Chapter 31- Please Stay

2.3K 61 1
                                    

GENE's POV

Magdamag kong hinintay ang pagbalik ni Lui. Umaasa ako na babalik siya at hindi niya ako matitiis na iwan dito mag'isa. Pero dumating ang umaga na walang Lui ang umuwi ng condo. Umabsent ako sa trabaho pero naligo muna ako at natulog ng konting oras. Malakas padin ang pag'asa ko na uuwi dito si Lui at hindi aalis patungo ng America.

Hindi ko naman sinasadya ang huling salita na binitawan ko kagabi. Hindi ko inaasahan na lalabas yun sa aking mga bibig, dala na rin siguro ng takot na iiwan niya ako ng lubusan, pero mas hindi ko inaasahan ang tugon niya sa sinabi ko. I hope she doesn't mean it, I can't live without her.

Pag gising ko ay wala pading Lui na nagpapakita o nagpaparamdam man lang, kahit text man lang. Tinawagan ko si Mommy para malaman ko kung seryoso ba talaga ang pag'alis ni Lui.

"Oo Gene, pina'contact niya na nga sa akin yung pinsan niya para sunduin siya pag'dating niya doon."

"A-ano po oras yung flight nila?" Nangingilid na ang luha ko. Seryoso nga siya.

"Ala'syete ng gabi. Siguro paalis na yun maya maya sa hospital, sabay sila ng Tito Mario niya eh."

"Aah. Sge po. Pupuntahan ko na po."

"Sge anak. Sana maabutan mo."

Bago pa ako makalabas ng condo namin ay nakita ko ang susi ng kotse niya, kinuha ko ito nagmaneho na papunta sa hospital. Matagal na akong hindi nagddrive, ngayon nalang ulit pero binilisan ko padin magpatakbo para maabutan si Lui.

Lakad- takbo ang ginawa ko para lang maabutan siya sa hospital. Buti nalang alam ko na dito siya manggagaling bago pumunta ng airport kung hindi, hindi ko na alam saan siya hahanapin pa.

Sa paghahanap ay nakita ko si Jill.

"Jill, si Lui?" Tanong ko ng diretso sakanya. Walang hi o hoy man lang.

"Nasa dorm siya, Doc. 3rd floor. Pag akyat mo, to the left. Room B5."

"Salamat." Sabi ko at maliit na ngiti lang ang naging sagot niya sa salamat ko.

Naglakad ako ng mabilis papunta sa direksyon na binigay ni Jill. Wala akong pake kung paano ko tinakbo ang 3rd floor gamit ang hagdan. Pag kadating ko sa dorm nila dito sa loob ng hospital ay sakto naman na paglabas niya dala ang maleta at back pack niya.

"Gene--" Paang nagulat siya na andito ako ngayon sa harapan niya.

"Can we talk? Please?" Sabi ko sabay pahid ng mga luha ko.Hindi ko alam na umiiyak na pala ako. Dalawang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Takot dahil iiwan niya ako at tuwa dahil naabutan ko siya at may pag'asang mapigilan ko siyang umalis at iwan ako.

Nagbugtong hininga lang siya at pumasok ulit ng kwarto at inaya ako pumasok.

"Gene, mabilis lang ha. Sorry. Alam mo naman traffic papunta ng airport. Tyka si Tito Mario nasa labas na din kase." Mahinahon na sabi ni Lui.

"Please Lui. Wag ka nang umalis." Sabay yakap ko sakanya at humahagulgol sa iyak.

Niyakap niya din ako ng mahigpit. Hinihimas himas ang aking likod para tumahan ako. Ilang sandali pa ay nagsalita siya.

"I have to go, Gene." Pakasabi niya noon ay kumalas kami sa pagkakayakap.

"No! You don't have to. We'll make this work. Please don't leave me, again. Please, Lui. I'm begging you." I said while holding her hands to tight.

I was about to kneel down para magmakaawa pero bago pa man ay pinigilan niya ako.

"Gene, you don't have to do that. Please. Baliw ka ba?"

"What do I need to do? Sabihin sa mga magulang natin about us? Tara na. Puntahan na natin sila. Handa na 'ko Lui. Please. Just don't leave me! Mababaliw ako paginiwan mo ako ulit!" Hindi ko mapigilan magtaas ng boses, umiyak at humagulgol. All I want is for her to stay here with me.

She smiled weakly. Mukang awang awa na siya sa ginagawa ko. Pinunasahan niya ang mga luha ko gamit ang panyo niya at hinawi ang mga hibla ng buhok ko na napunta na sa muka ko.

"What I want you to do, is to love yourself, accept yourself. Magpakatotoo ka muna sa sarili mo. Alamin mo muna kung ano talaga ang gusto mo at magpapasaya syo. Okay?"

"Pero ikaw ang gusto ko at ikaw ang nagpapasaya sakin, baby please."

"You have to do it by yourself, Gab. Ako din, kelangan kong maging successful para muna sa sarili ko. I have to bring out the best in me first. Ayoko din mamuhay sa pressure dahil sa ibang tao. Kelangan natin pareho 'to."

Hindi ako naka'imik sa sinabi niya. Puros iyak at hagulgol lang ang maririnig mo sakin. She hugged me so tight. Kissed me on my forehead.

"Wag kang magpakalunod sa lungkot. I want you to be happy, with or without me. Okay?Iloveyousomuch."

At tuluyan na siyang lumabas ng kwarto at umalis. Hindi ko na nagawang lumingon at sundan siya. Hindi kakayanin ng puso ko na makita siyang maglakad palayo sakin.

Pagkatapos noon ay umuwi muna ako sa probinsya namin. Sa mga magulang ko. Hindi sila nagtanong kung anong nangyari bagkus ay sinalubong nila ako ng yakap na maghigpit na para bang nauunawaan nila ang pinagdadaan kong sakit.

"Ma, Pa. May kailangan po kayong malaman." Panimula ko habang andito kaming tatlo sa sala.

"Ano yun anak? Makikinig kami sayo."

"Si Lui po ung matagal ko ng karelasyon. Wag kayong magagalit sa amin. Sorry kung nilihim namin." Buong tapang kong sabi kila Mama. Nawala ang takot sa dibdib ko.

"Matagal na naming alam, anak. At matagal na din namin kayong tanggap." Sabi ni Papa.

"Pero paano--?" Nagtatakang tanong ko sakanila.

"Even before Lui ask you to be her girlfriend, kami muna ang tinanong niya anak." Sabi ni Papa.

"Pero bakit gusto niya noon na sabihin ko sainyo e alam niyo na po pala?"

"Dahil lubos mo lang matatanggap sa sarili mo na siya ang mahal mo kung kaya mo na siyang ipakilala kahit samin man lang. Aaminin namin, ayaw namin nung una, pero nakita namin kung pano kayo nga'grow ng magkasama at kung gaano niyo kamahal ang isa't isa." Sabi ni Mama.

"Pero iniwan niya na po ako." At sunod sunod ang luhang tumutulo sa aking pisngi.

"Anak, yan lang ang iniisip mo dahil nasasaktan ka. But you'll soon realize na hindi ka niya iniwan. She let go for the both of you to grow. Hurting you would be the last thing she'll do at kung nasasaktan ka man ngayon, nasasaktan din siya sigurado."

Pagkatapos kong magmukmok ng isang buwan ay bumalik na ako sa Manila. Nagpart time dentist nalang ako at inasikaso ang plano namin noon ni Lui na magpatayo ng clinic.

I tried to contact her throught social media accounts ilang buwan na din, pero I got nothing. Same old Lui, walang pake sa internet at telepono pag busy at focus sa isang bagay.

Nakibalita din ako kila Mommy pero tulad ko, wala din sila masyadong balita. Kay Tito Mario lang din sila nagtatanong kung kamusta si Lui. Laging okay lang si Lui at halos sa hospital na tumira ang sinasabi ni Tito Mario.

Lui.. Mag'hihintay ako sayo. Kahit gaano pa katagal.

MOO (My One and Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon