Chapter
17
Pagkatapos mabalitaan ang tungkol sa nakakagulat na pag-amin ni Lucas ay agad na nagpunta sa Bon Appetit sila Julia at Quen. Pagkarating nila doon ay marami nang mga tao sa labas ng restorante at may mga pulis at newscaster na din.
“Kasalukuyan po tayong nandito sa harap ng main branch ng sikat ng restoranteng Bon Appetit. At makikita po natin dito ang pag-aresto sa kanang-kamay at isa na din sa mga sikat na chef dito sa Bon Appetit, si Lucas Celerez. Mismong si Chef Lucas na din ang umamin sa ginawa niyang pagpatay kay Mr. Elizalde. Sinabi niyang hindi naman daw niya sinasadyang matamaan si Mr. Elizalde ng bala.” balita ng isang newscaster.
Lumabas na mula sa loob ng restorante si Lucas na naka-posas na at armado ng dalawang pulis. Linapitan ng newscaster si Lucas para maka-usap ito ngunit tumanggi ito na makipag-interview.
Nasa pintuan ng restorante sila Janet at Isabel. Kitang-kita kay Isabel ang lungkot at pagka-dismaya.
“That man, umamin na lang tas ngayon nahihiya pa siyang makipag-interview. Hindi talaga nagi-isip!” daing ni Janet.
“Janet, papasok lang ako sa loob ng office. Ikaw na muna ang bahala dito.” paalam ni Isabel.
Hinanap nila Julia at Quen si Daniel at natagpuan naman ito kaagad. “Daniel, ano bang nangyari?” usisa ni Julia.
“Pumunta daw si Chef Lucas sa opisina ni Mam Bel at umi-iyak tapos ayon umamin na siya sa ginawa niya. Pinatay niya daw si Mr. Elizalde nang hindi sinasadya.” bigay-alam ni Daniel.
“San niya daw binaril si Mr. Elizalde? Sa may bintana sa tabi ng pintuan o sa may bintana sa likod?” kwestyon ni Quen.
“Quen alam mo sa tingin ko kailangan nating kausapin mismo si Sir Lucas. Tingin ko dun lang natin makukuha lahat ng kasagutan na hinihingi natin.” mungkahi ni Julia.
“Sige.” pagpayag ni Quen. Napag-desisyonan ng dalawa na umuwi na lamang at palamigin na muna ang mga pangyayari at kinabukasan na lang kausapin si Lucas.
***
Kinabukasan, nagising si Julia at namalayang wala ang kaibigang si Quen. “Oh nay, asan si Quen?” pagtataka nito.
“Ahhh... may pupuntahan lang daw.” tugon ni Josephine. “Kumain ka na muna.”
Kumain na si Julia at naligo at nagbihis na. Hinintay niya ng saglit si Quen. Linapitan siya ng ina. “Handa ka na ba? Apat na araw na lang aalis na tayo.”
“Oo. Matagal ko na namang hinanda ang sarili ko eh. Matagal ko na ding hinintay to. Sa wakas Nay, mabubuo na din natin ang pamilya natin.” sabi ni Julia.
Bago pa nila ipagpatuloy ang kanilang drama, may tumunog na ‘beep’ ng kotse sa labas ng kanilang bahay. “Sino yon?” pagtataka nila.
Lumabas sila ng bahay at nakitang may kotse doon. Lumabas mula sa kotse si Quen. “Quen?!” laking-gulat ni Julia. “Iyo yan?”
“Hindi. Pero gumawa ako ng paraan. Diba sabi mo gusto mo ako ang magturo sa yo na mag-drive? Halika tuturuan kita kahit basics lang.” bungad ni Quen.
Sumakay si Julia sa kotse at tinuruan siya ni Quen ng basics sa pagda-drive. “Oh ayan sige ilagay mo yang kamay mo sa manibela tapos yung paa mo naman sa may preno.” turo nito.
“Naku Quen, kaya ko ba to?” natatawang bulaslas ni Julia na may onting kabang nararamdaman.
Di nagtagal ay sumuko na din si Julia pero nagpasalamat pa din siya dahil kahit papaano ay natuto din siyang mag-maneho.
BINABASA MO ANG
Case Closed: A Recipe For Disaster
Gizem / GerilimJulia and Quen team up once again to investigate the murder of a famous restaurateur. Makuha kaya nila ang tamang timpla at panglasa sa misteryong ito?