Chapter
7
Nanatili ng ilang sandal sila Julia at Quen sa pinangyarihan ng krimen.
“Anak hindi pa ba tayo mauuna? Hayaan na natin ang mga pulis diyan.” sabi ni Josephine.
“Hindi nay, mauna ka na. Tapos kami ni Quen dito lang muna.” sagot ni Julia.
“Eh ano ba kasing gagawin niyo dito? Ayan ka na naman ha. Makikialam ka na naman.” sabat ni Josephine.
“Ok lang po kami dito tita. Sabay po kaming uuwi.” pangako ni Quen.
“Sige mauuna na ko ha. Pagod na pagod na ko eh.” hango ni Josephine.
Umalis na si Josephine sa restorante. Pupunta sana sila Quen at Julia sa loob ng opisina ni Mr. Elizalde ngunit hinarang sila ng isang NBI agent.
“Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa pinangyarihan ng krimen.” harang ng lalaki.
“Pero boss, titignan lang naman naming yung nangyari eh.” argumento ni Quen.
“Hindi niyo trabaho to. At isa pa, mukhang mga minor pa lang kayo. Wag na lang kayong maki-alam dito.” laban ng NBI agent.
Lumabas ang isa pang NBI agent at ibinalita ang mga nakuhang report.
“Nabaril si Mr. Elizalde malapit sa kanyang puso. Tumagos ang bala kaya wala na ito sa kanyang katawan. Nanggaling ang bala sa may bintanang katabi ng pintuan, at lumabas naman ang bala sa may bintana sa likod ng lamesa ng biktima.” balita niya.
“Boss, wala bang nakakitang tao sa buong restoarante?” singit ni Quen.
Tinapik siya ni Julia para sitahin ang kanyang pangingialam. “Quen ano ba, ba’t ka sumabat?”
“Walang tao na nakakita. Onti na lang ang natitira dahil closing hour na din. Ang mga natitira naman ay hindi ito nakita. Mukhang pinaghandaan ito ng may-sala, hinintay niya talagang walang taong maka-saksi.” saad ng NBI agent. “Teka bakit ka nagtatanong? At kayong dalawa, ano’ng ginagawa niyo dito? Umuwi na kayo!”
“Quen, tara na.” panguna ni Julia.
Sinilip ni Quen ang bintana sa tabi ng pintuan. Ang mga bubog ay nasa loob, ibig sabihin na doon nga talaga nanggaling ang bala.
Napuna din niya na naka-porma ng isang diretsong linya ang mga bubog. Doon siya nagtaka.
Pagkalabas nila ng restorante ay pumunta si Quen sa likuran, sinundan siya ni Julia.
“Quen, ano ba. Hanggang ngayon ini-isip mo pa rin yung paru-paro.” reklamo ni Julia.
“Hindi yon.” angal ni Quen.
Tinignan niya ang bintana sa likod ng lamesa ni Mr. Elizalde. May basag nga din doon.
“So, tumagos nga ang bala.” kumpirma ni Quen.
Tumingin siya sa mga palumpong. “Pero asan ang bala?”
“Baka kinuha ng killer?” sagot ni Julia.
“Isa pa, bakit walang bubog dito.” tumingin si Quen sa loob ng bintana at nakitang nasa loob ang bubog. “Kung lumabas yung bala, sana nasa labas ang bubog pero bakit nasa loob pa rin? San ba talaga nanggaling yung bala?”
“Baka inalis din nung killer? Teka Quen, ano’ng nangyari dun sa sinundan mong lalaki?” tanong ni Julia.
“Ayun, nagpa-panic tapos sumakay ng kotse niya na nerbyos na nerbyos.” salaysay ni Quen.
BINABASA MO ANG
Case Closed: A Recipe For Disaster
Misterio / SuspensoJulia and Quen team up once again to investigate the murder of a famous restaurateur. Makuha kaya nila ang tamang timpla at panglasa sa misteryong ito?