Gene's Pov:
11 months before, a week after Valetines Day
Pinatawag ako sa faculty ng Head matapos mag-uwian ng lahat ng co-teacher ko. Sinabihan ako if totoong may namamagitan daw sa min ni Lui. Natural na nagdeny ako dahil wala naman talaga. The Head happens to be my distant relative.
In a way, nahiya ako na may gano'ng tsismis pala at wala akong ka-malay-malay.
Pag -uwi ng bahay ay tinawagan ko si Isay. Nakipagkita ako sa kanya bago siya bumalik ng probinsya. Sa isang Japanese Restaurant kami napunta.
"Say, uhmmm.. Salamat sa pagpapaunlak mo."
"Okay lang, buti nga, nakahabol ka pa. After ko mag empake sana eh, matutulog na ako. So, this is about Luisa I guess?"
"Oo eh. Alam mo namang ikaw lang makaka-intindi sa akin."
"Ano na ba nangyare? Okay pa kayo last week ah. May patanung-tanong pa nga siya sa akin kumpa'no maibibigay 'yung bulaklak sa 'yo?"
"Hindi pala gano'n kadali. Ngayon, inaamin ko ng mahal ko si Luisa, higit sa pagmamahal ng isang kapatid o kaibigan. Tanggap ko ng mahal ko siya."
"Pero hindi mo matanggap sa sarili mo na nangyari ganu'n ba? Na nagmamahal ka na pala sa kapwa mo babae?"
"Oo. At di ko alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako at confused. Nalulula. Hindi ko alam ang mga expectations ni Lui sa akin. Madalas siyang magtampo. Wala kaming direkto na usapan kung ano ba kami. Parang we're just going with flow. 'Yung nakalipas na isang linggo after ng Valentines Day, parang... Parang ambilis. Nakakatakot ang bilis."
"Explain further."
"She's so clingy. She always wanted to hold my hand even in public. Although hindi sa school at sanay na akong mahawak siya pero, lately nailang ako. Sa mall, sa mga matang sumusunod sa amin na parang krimen ang ginagawa namin. Pagkatapos ito, kalat na raw sa school na parang may something sa amin. Hindi ko kaya ang tsismis Isay. Nahihiya ako."
"Haaay! Maybe yes, mahal mo si Lui pero hindi ka pa handang harapin ang mga consequences. Lalo na if ever, if ever lang siya ang una mong karelasyon at komplikado pa, mahirap gumalaw."
"Nahihirapan ako Is. Ayokong saktan si Lui pero paano? Hindi pala ganito kadali."
"Kilalanin mo muna ang sarili mo Gene. Bago ka makasakit ng damdamin. Alam kong mahal ka ni Lui. Ikaw lang ang hinihintay niya. Tingin ko nga, kaya ka niya ipaglaban. Masyadong maaga lang para sabihin ko 'yon pero alam kong kaya niya. Eh ikaw?"
"Hindi kaya infatuated lang ako dahil sa atensiyon na binibigay niya sa akin? Na... napapaatwa niya ako, nararamdaman kong espesyal ako sa kanya, gano'n?"
"Haaay Gene. Look into your heart, feel your heart. Alam kong mahirap pa sa ngayon pero I guess you both need to talk. Ikaw lang makakasagot niyan. One thing I assure you, Lui is worth the risk."
---------
Habang nasa taxi ako pauwi ay laman ng isip ko si Luisa. Paano ba ang gagawin ko? Maya-maya ay tumawag ang babaeng gumugulo sa isip ko.
"Baby, sa'n ka?" Oo, baby. Yan na ang tawag niya sa akin mula ng parang "may unawaaan" na kami after ng Valentines Day na 'yon.
"P-pauwi na. I met Isay. Ikaw?"
BINABASA MO ANG
MOO (My One and Only)
RomanceWhat will you do if you fell in love with your student?
