sabi ni Isabel.

   “May lead na po ba kayo?” tanong ni Quen.

   “Wala pa pero isinubmit ko na siya sa NBI agent na nagi-imbestiga din ng murder ni Harrison.” pahayag ni Isabel.

   “Tingin niyo po ba yung si Red Riding Hood ang pumatay din kay Sir Harrison?” samo ni Julia.

   “Maaaring oo. Maaaring hindi. Tsaka pa natin malalaman ang mga kasagutan.” bigkas ni Isabel.

Case Closed: A Recipe For DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon