ISAY's POV
MAY isang buwan na mula ng maghiwalay kami ng girflriend ko. Yes, bisexual ako at hindi 'yun alam ng angkan ko sa Aklan. Sobrang tago lalo na mga conservative ang mga tao sa amin.
Yes, LDR kami ng nobya ko. It was a mutual decision. Demanding ang trabaho niya sa abroad bilang nurse
at ako nama'y partime writer sa Soler Publishing House owned by my friend Eumie. Para sa pamilya ko, walang kuwenta ang pagsusulat pero nando'n ang puso ko.Bukod sa pagiging manunulat ay may sarili akong business clothing shop na isang pinsan ko rin ang nagmamanage.
Kahit ilang beses kong pagurin ang sarili ko sa trabaho, i-abala ang isip ko sa iba-ibang bagay, kahit mapagod ang katawan ko sa araw-araw, - sa gabi, naiisip ko pa rin siya.
Hindi madaling itapon ang tatlong taon. Hanggang isang araw ay naisip kong pumunta ng Manila sa mga pinsan ko. Close kami nina Gene at Ria pero I chose to stay here sa hometown namin pagka-graduate.
Isang beses palang ako nakapunta ng Manila, that was three months ago kaya medyo familiar na ako kahit konti. Wala akong plans ng pag-stay ko sa Manila. Indefinite pa lahat. Napili kong sa Diliman tumuloy sa isa naming pinsan na si Ate Loida dahil siya ang may sasakyan.
Puwede ko raw kasi 'yon mahiram hiram kung mag-gagala ako.
Hindi ako muna nagpahatid kay Gene sa Diliman. Sabi ko kumain muna kami since nagdrive naman siya for me.
Pagdating sa Trinoma ay natuwa ako sa isang tindahan. Napaka colorful kasi ng mga items, may mga keychain, coinpurse, caps, frames etc. na pang souvenirs.
Bumili ako ng tatlong mug. For me, Gene and Ria. Nu'ng nagbabayad na ako, nahagip ng mata ko ang isang pulseras na may dalawang heart na naka-kabit.
Di ko alam pero naattract ako kaya binili ko.
Pagdating sa Pizzahut ay parang may puwersang humihigop sa akin para bilisan ko ang paglapit sa mesa nina Gene at no'ng kasama niya.
May naramdaman akong kaba ng magtama ang paningin namin ni Luisa. Kaba na hindi normal kong nararamdaman sa unang pagkikita sa isang babaeng estranghera.
Di ko maintidihan kumbakit gusto kong magpasalamat kay Gene na ipinatabi niya ako kay Lui. Parang iba.... Parang gumaan bigla ang pakiramdam ko.
Dahil magkatabi kami ni Lui ay di maiiwasang magtama ang braso at hita namin. May kakaibang init akong naramdaman kasabay ng minsang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Bigla akong nahilo kaya nag-paalam akong magsi-CR. Pagpasok ng cubicle ay para akong nanlamig at nagpawis. Dala ba ito ng pagod o magkakasakit ba ako?
Bumalik ako sa puwesto namin at magkatapat na lang kami ni Lui. May bahagi ko na medyo gumaan ulit ang pakiramdam ko.
Finocus ko na lang sa pagkain ang nararamdaman ko baka gutom lang. After dessert ay nilabas ko na sa paperbag ang regalo ko kay Gene.
"Naku! Nakakahiya naman kay Lui, wala akong token for her," sabi ko.
"O-okay lang no. Hindi ako kamag-anak para regaluhan," napatahimik ako. Ang taray pala ng estudyante ni Gene.
"Ay hindi, hindi, may gift din ako sa 'yo ano ka ba. Pag friend ni Gene, friend ko na rin," sagot ko. Kinuha ko ang small box sa loob ng bag ko. Binigay ko kay Lui yung bracelet na binili ko with hearts.
"Sa bahay mo na buksan. Nacute-an kasi ako dyan eh. Para sa 'yo 'yan. Magtatampo ako at aawayin si Gene kapag di mo tinanggap 'yan."
Madali akong makabasa ng mata at galaw ng tao. Alam kong naghawakan or nahawakan nila ag kamay nila sa ilalim ng mesa. Ang titig ni Gene sa kanya ay iba.
Puwede kong isiping oo, may gusto si Gene kay Lui. Hindi pa lang siya aware. Kaya pagbalik ko mula CR ay hindi na ako nagtaka no'ng magkatabi na sila.
After naming kumain ay ako muna ang hinatid ni Gene sa Diliman. Di ko na alam kung saan pa sila nagpunta ni Luisa.
Pag-pasok ko ng kuwarto ay muli akong nanlamig at nahilo. Humiga ako at nagbutil ang pawis ko. Inobserbahan ko ang sarili ko. Isang oras akong nagtiis.
Hanggang tinawagan ko na si Gene.
"Gene, asa'n ka?"
"Kakababa lang ni Lui sa dorm. Bakit?"
"Gene, help. Di ko na kaya. Dalin mo ko sa ospital."
"Ha?! Ano? Okay okay, papunta na ko dyan."
Dinala ako ni Gene sa isang private clinic for initial check up. Walang makitang senyales na hindi ako okay. Normal daw ang heartbeat ko, ang Bp ko.
Niresetahan lang ako ng gamot para sa hilo ko at umuwi na kami. Nasa salas kami ni Gene at nagbibilin siya. Gusto pa sana niyang matulog sa bahay pero sabi ko matatakutin si Ria
kailangan niyang samahan do'n.
Pagtayo ko ay tsaka naman tumatawag si Luisa sa cp ni Gene.
"Hi! Lui! Bakit ganyan boses mo? / Ha ano? Okay sige sige!"
Bumaling sa akin si Gene. "Tapatin mo nga ako Iloiza! Naniniwala ka ba sa usog? Sino ba may usog sa inyo ni Luisa? Nasa ospital din daw siya."
"Puntahan mo na, okay lang ako."
Humiga ako sa kama at medyo umayos na ang pakiramdam ko. Pumikit ako at may isang senaryo ang bumalik sa diwa ko.
Nakaupo ako sa terminal at may isang babaeng tumabi sa akin. Wala raw siyang magawa at kung puwede raw niyang basahin ang kapalaran ko.Wala namang masama so pumayag ako.
"Akina ang kamay mo," sabi ni Mynda. Mga tantya kong nasa edad twenty six lang siya. Nilahad ko ang dalawang kamay at pinatong niya ang kamay niya ng magaan lang.Nakapikit siya.
"Nakita kong galing ka sa isang kasawian. Madilim ang iyong puso, umiyak ang kaluluwa mo. Pero may liwanag Iloiza. Sa paglalakbay mo ngayon ay makikita mo ang hinahanap mo.
Nakita mo ang soulmate mo ilang taon na ang nakalipas pero ngayon, ngayon mo makikita ang iyong twin flame. Kayo ay parang iisang apoy na kapag nawalay sa isa ay nahihirapang sumindi at magliyab.
Ang twin flame mo ay nakasama mo na dati pa at ngayo'y muling magbabalik. Makakaramdam ka ng kakaiba sa 'yong katawan at di mo ito mauunawaan dahil sa paglipas ng araw,
kusa 'yung uusbong at ang pagmamahal at koneksisyon ninyo ay hindi na muling mababali pa."
Umalis si Mynda at naiwan akong nakatanga. Naputol lang ng magtext si Gene na nandyan na siya.
Hindi kya si Lui ang sinasabi ng babae na twin flame ko? Iba ang nafeel ko whe I saw her. Di ko maikaila na may ibang puwersa sa pagitan namin.
Hindi kaya totoo na nahirapan ang isa sa amin ng magjhiwalay kami kanina at parehong nagkasakit?
Aarghhh... Hindi! Ang sabi ni Mynda ay nameet ko na raw ang taong to at nakasama at parang ngayon lang kami ulit magrereunite.
So, hindi si Luisa 'yon dahil sigurado ako. Sure ako na ngayon ko lang siya nakita!
Viral lang 'to, nanibago sa panahon, sa klima, sa environment kaya ako nagkaganito. Hindi totoo ang hula na 'yon. Sus!
© xotoxade
BINABASA MO ANG
MOO (My One and Only)
RomanceWhat will you do if you fell in love with your student?
