Chapter
6
“Daniel?” laking-gulat ni Julia. Hinawakan niya ang mukha ng binata.
Nagbigay ang binata ng misteryosong tingin. “Ano bang ginagawa mo sa mukha ko?” tanong ni Daniel.
“Tinitignan ko kung ikaw ba talaga yan.” paglilinaw ni Julia.
“Oo naman no. Ako pa rin to. Ang dating gwapo na hanggang ngayon gwapo pa rin.” biro ni Daniel.
“Ayon! Yan tayo eh. Taas pa din ng confidence level mo eh no.” sambit ni Julia.
“Oh teka bumalik ka na pala. Balita ko sa mamahaling university ka naga-aral ha.” pansin ni Daniel.
“Eh pinapa-aral lang naman ako ni Ninang eh. Ikaw? Wala na kong balita sa yo simula nung grumaduate tayo ng High School.” samo ni Julia.
“Eh yon, nag-aral ako sa Maynila kaso....” putol na salita ni Daniel.
“Kaso ano?” pagtataka ni Julia.
“Namatay si papa tapos si mama may sakit. Kaya eto, ako ang nagta-trabaho para sa pamilya. Tumigil na muna ako sa paga-aral.” salaysay ni Daniel.
“Naku sorry ahh.” hingi ng tawad ni Julia.
“Wala ka namang kasalanan eh.” sabi ni Daniel.
“Wait, so dito ka nagta-trabaho?” tanong ni Julia.
“Oo, dishwasher din. Magkasama kami ng mama mo.” sagot ni Daniel.
“Ganun ba. Wala kasing nake-kweto sa kin si mama.” banggit ni Julia.
“Pupunta na nga daw kayo ng New York eh.” malungkot na pagkakasabi ni Daniel.
“Oo. Nandun kasi yung tatay tsaka kapatid ko.” paliwanag ni Julia.
“Nakakalungkot naman. Ngayon na nga lang tayo nagkita tapos magkakahiwalay tayo kagad. Pero masaya ako para sa yo kasi matutupad na ang pangarap mo na magkaroon ng isang buong pamilya.” salaysay ni Daniel. “Pero walang limutan ha.”
“Oo naman no! Pano ba naman kita makakalimutan eh tayo naman talaga yung original na partners no!” sabi ni Julia.
Ngumiti si Daniel. “Narinig mo ba yung pinapatugtog kanina?”
“Collide? Eh diba theme song natin yon?” samo ni Julia.
“Oo nga eh. Siguro destiny na yon na pinatugtog yon tapos nagkita tayo.” isip ni Daniel.
“Loko loko ka talaga!” asar ni Julia sa kaibigan.
Habang natutuwa ang dalawa sa kanilang kulitan ay biglang sumulpot si Quen.
“Julia, ang tagal mo namang mag-C.R. andun na yung pagkain natin.” reklamo ni Quen. Napatigil ito nang makita niyang may kausap si Julia.
“Oh Quen, siya nga pala kaibigan ko, si Daniel Manansala.” pakilala ni Julia kay Daniel.
“Boyfriend mo?” tanong ni Daniel.
“Hindi, kaibigan ko lang. Kakain kasi kami dito.” sagot ni Julia.
“Ahh mukhang kakain kayo. Sige babalik na ko sa trabaho, kita na lang ulit tayo mamaya.” paalam ni Daniel.
Nawala na sa paningin nila si Daniel habang si Quen naman ay may pungay ng pages-selos sa mata. “Oh nag-C.R. ka na ba?”
BINABASA MO ANG
Case Closed: A Recipe For Disaster
Mystery / ThrillerJulia and Quen team up once again to investigate the murder of a famous restaurateur. Makuha kaya nila ang tamang timpla at panglasa sa misteryong ito?