LUI'S POV:
Kinabukasan ay medyo mabigat ang pakiramdam. Bukod sa pagod ay nagkaro'n pa 'ko. Pag-bangon ko ay wala na si Gene sa kama.
Oh.. Ako na lang pala naiwan sa kuwarto, nakakahiya naman. Tumayo na ako at nagligpit ng higaan. Nag hilamos, nagsuklay at lumabas na ng room. Pagdating sa kitchen ay si Isay na lang ang naabutan kong nag-aalmusal.
"Oh, nasa'n ang iba?" tanong ko habang nagtitimpla ng chocolate drink. Tinapay na tira kagabi ang almusal.
"Eh Siyempre Linggo, uuwi sila sa kanya-kanyang kandungan. Hahaha!"
"Eh ikaw? Bakit nandito ka pa? Si Gene asa'n?" Umupo ako sa tabi ni Isay at nagsimulang kumain.
"Si Gene? Maaga dumaan si Ryan eh, magsisimba daw. Mukhang hindi kayo natulog?"
"Ha? Natulog naman, bakit?"
"Nangagalumata si Gene, lover's quarrel na naman kayo kagabi?"
"Hindi naman. Eh ikaw? Ano lakad mo?"
"Wala. Kakain lang muna ako para tipid. Sabay na tayo umuwi gusto mo? But if you wanna stay, I'll go ahead. Di ko pa rin naaayos ang iba kong gamit eh."
"Sabay na ako sa 'yo mamaya."
Nauna maligo si Isay sa akin at ako na ang nangusina. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit ganito. I should be happy for Gene na may isang taong nagkaka-interest na sa kanya at kung magiging sila, mararanasan na rin niyang pumasok sa isang relasyon. She'll be able to explore her capabilities in handling relationships.
Kung dumating ang time na masasaktan siya? Parte 'yon eh. Hindi forever nandito kami para protektahan ang isa't-isa. Biglang bumigat ang pakiramdam ko lalo. Sa ganitong araw kasi ay sanay akong kami ni Gene ang sabay nagsisimba. Siguro nga, dapat ko lang ipagpatuloy ang paglayo.
"Luisa! Hoy!" napapitlag ako sa boses ni Isay.
"Bakit?"
"Kanina ka pa nakatitig sa gripo eh. Inaantay mo bang bumukas mag-isa 'yan? Kailnagan kong umalis ng alas nuwebe, kaya mo bang sumabay?"
"Ay oo! Wait lang sige, mabilis lang 'to."
Binilisan kong maghugas. Ialng minuto na ba akong nakatingin sa gripo? Matapos maligo at magbihis ay gumawa na lang ako ng note at dinikit ko sa ref.Ugali kasi no'n ni Gene na after simba ay deretso ng ref para uminom ng tubig.
Nag FX lang kami ni Isay pauwi sa Manila. Buong byahe naman siyang tulog kaya parang wala rin akong kasama.Nagtuloy lang ako sa pagmuni-muni. Umalis kami ng nine pero kung nagsimba lang sila Gene daapt mga 8:30 nasa bahay na 'yon. Sa'n pa kaya sila nagpunta?
"Humanap ka na rin kasi ng Jowa ng hindi ka ganyan," sabi ni Isay pero nakapikit sya. Hala?
"Ipara mo na lang sa Trinoma, sa Inasal tayo mananghalian ng gumaan ang pakiramdam mo. Birthday gift ko na sa 'yo."
Inalis ko ang panyo sa mukha niya.
"Hoy babae! Akala ko tulog ka?"
"Ang likot mo kasi eh. Lagi kang nakikipagtalo sa sarili mo. Ibalik mo 'yung panyo sa mata ko, nasisilaw ako. Yugyugin mo ko pag Trinoma na."
Ang weird talaga nito ni Isay. Parang pinsan nya rin. Pagdating sa Trinoma ay namili muna siya ng ilang gamit niya sa department store. May outing daw siyang pupuntahan at gusto niya ng bagong shades at tsinelas. Matyaga naman akong sumama sa kanya.
Alas onse na kami natapos sa mga kiyeme niya at binilhan naman niya ako ng mgapanali sa buhok. Remembrance daw niya. Gusto raw niya lagi akong makitang maaliwalas ang mukha.
Habang kumakain ay na kay Gene pa rin ang isip ko. Nagulat ako ng kunin ni Isay ang manok sa pinggan ko.
BINABASA MO ANG
MOO (My One and Only)
RomanceWhat will you do if you fell in love with your student?
