Chapter13- Moments

2.1K 48 6
                                    

ISAY'S POV:
        "Thank you Lui. I didn't expect I could still cry like this, sa bago ko lng pa na kakilala."

       "Parang nagsisi tuloy ako na sinama kita dito Isay. Ewan ko ba, minsan talaga hindi na ako nag-iisip."

       "Okay lang. Something in common naman tayo na wala sa pamilya natin itong new year."

    Ayoko na sanang hawakan muli ang kamay niya pero feeling ko secured ako, buo ako pag hawak ko ang kamay niya.

     "Okay lang?" Tanong ko sa kanya pertaining to our hands holding each other.
"Baka kase kay Gene ka lang nagpapahawak ng kamay?"

     "Sapakin kaya kita? Kanina ko pa nga hinahawakan kamay mo no!"

     "Wala ka bang nararamdaman sa hawak mong 'yan sa kamay ko?"

    "W-wala! Ano na naman? Ikaw?"

     "Wala rin." Ayokong aminin na mayro'n kasi baka ako lang naman talaga nag-iisip ng kung ano.

     "O e di maganda," sagot niya na parang dismayado naman.

      "Ikaw maganda ka. Gusto ko ang ngiti mo. Lagi kang ngingiti kasi nakakahawa."

       "Ano baliw lang?"

       "Hindi naman."

Pinisil ko ang kamay ni Lui.

      "Lahat tayo nu'ng bata gusto new year," sabi ko.
Tinanggal ko yung jacket na suot ko at pinakita ko sa kanya ang maliit na pilat sa kaliwang braso ko.

"Natamaan ng kwitis, not sure what was that. Nakatayo lang ako sa may tindahan tas sa direksyon ko papunta ung lipad nung paputok na 'yon."
 
May kuryente na namang dulot ang paghaplos nya sa pilat ko. Sinuot ko ulit ang jacket. Hinuli ko ulit ang kamay ni Luisa at nagkuwento.

      "Nakipagbreak siya sa akin December 31, years ago na 'yun. Yung kasalukuyang masaya ang lahat sa paghahanda pero alas dyes ng gabi nakipagbreak sya thru text. Sabi nya lang para itama na ang lahat. Alam naman naming mali pero hindi sa way at oras na 'yun. Bigla bigla. Walang nakakaalam sa amin na ganito ako. Even Gene Ria Loida. Ldr ang alam nila. It was so hard for me. Yung pinipilit mong maging masaya kasi may fireworks and all pero opposite non ang nasa puso ko. Pareho lang na in terms na gusto kong sumabog. Siguro nga kaya laging malungkot ang new year ko, kasi natapos ng malungkot noong mga nakaraang taon. Ganun daw yun diba?"

    "Eh bakit naman ako? Tumatalon taon taon, di naman ako tumangkad?"

Kinurot ko ang pisngi nya pero nakailag agad sya.

   "Ayoko ng kinukurot ako, nananapak ako!"

     "Warfreak Luisa."

    "Kidding aside... tayo lang talaga may kontrol sa buhay natin. Choices natin. Malay mo next year Okay na?"
     Nginitian ko siya.

   "Oh, ano 'yang ngisi na 'yan ha?" Sabi nya na natatawa rin.

    "Wala. Di ko alam kung matutuwa ako eh. Ikaw nakasama ko ngayon so meaning buong taon kitang kasama?"

     "Ha?! Eh ano naman ayaw mo?!"

      "Joke lang. 'Lam ko namang si Gene ang mga tipo mo eh. Mga tipong di alam ang gusto at pabagu-bago."

    "Dami mong alam. Lika na nga pasok na tayo. Ay wait lang pala Is, bakit nga pala 'yung Till they take my heart away ang kinanta mo nu'ng nag-gitara ka?"

    "The music keep playin' on my mind a day or two before ako lumuwas. Ewan ko nga, hindi namang ganu'ng tema ang mga tinutugtog ko, bakit?"

    "Wala. Kinanta ko rin kasi 'yan. Nagtampo kasi si Gene sa akin, nilambing ko siya."
Parang may kumurot sa puso ko sa sinabi ni Lui na 'yon. Well, I don't get it really bakit ganito.

MOO (My One and Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon