ISAY'S POV:
The first time I laid my eyes on Lui, I felt something. Pakiramdam na hindi ko mapangalanan. Nang tumawag siya kay Gene na nasa ospital siya, sincere ako sa sinabi kong puntahan na niya.
When I saw her dito sa house, gumaan ang pakiramdam ko, ang aura ng paligid. May imaginary sun rays ba sa likod niya at tila nagliwanag ang tingin ko sa loob ng bahay?
Weird. I'm going crazy here.
Humiga siya sa gitna namin. Kung alam lang nya ang pagpipigil kong ikawit ang braso ko sa katawan niya. Lui is a complete stranger pero may bahagi ko na gusto laging mapalapit sa kanya.
Pinilit ko na lang makatulog, at sumakit ang leeg ko dahil hindi naging komportable ang higa ko.
Last night, ramdam kong nagkukulitan silang dalawa at nagbubulungan. Paki ko ba? Kahit maglampungan pa sila, keber ko? Basta ako matutulog. Pero naapektuhan ako. May kurot. Siguro kailangang makaalis ako at pumunta sa ibang lugar. Baka may sumpa pa rin ng kalungkutan ang dala ko dito sa Manila.
Maaga akong nagising. Tulog na tulog pa silang lahat. Sanay kasi ako sa probinisya na maaga matulog at maaga magising. Sinangag ko ang natirang kanin at lumabas para bumili ng pandesal.
Nakialam na ako ng ref nila at nagluto ng hotdog at bacon. Ang sosy ng mga pagkain nila dito ah.
Maya-maya ay lumabas na si Ria at Loida.
"Sensya na girls, 'yan lang nakayanan ko."
"Sus! Kami nga dapat mahiya. Namahay ka no?"
"Oo eh. Tsaka magulo matulog yung lovers na katabi ko."
"Lovers?!" Tanong ni Ria. "Sino'ng lovers?"
"Hahah! Wala. Sige kumain na kayo, second batch na lang ako. Maliligo muna ako. Gusto kong presko mag-almulsal."
Umakyat na ako. Pagpasok ko ay parang ayun na naman 'yung mumunting kurot dahil sa nakita ko.
Naka-backhug si Lui kay Gene at magkahawak ang mga kamay. Mukha naman silang enjoy na enjoy sa isa't-isa. Pero hindi sila ha? Friends lang sila.Ang sarap namang friendship nyan. Napailing na lang ako.
Pumasok na lang ako ng banyo at naligo. Matagal akong naligo. Ninamnam ang maligamgam na temperatura galing sa shower.Pagtapos ko maligo ay sa banyo na rin ako nagbihis. Binilot ko ng tuwalya ang buhok ko atsaka lumabas.
Laging gulat ko ng makitang nakangiwi na si Lui sa labas.
"Uy!"
"Tapos ka na ba? Naiihi na kasi ako."
Tumabi ako at mabilis siyang pumasok. Gising na pala sila. Di na lang sya kumatok kung naiihi na pala siya. Wala na si Gene sa room.Inalis ako ang tuwalya sa ulo at nagsuklay. Lumabas na si Lui. Hindi na ako nasorpresa ng tumibok ang puso ko ng mabilis bigla. Nasanay na rin.
"Sorry matagal ako," paumanhin ko. Umikot siya sa kabilang side ng kama para isalansan ang unan na ginamit nila.
"Sorry rin kasi naramdaman kong di ka masyadong nakatulog. Malikot ba ako?"
"Ha? Ewan ko. Nkatulog ako."
Hindi ko siya pinapansin. Nasa pagitan ako na gusto kong lumayo dahil sa heartbeat ko at sa manatili pa dahil gusto ko talaga ang presence nya.Siya ang bumasag ng katahimikan.
"Ilang araw ka dito sa Manila?""Baka bukas na lang. I mean, sa ibang pinsan ko naman. Busy kasi sina Loida at Ria, hindi rin nila ako masasamahan sa gala ko. Si Gene din."
"Si Gene? Hindi naman busy yun. Mabait naman siya kaya I'm sure bibigyan ka niya ng oras."
"Hmmmm... sana."
"Baba na ako Isay."
"Okay."
After a while ay bumaba na rin ako. Masaya na silang nagkukuwentuhan. Magkatabi sina Gene at Lui, si Ria at Loida.
"Isay, kain na. Sarap ng mga niluto mo o," anyaya ni Gene.
"The best ka talaga. Alam mo ba beshie, siya pinamakamasarap magluto sa amin?"
sinulyapan ako ni Lui at ngumiti.
"Talaga? Puwede ka na pala mag-asawa?"
"Ssssshh...." saway ni Ria. "Tama na, kain na ng kain."
"Mamaya na lang ako insan. Nakita ko kasi may gitara dito, kanino 'yon?"
"Kay Loida 'yan. Parang eng-eng," sagot ni Gene. "Bibili-bili, di naman pag-aralan."
"Wala ngang time kase! Sige Is, tugtugan mo nga kami ng mas gumanda ang umaga. Ikaw ang buena mano no'n."
"Di pa nagagamit 'yon?"
"Yup!"
Pumunta ako ng salas at kinuha ang gitara sa kaha. Nasa tono naman siya. Nagsimula akong tumipa. Sumigaw ako sa kanila.
"Hoy! Kunyare na lang wala kayong naririnig ah!" Hindi maganda ang boses ko. Pero gusto ko lang talagang tumugtog.Sinimulan ko na..Nakapikit akong tumutugtog.
I look into your eyes so far away
There's trouble in your mind you're losing faith
hey now...let me hold you it'll be okay
'cause i will love you til' they take my heart away
Remember when you called and said goodbye
you'd thought we'd lost it all and so did i
but even if i'd lost you
it would be the same
cause i will love you til' they take my heart away
believe.. im here to stay cause i will love you til' they take my heart away.
papunta na sana ako sa 2nd verse ng marinig kong lahat sila ay napa "AY!!!
Tumayo ako at pinuntahan sila."Sorry...sorry...sorry." Panay na sabi ni Luisa. Tumapon ang gatas niya sa mesa. Aligaga si Gene na tumayo at kumuha ng basahan dahil malapit ng tumulo sa sahig yung gatas.
Tumayo din si Luisa dahil natapunan naman siya sa hita, sa kabilang side ng mesa. Gusto ko sana siyang puntahan pero nakalapit na si Gene sa kanya.
Hindi na ako naki-entra sa kanila. Binuksan ko na lang ang ref at uminom ng tubig. Nagtama ang mata namin ni Lui. Pagtataka ang nabasa ko sa mata niya.
Tagal niyang nyang nakatingin sa akin at ako ang sumuko. Galit ba siya? Ano'ng ginawa ko?
Bumalik na lang ako sa salas at tumugtog ulit. Iniba ko na lang ang kanta. Matapos nilang kumain ay sila na rin ang nagligpit.Nag magdisperse sila ay tsaka ako kumain mag-isa. Kilala ako ni Ria na kapag may dalahin ako ay mas gusto kong mapag-isa.
Nagulat ako ng umupo si Lui sa harap ko.
"Yes?"
"Clumsy ko no?"
"It happens."
"Salamat kagabi. Nakapagtiis kang katabi ako. Ang gulo namin ni Gene. To think na unang gabi mo rin dito."
"Pareho lang tayong bisita."
"O..Okay. Mauna na ako sa 'yo. Kailangan ko ng umuwi."
"Hindi ka hahatid ni Gene?"
"May biglaang pasyente eh."
"Ako na sasama sa 'yo. I mean sa Morayta ka diba? Sa Quiapo ako, magsisimba. Linggo ngayon diba?"
"Gusto mo samahan kita?"
"Sure!"
Di ko alam kumbakit sumaya ako bigla sa narinig ko. Nexcite ako. Ewan ko ba.
------------------Team Gene o Team Isay? 😂
© xotoxade

BINABASA MO ANG
MOO (My One and Only)
RomanceWhat will you do if you fell in love with your student?