Chapter23- Kape

2K 52 0
                                        

LUI's POV

"Mag-order na tayo. Malalate daw si Dr. Gene eh. Pero on the way na daw siya" Sabi ni Doc Padua.

Andto kami sa isang restaurant sa Timog. Nalate ako ng 15mis sa dinner meeting namin pero mas late padin siya. Haaay. Hindi padin siya nagbabago.

Naguusap usap nadin kami tungkol sa event. Ang mga committee na kinuha ni Gene ay mga kakilala ko din. Yung iba,mga Professor na nakakasalamuha namin na malapit sa edad namin at ung iba naman ay tulad ko na bagong dentista lang. Kaya hindi kami nagkakahiyang maglabas ng kanya kanyang opinyon.

Masaya naman ako dahil nagbibiruan kami. At nakasama ko sila. Simula kase ng grumaduate ako ay dinistansya ko na ang sarili ko sa mga tao at nagfocus sa review ko para sa board exams. At ngayong nagttraining ako, si Jill lang nakakasama ko at andito din siya ngayon. Kabatch ko siya pero ngayon lang kami naging close. Trainee din siya under tito Mario.

"Lui, please palit na tayo ng off. Anniversary namin ni Kevin sa monday eh". Pangungulit sakin ni Jill ng pabulong.

"Ang kulit mo, Jill. May meeting nga ako nun kay Dean eh."

"Ah basta. Hindi matatapos ang gabi na to na hindi kita napapapayag."

Tinaasan ko nalang siya ng kilay. Tss. Crazy.

Nasa gitna kami ng meeting ng dumating si Gene.

"Sorry guys. Sobrang traffic. Worth the wait naman ako diba? Haha." Sabi niya at umupo na sa tabi ni Doc Padua. Sa tapat ko.

So ako hindi worth the wait,ganoon?

"Gene kunin mo nalang ung namiss mo kay Jill mamaya. Siya kase pinagsulat ko since late ka." sabi ko at tumango naman siya.

Patuloy naman sa meeting habang kumakain at inuman. Yes, umiinom ang iba samin. At in between ay pabulong padin akong kinukulit ni Jill. Nagmumuka tuloy kaming may sariling mundo.

"Uhm doc Gab?" Tawag pansin ni Jill kay Gene. Na kinabigla ko. Alam kase ni Jill lahat. As in lahat.

"Yes, Jill?" At palipat lipat ang tingin niya samin ni Jill.

"Pwede bang ikaw muna magmeeting with Dean sa monday? May lakad kase kami ni Lui nun, hindi pwedeng icancel. Please?"

Ayan. Nalintikan na! Loko talaga tong si Jill. Dinanamay ako sa kalokahan niya sa buhay.

Tinignan ako ni Gene. Nagpoker face lang ako.

"Sure. Walang problema" Gene said and smile. At si Jill naman ay tuwang tuwa. Kala mo bata na binigyan ng candy.

Kahit tapos na ang meeting ay tuloy padin kami sa paguusap. It's saturday night, anyway.

May mga ilang umuwi na. At yung iba ay nagstay pa to catch up with each other at tuloy ang inuman.

"Guys, I have to go. Duty pako bukas eh." Paalam ni Jill sakanila.

"Hatid na kita sa labas." Yaya ko at sabay na kaming lumabas ng resto.

May family driver sila Jill kaya safe siya makakauwi.

"Hoy Jillian! Sa susunod sasapakin na talaga kita!" Bulyaw ko sakanya pag labas na pag labas namin ng resto.

Yumakap naman siya sa bewang ko at siniksik ang muka niya sa leeg ko at parang pusang naglalambing.

"Sorry na Lui. Babawi ako promise. Tyka I also did you a favor, hindi mo siya makikita sa monday." Pagpapacute niyang sabi.

Ano pa nga ba? Jusko.

"O siya. Umuwi ka na. Ikaw na bahala sa mga pasyente ko bukas ha." At dinampian ko ng halik sa noo si Jill.

MOO (My One and Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon