chapter20- Forever...torpe

2K 60 3
                                    

Gene's POV

"Geneeee! Bilisan mo naman! Malalate nako! Conference ngayooooon".

Ayan nanaman si Lui,umagang umaga. Nagsisisi tuloy akong dito ko siya pinatulog kagabi. Tss

Paglabas ko ng kwarto ay tatawa tawa si Ria.

"Looks like you found your match huh? Hahaha! Akalain mo npapabilis nya galaw mo sa salita palang? Hahaha."

Imbis na sagutin siya ay iniripan ko nalang siya. Bakit kse nagmamadali tong batang to? E maaga pa nman. Tss.

Naglakad nako patungon kay Lui na nakaupo sa couch na obviously naglalaro nanaman ng puzzle words sa fone nya. Tumayo ako sa harap niya.

"Eto na kamahalan. Masyado kang takot ma'late."

Tinaas nya ako tingin niya sa akin. Tinititigan niya ako na para bang nagtatanong.

"Bakit ganyan ka makatingin Ms. Imperial?"

"Bakit ganyan ayos mo?" Takang taka nyang tanong.

"Anong masama sa ayos ko? Pangit ba?"

"Magttrabaho ka ho maam, hindi makikipagdate. Nako. O tara na,malalate na tayo" sabi nya sabay tayo,kuha ng car keys at nauna nag lumabas ng bahay.

Nakakainis! Kaya ako natagalan kse nag'ayos ako ngayon. Tapos hindi niya na'appreciate?

She drove my car papuntang school. Buong byahe ko siyang dineadma at mukang wala lang sakanya! Nakakainis! Hindi siya marunong makiramdam!

Bago pa kami lumabas ng sasakyan..

"Gene. May lakad ka ba mamaya?" She asked.

Nabuhayan ako ng dugo. Will she ask me for a date? Kinikilig ako!

"Wala naman. Why?"

"Samahan mo naman ako magreview mamayang gabi o. Sa cafe,kahit 2-3hrs lang. Please?"

At bagsak balikat akong tumango. Assumera kase ako. Badtrip.

Lumapad naman ang ngiti niya at kiniss ako noo. Lumabas na siyang una sa sasakyan at iniwan akong badtrip.

Simula palang ng umaga pero parang gusto ko ng matapos!

Konti ang mga students ngayon dahil may conference ang mga clinicians. Kaya malaya akong nakakapaglakad dito sa hallway at nagiisip. Bakit ganun? Dati naman pinupuri niya ang suot ko,ang make up ko or kahit ang amoy ko! Nagsasabi siya kung maganda,bagay ang suot ko at kung mabango ako. Pero kanina hndi niya ako na'appreciate? Hindi niya na ba ako gusto?

"Doc Gab?"

Bumalik ako sa wisyo ng tawagin ako ng isang lady guard dito sa building namin. At andto nadin pala kami sa loob ng faculty room. Sabog ata talaga ako ngayon.

"Ano po un ate?"

"May nagpapabigay po" Sabi niya. Sabay abot ng isang long stem white rose. San galing un? Hndi ko napansin na may hawak na rose si ate guard kanina.

"San po ito galing? Sino nagpapabigay?" Tanong ko sakanya.

"Sa isang student po eh. Pero hindi ko alam pangalan"

Tatanong ko sana kung si Lui kaso pagtingin ko sa paligid ay ang mga chismosa kong mga co-faculty, baka maissue nanaman siya. Kaya hndi ko din matanong kung babae ba ang nagbigay. Kaya nagpasamalat nalang ako kay ate guard.

Tukso ang inabot ko sa mga kapwa faculty ko. Kinikilig ako. Si Lui lang naiisip kong pwedeng magbigay nito sakin. Hindi ko siya matext dahil alam kong nsa conference siya. Mamaya ko nalang siya tatanungin tutal magkikita naman pala kami.

MOO (My One and Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon