Chapter 18- Gift

1.9K 53 2
                                    

LUI's POV
Pag dating ko sa bahay nila Gene ay andun padin si Ryan. Ewan ko ba,pero naiinis ako ngayon sa presensya nya. Naabutan ko silang nagtatawanan at hindi tlaga nila ako napansin ha?

"Ehem" pagkuha ko ng atensyon nila

"Ai Ate Lui, anjan ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay ni Doc Gab e" Sabi ni Ryan sakin.

"O talaga?" Pataray kong sabi at sabay tingin kay Gab.

"Gabi na,Ryan. Hindi ka pa ba uuwi? Late na a. Hndi naman ata maganda na makikita ka ng mga tao na lalabas ka sa bahay ng prof mo ng gantong oras." walang gana kong sabi sknya habang kumukuha ng tubig dto sa kusina.

Kung nagtataka kayo kung bkt ako andto, well may case presentation ako tmro and Gene promised me natutulungan niya ako. Pero mukang itutulog ko nalang. Tutal, tapos ko na yun presentation. Babasahin ko nalang ulit mamaya.

Hindi sila nkapagsalita hanggang sa naubos ko ang tubig ko.

"Good night guys. Mauna nko magpahinga. My pasyente pa ako bukas." sabi ko ng hndi sila tinitignan at pumasok na sa kwarto namin ni Gene.

Siguro mga 1hr? Pumasok na si Gene. Ako naman ay busy sa kakalaro sa fone ko. At hndi niya talaga naalala na ididiscuss namin ung case pres ko. Hoho

"Akala ko ba magpapahinga ka na?" at umupo na sya sa kama

"Papantok lang" wala kong gana ng sagot

"What was that,Lui? Kanina lang kita nakitang naging rude."

"Meron lang ako. Matutulog nko. Maaga pasyente ko bukas" at naglagay nko ng earphones at nagpatugtog. I dont wanna hear another word. Ayoko na din magexplain. Ayoko na umasa na merong KAMI dahil alam kong wala nman talaga. Assuming lang ako. Lalayo nalang siguro ako.

———————————

GENE's POV
Haaaay. Since that night hindi na kami nakapagusap ng maayos ni Lui. Nakakaguilty dahil nagpromise pala ako na tutulungan siya sa case pres nya but at the same time nakakaproud dahil mataas nakuha niya. Nasilip ko kase yung grade niya sa ka'faculty ko. Busy bee na siya. Hinahabol niya for sure ang first batch ng pre-boards. I know mahahabol niya yun, takot niya lang sa nanay niya.

Pag nasa clinic kami,hindi niya ako kinakausap. Kahit tapunan ng tingin ay madalang na din. Nabobother ako sa actions niya. Invisible na ba ako sakanya? Ganun ba siya kabusy na kahit text at tawag ko ay ignored na? Na lagi niya lang reply ay "Sorry besh,busy. Pagod nko. Night." Nagmumuka na ngang copy paste yang text niyang yan.

Minsan kahit ako lang ang nsa clinic,ay maghahanap talaga siya ng ibang CI para magcheck sa gawa niya. Nirespeto ko nalang para wala na ding issue.

May isa siyang case na 3 beses niya nang nababagsak. Naawa na ako dahil yun nalang ang kulang niya para makapag'pre-boards. Pero dahil hindi niya ako kinakausap, wala akong magawa. Gusto ko siyang tulungan dahil yun ang forte ko pero paano?

Nakita ko siya naka'upo sa sahig habang nakasandal sa locker. Quarter to 6pm na din at andto pa siya. Pagod na siguro siya dahil nakapit na din siya. Wala na rin masydong tao dahil pagabi na dn.

Umupo dn ako sa sahig,buti nlng at nakajeans ako ngayon.

"Lui?"

"5mins." sabi niya.

She seems really tired. Napansin ko din na pumayat siya in just short period of time. Ikaw ba naman magclass/clinic ng 7am-5pm tapos my review pa siya ng 7pm-10pm. Monday to Saturday.

"Lika na,hahatid na kita sa review center mo. Sa kotse ka na umidlip"

At inalalayan ko na siyang tumayo. Pupungas pungas siyang tumayo at naglakad papunta sa parking space. Nakasalubong namin ang friends nya galing sa CR. Pero si Lui ay dirediretcho sa kotse ko.

"Ai doc, hindi po sana namin papapasukin sa review si Imps e." Sabi ni Janna.

"Ha? Bakit naman? May sakit ba siya?" Tanong ko.

"Hndi doc. Birthday niya kase. Kaso, wala siya sa mood magcelebrate at mukang hndi mapilit magabsent sa review." Sabi ni Ellaine

"Lagi naman yang ganyan pag birthday niya e." Dugtong ni Janna.

"Ano ba plano nyo?" Tanong ko sakanila

"Ipagluluto sana namin siya kahit simpleng dinner. Tapos sa dorm nalang siya matulog. Mag'isa nanaman kase sya sa dorm niya ngayon dahil linggo bukas.Nsa probinsya ang mga studyante."

"Ganto nalang, dun nalang tayo sa bahay ng pinsan ko,hatid muna natin si Lui sa review tapos magpreprepare tayo sa bahay then sunduin ko siya para sure sa na hindi siya uuwi sa dorm niya ngayon. Okay ba sainyo yun?" Suggest ko sakanila

Nagtinginan lang sila at sabay ng thumbs up.

———————-

Exactly 10pm  ang tapos ng review nila Lui. Buti nalang at kakilala ko yung prof nila, kabatch ko. Kaya naabisuhan ko na wag tatapusin ng maaga yung review nila.

Weird dahil hindi talaga nakikipagtalo ngayon si Lui. Tumatango lang sya, sumagaot pero one liner. Nakakaguilty dahil hindi ko din alam na birthday niya. Hndi niya din kse ako sinagot nung tinanong ko siya noon.

"Beshie, sa Diliman tayo sleep ngayon? Miss ka na nila Ria e."

"Ikaw bahala."

"May gusto ka bang dinner?"

"Kung ano nalang nsa bahay." 

Ganyan. Ganyan kami magusap.

Kanina, sabi nila Janna, "Doc, wag ka po mageexpect na magtatalon un sa saya ha? Mapapasmile natin siya pero malabong mapasaya. Ganun talaga yun pag birthday niya. Mukang sinumpa."

Pagdating namin sa bahay ay kinantaan siya agad nila Janna, Ellaine, Ria, Ate Loida at Isay ng happy birthday. At natuwa ang puso ko ng nasilayan siyang ngumiti. Yung ngiti na kanina ko pa inaabangan. Hindi man ngiti na abot hanggang tengga, pero alam kong totoong ngiti. I haven't seen that smile for a while.

"Thank you guys. Pero ang alam ko, birthday ko at hindi fiesta?" Sabi niya at lahat kami natawa. Nakuha niya pa talaga magjoke noh?

Nataranta naman kase kaming lahat. Kaya Nagkasabay sabay kami ng padeliver. Hahaha. Nagpadeliver ako ng shakeys, si Ria ay nagpa'palabok at puto, sila Janna at Ellaine nagluto ng pesto at chicken, si ate Loida,nakabili ng 10 1.5 na softdrinks at si Isay ay bumili ng 10 burger with fries sa burger king. O dba. Pero walang cake! Nakakatawa talaga kami.

Masaya naman kaming nagkwkwentuhan. Kala mo e walang age gap saming pito. Si Lui napapansin ko na nakikitawa lang sa amin. At sumasaya ang puso ko dahil hindi natapos ang araw niya na hindi man lang ngumingiti.

Dito na namin pinatulog sila Janna at Ellaine. Kaya magkakatabi sila nila Isay sa kwarto. At dito kami sa sala naglatag ni Lui.

Nakahiga na kami. Sguradong pagod ang lahat, lalo na tong katabi ko. Magkatalikudan kaming dalawa. Gusto kong humarap sakanya,kaso ramdam ko ang malakaing pader sa pagitan namin.

"Gab. Thank you" Biglang salita niya.

"You're welcome, Beshie" sagot ko sknya with a cheerful voice to ease the awkwardness.

"Uhm, Pwede ba humingi ng gift?"

"Sure. Ano yun? Basta wag mahal ha. Hahaha"

"Wag kang magpapaligaw kahit kanino. Saka na pag nakapasa na ako ng board exam. And don't ask why."

And that made speechless and gave me a sleepless night.

MOO (My One and Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon