LUI'S POV:
Nang maramdaman kong pantay na ang paghinga ni Gene ay bumangon ako. Hindi pa man gano'n kalalim ang gabi.
Lumabas ako ng bahay at naupo sa labas. Tumingala ako at nakita ang maaliwalas na kalangitan. I don't know pero everytime tumitingin ako, iba ang pakiramdam ko especially sa mga stars.
Fascinated ako sa kanila aside sa mga fireworks. Napasandal ako sa dingding at habang tinitingnan ko ang langit ay may naisip ako.
Bumalik ako ng kuwarto at kinuha ang cellphone ko. Nakita ako ni Ria kasi uminom muna ako ng tubig sa kitchen.
"Uuy! Gising ka pa?" tanong niya.
"Ikaw rin eh!"
"Musta date nila ni Ryan? May
improvement na ba sa kanila? Sabihin mo nga ro'n, blis-bilisan. Tulog na ba si Gene?"
"Oo, kanina pa. Okay naman date nila. Sige punta na ako ng room."
Di na ako nag-elaborate dahil ayoko ng maalala ang mga naganap kanina. Lumabas ulit ako ng bahay pagkakuha ko ng cellphone ko.
Haaay! Ala una na kinse na, tulog na kaya 'yon? I dialled a number. Dalawang ring lang sinagot agad. Kinabahan ako pagkarinig ko ng boses niya.
"Lui! May problema ba?"
"Say, problema agad?"
"Malay ko ba. 'Yang mga dis oras na tawag, madalas may problema. Ano atin?"
"Wala naman. Bakit gising ka pa?"
"Eh ikaw bakit gising ka rin?"
"Di ako makatulog eh. Ikaw?"
"Ganu'n din."
"Teka, nasa'n ka pala now?"
"Sa labas."
"Labas?"
"Oo, nag-iinom kasi sa kabilang kuwarto, medyo maingay. Slight lang naman. Nagpahangin lang."
"Safe ba dyan sa labas? Baka may tambay din dyan sa tapat?"
"Nah.... Di ako lumabas ng gate. Labas lang talaga ng bahay."
"Aaah... Nga pala Is, sorry kanina. Sa inarte ni Gene, namin. Nakakahiya."
"Tumawag ka lang para do'n?"
"Di naman."
Silence.....
"Is, natatanaw mo ba 'yung langit dyan? Maaliwalas din ba?"
"Hmmm... yup! Ang kulit ng mga stars. Nag-uunahan sa pagkislap."
"Anong constellation nakikita mo?"
"Hmmm... Big dipper?"
"Yeah right."
"May meteor shower din kasi mamaya, narinig ko sa isang girl don sa kabilang room."
"Really? Abangan natin?"
"Magpupuyat ka talaga ah!"
"Oh my!!! Isay! Isay! Parang ayun oh, 'yun na dali! Dali! Magwish tayo dali!"
"Ay oo nga! May bulsa ka ba dyan? Lagay mo kamay mo sa bulsa mo tsaka ka magwish dali!"
Bulsa? Well, sinunod ko na lang ang sinabi ni Isay. I closed my eyes and wished.
"Hello Isay!" sabi ko sa kabilang linya ulit. "Huuuy! Andyan ka pa ba?"
"Yes I'm here."
BINABASA MO ANG
MOO (My One and Only)
RomanceWhat will you do if you fell in love with your student?
