LUI's POV
Pagkatapos namin magmerienda ay dumiretso kami ni Gab sa kwarto. Dito nalang kami tatambay dahil sila Ria at Loida ay may lakad at si Isay naman ay muka nga mas trip mag'solo sa veranda. Nagsalang si Gab ng DVD na 50 first date.
Nakasandal kami sa headboard at makayakap kaming dalawa. Muka man my something kung inyong titignan pero normal na normal sa tibok ng puso namin.
Pero since ilang beses na namin tong napanood ay hndi kami focus sa TV. Nagkkwentuhan kami ng kung ano ano. Nakwento ko din sakanya ang nangyari sa Tagaytay. Detailed ko yun kwinento maliban sa kwento ni Isay tungkol sa ex nya.Sinabi ko nalang kay Gene na 'it's not my story to tell'. At nabanggit ko din na balak ni Isay lumipat ng matutuluyan at inoffer ko ang bakanteng kwarto sa dorm.
"Besh, feeling ko may gusto sayo ung pinsan ko." sabi ni Gab ng my halong pagseselos, ata.
"Feeling mo lang yun. Ganun talaga pag galing sa matinding break up. Pag may nakilala sila ng nakakaintindi sakanila, feeling nila mahal na nila. Coz they have so much love to give."
"E bakit parang attach ka na din sakanya?"
"Ang lungkot kase nung pinsan mo. Nakakahawa ung kalungkutan niya. I have this urge to help her. Siguro bawi ko na din sa mga babaeng napaiyak ko noon"
"Gender bender na, heartbreaker pa. Tss"
"That was all in the past. Yep, I was once a gago. Pero pinagsisisihan ko na yun. Kaya siguro natanggap ko agad ung nangyari samin ni Sam. I deserve that. Yung masaktan ng sobra. Well, you know what they say, karma is a bitch."
"Gulo nman ng love. Hmmm"
"Yup. Nako ang beshie ko curious na sa love. Hahaha. Si Ryan noh?"
"Ewan ko. Gusto,oo. Pero love? Mukang imposible."
Kapwa kami napatahimik at nafocus ang atensyon sa pinapanood. Nsa scene kami ng maraming first kiss ni Drew Barrymore.
"Besh?" tawag nya skn kya napalingon ako sknya
"Anong feeling ng first kiss?"
"Ewan ko. Hindi ko kase feel ung first kiss ko e. Highschool pa ako nun."
"Kanino ko kaya ibibigay ung first kiss ko?"
"Aba malay ko sayo. Pero pwede, dun sa alam mong hindi ka sasaktan? Yung sa taong hindi lang katawan ang habol sayo? Sexy mo e. Baka mamaya makapatay pa ako ng tao dahil sayo."
" Ang protective naman. Para lang sa first kiss."
"Gene, may mga halik na dumidretso sa sex. Tandaan mo yan. Kaya dapat ung first kiss mo, pure ang intensyon sayo. Yung mararamdaman mo na pure love at walang lust."
At bumalik ang katahimikan samin. Kaya binaling ko nalang ulit ang tingin ko sa TV.
"Kung ikaw kaya maging first kiss ko?"
Pagtingin ko sakanya ay mejo nagulat ako dahil ang lapit na ng muka niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Napatingin ako sa mga mata niya. Nalulunod ako. Her eyes, those brown eyes who always care for me kahit hndi niya sabihin. Napatingin ako sa mga labi niya, her pink lips na nakakaayang halikan.
Hindi ko alam, pero kusang gumalaw ang aking kamay para hawiin ang konting mga hibla ng kanyang muka na nakaharang sakanyang maamong muka.
Napansin kong napapikit siya. At ako? Wala akong ibang marinig sa kwartong ito kundi ang mga puso naming tumitibok.
BINABASA MO ANG
MOO (My One and Only)
Lãng mạnWhat will you do if you fell in love with your student?
