Chapter 29- conflicts

2.3K 45 0
                                    

LUI's POV

Nasa elevator na ako ng condo namin, I am really very tired. Dapat talaga sa hospital na ako matutulog, pero since hindi ko kaya hayaan mag'isa si Gene sa condo, araw araw padin ako umuuwi and I feel more comfortable sleeping beside my baby. Since malapit lang din naman, tinatawagan nalang ako ng mga staff pag kelangan kong bumalik sa hospital anytime. Malaking tulong na magkasama kami sa bahay, dahil kung hindi, baka madalang ko nalang siya makita at maka'usap.

Pagpasok ko ng condo, I heard Gene is on the fone. Hindi niya ata namalayan na nakapasok na ako.

"Please paki sabi naman kay Doc Santos, I need his help ASAP. Thanks, Rach. Bye."

Her voice seems upset. Since hindi niya napansin nadumating ako, I suprised her by hugging her from the back and kiss her cheek at alam kong napangiti ko siya.

"Everything okay, my babygabgab?" Pag lalambing ko sakanya as I rest my chin on her shoulder.

"Kanina hindi but, now that you're here, mukang okay na ako." Sagot niya at humarap sakin para yakapin din ako.

"Asus. lika na, let's talk about what's bothering you over dinner. Okay?" At tumango lang siya.

Sabay kaming nagtungo sa dinning area namin at nagtulungan maghain. She cooked dinner for us. Kaya ako maghuhugas mamaya. That's one of our rules, kung sino magluluto, yung isa ang maghuhugas. Fair enough, right?

"So ano kelangan mo kay tope? Seems important and urgent dahil tinawagan mo pa girlfriend nya." Paninimula ko.

"Kelangan ko kse ng tulong nya. May pasyente akong kelangan ng minor surgery."

"Why don't you do it? Minor lang naman pala."

"Babylu naman, alam mo nman na hindi ako confident pagdating sa surgery. At least si Tope, he'll know what to do."

"Fine. E bakit hindi ka sakin humingi ng tulong? Ano ba yung case? I'm sure I can do it better."

"Wag na po. Tope can do it naman."

"So you're trying to say that, I can't?"

"Hey, ofcourse no---"

"But, that's what you're trying to imply, Gene."

"Babylu naman. Ayaw ko lang maka'istorbo sayo, nakakahiya din kase. Tyka Tope for sure will do it for free."

"Bakit? Nagpapabayad ba ko? Mang istorbo ng ibang tao, okay lang? Humingi ng tulong sa iba,  okay lang? Sa sarili mong girlfriend, nahihiya ka?"

"Why are you getting mad?"

"Who wouldn't? Ako tong ngreresidente para maging surgeon for freaking 3years already, at ung girlfriend ko humihingi ng tulong sa taong nagtraining lang for a year. Don't you know that's a slap on my face, Gene?"

"I'm so---"

"Save it. Lagay mo nalang sa lababo ung hugasan, I just need some air." Tumayo na ako at naglakad papunta sa balcony namin.

Inhale. Exhale. Yan ang ginawa ko. Kumuha ng isang stick ng yosi, sinindihan at humithit. Alam kong hindi agad agad susunod si Gene sakin. She knows me to well.

Nagegets ko naman point ni Gene. I honestly do. It's just me and my big ego. Gene and I are together for 3years now. It was not a smooth sailing, I must say but we're not on the rocks, too. I'm always busy with my residency. Aalis ako ng condo, tulog pa siya pero ginigising ko siya para magpaalam na aalis na ako. Swerte nalang na pag'uwi ko eh gising pa siya. Pero pag my time naman ako, binibigay ko sakanya. Kahit na pagod or whatever. Tyka pag espsyal na araw, umaabsent or naghahalf day ako like birthdays, valentines, anniversaries. Pero alam kong kulang padin. At naiinis ako na kelangan niya pang humingi ng tulong sa iba, sa bagay na kaya ko naman gawin para sakanya.

Hindi ko namalayan, may kumuha sa yosi ko at nilagay sa ashtray para mamatay ang sindi.

"Am I stressing you out, again?" Tanong sakin ni Gene sabay back hug sa akin at patong ng baba nya sa balikat ko. Haaay. This lady really knows how to handle me.

Hinarap ko siya sakin at nilayo sakin ng konti. Looked straight to her eyes. Held her face and give her a weak smile.

"Ako gagawa ng case ng patient mo okay?"

"Okay my future surgeon." At ngumiti siya sakin.

"Lika nga" at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sorry babylu. Hindi ko naisip yung feelings mo. Ayoko lang kse na makaistorbo sayo. I know how stressful you are."

"Sorry din babygabko. Pride. As usual."

----------

GENE's POV

Yan ang madalas na topak ni Lui. Pride. Good thing na marunong din siya magcontrol ng inis or galit niya. Noong una hindi ko talaga matantya ugali niya. She's stuborn at times. Ang hirap suyuin. Pero sa tatlong taon, alam ko na ang pasikot sikot sa ugali niya and I love every bits of it. Tama nga sila, hindi mo makikilala ng lubusan ang isang tao hangga't hindi mo nakakasama sa isang bubong.

"Baby, ano lakad mo bukas?" Tanong sakin ni Lui habang gumagawa siya ng case presentation niya. Samantalang ako pinagaaralan ung case ng patient ko.

Haaay. Yeah. In our field, you should never stop learning. Araw araw ata kaming ganto. Siya nakaharap sa laptop at mga papel, ako naman sa ipad at libro. Katabi na namin sila sa pagtulog. Sa gilid lang sila sympre.

"Wala naman. Work lang. Why?"

" Nagyayaya si Marco for dinner. Wanna come?" Napatigil ako sa ginagawa ko for a moment at bumalik dn agad.

"Marco? Yung kababata mo na pinepair up syo nila mommy?"

"The one and only."

"You said yes, already?"

"Not yet."

"So may balak kang sumama?"

"Baby, don't tell me nagseselos ka?"

"Hindi sana eh. Kaso halatang gusto ka niya."

That's true. The first time we've met kasama sila mommy eh halos i'glue niya na mga mata niya kay Lui at ang clingy niya pa. Panay yakap kay Lui. Kala mo linta. At parang wala lang sa babaeng to. There are also times na tumatawag si Marco, gabing gabi na! Akala namin nung una emergency, yun pala gusto lang makipaglandian kaya after noon, panay reject na ginagawa ni Lui dahil tulog is life sakanya. Haha!

"Who wouldn't?" Tanong ni Lui sakin.
Napatingin ako sakanya at parang wala lang sakanya yung tanong niya.

Sabay bato ko sakanya ng unan. Baliw to ah! Nakuha pang magbiro.

"Hahahahaha. Joke lang babygab. Sumama ka na kse. Ipapakilala na kitang girlfriend ko."

Sabay kindat sakin at tinuloy ang ginagawa niya.

"Eh, baby?"

Napatingin siya sakin. Tinigil niya ult ang ginagawa niya.

"Haaaaay. Ayaw mo nanaman? Dahil baka malaman nila mommy?"

"E babylu, wala pa kse tayong ipagmamalaki. Paano kung magalit sila? Pag naging surgeon ka nalang at nakapagptayo na tayo ng clinic. Alam mo naman yun diba."

"Paano kung magfail ako? Forever tayong ganto?
Am I not worth fighting for? "

"Baby naman eh. Sympre worth it ka. Gusto nga kita pakasalan diba."

"Kasal? Ni hindi mo nga ako kayang ipakilala sa iba bilang girlfriend mo. Pakilala mo muna ko, kahit hindi sa buong mundo, kahit sa magulang lang natin. Then I'll marry you. Kahit san mo pa gusto."

Hindi na ako naka'imik sa sinabi niya. Tumayo na siya at nagligpit ng gamit at tumungo na sa banyo.

I know gustong gusto na ni Lui sabihin sa parents namin. Ako din naman eh. Pero may naghohold back sakin. Natatakot ako. Alam ko din naiinis na si Lui pero thank God, naiintindihan niya ako. Pero alam ko mauubos din pasensya niya. Kelangan ko ng harapin to. Pero paano? Kelan? Ang daming what ifs sa utak ko. Why am I so coward about this?

---------
AN: Happy new year!!!! Mejo matatagalan next update ko ah. As in matagal. Haha!

MOO (My One and Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon