Chapter 30- Biglaan

2.2K 60 3
                                        

LUI's POV

"O anak, bakit hindi mo kasabay si Gene?" Bungad na tanong sakin ni Papa pagkadating ko palang sa Chinese restuarant kung saan usapan ang aming pagkikita. Tamang tama, gutom na ako. Buong araw akong walang kain sa hospital.

Every month ata kami nagkikita kita. Kahit busy ay binibigay namin ng oras ang bawat isa. Lalo na't ang mga magulang pa namin ang gumagawa ng paraan para lang makita kami.

"Eh Pa, hindi na nagpasundo at mas malalate daw kami pareho. Pero malapit na daw ho siya." Sagot ko kay Papa habang nagbebeso kila mommy, mama, daddy at sakanya.

Habang hinihintay si Gene ay masaya silang nagkwekwentuhan, nagorder nadin kami ng pagkain at ako naman ay abala sa telepono ko. Nagbibigay kase ako ng instruction sa nurse on duty para dun sa bagong admit na pasyente ko.

"Lui, anak, masyado mo atang inistress sarili mo sa pagiging residente mo?" Tanong sakin ni mommy.

"Hindi naman po, mommy. Seryoso lang. Hehe.Dito nakasalalay yung future namin eh." At ngumiti ako sakanila.

Kring.. kring..

"Excuse me po, just have to take this call. Sa hospital." Paalam ko sakanila at tumayo para lumayo sakanila.

Habang kausap ko ang nurse on duty sa telepono ay dumating din naman si Gene. Bumeso sakin at sumenyas na mauuna na siya sa table kung asan ang mga magulang namin.

Inabot ako ng halos 15mins sa telepono dahil mejo nasa ciritical condition ang pasyente at nirefer ko pa sa kapwa ko residente.

Pagbalik ko sa table namin ay napansin kong may kakaiba sa pinaguusapan nila.

"What's with the serious faces? What did I missed?" Tanong ko sakanila habang pa'upo ako sa tabi ni Gene.

Natahimik sila. Nagtinginan at parang nagpakiramdaman kung sino unang magsasalita.

"Uh- uhm." Panimula ni Mama.

"Nakaka'kaba naman yan. Is it a matter of life and death?" Tanong ko ulit sakanila.

"Haha. Anak naman, hindi naman. Uhm, Gene here is just about to tell us about her long time partner daw." Sagot sakin ni Mama.

"Oow." Yan lang ang nasabi ko at tumingin kay Gene. Totoo ba 'to? Sasabihin niya na about us? Bigla akong kinabahan at naexcite at the same time.

"Well, Gene? Who's the lucky one?" Tanong sakanya ni Papa, natila naeexcite din sa sasabihin ng anak niya.

"Si-- Ryan po. Ryan Castillo." Sagot ni Gene at tingin sakin sabay sa pagbagsak ng balikat ko.

Everyone looked puzzled. Yung luha ko biglang namuo at nagbabadya ng bumagsak. Hoooo. No. I won't show any weakness right now. I held it back. Bakit? Bakit si Ryan ang sinabi niya instead of me? Mas okay pang sinabi niya na single padin siya kesa sabihin niya sa magulang namin na committed siya sa iba. May ganto pala siyang plano, bakit hindi ko alam?

"Ryan? Yung dating student mo?" Tanong ni Papa sakanya.

"Yes po, Pa." Sagot ulit ni Gene na tila kinakabahan.

Dumating ang mga pagkain. Saved by the bell ang lahat. Napunta ang atensyon ng mga magulang namin sa pgakain at hindi na sa sinabi ni Gene. Akala mo fiesta sa dami ng inorder namin. But, I don't feel so hungry anymore.

We started to eat. Normal ulit na nagkwekwentuhan sila ng mga bagay na wala akong pakialam. Hindi rin kami nagkikibuan ni Gene.

I can't think straight. Sobrang wasak ang puso ko ngayon.

MOO (My One and Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon